TASK 39: Back Sasabog na sa negatibong emosyon si Nico. Hindi lang dahil tatlong oras na niyang hinahanap si Kyra, idagdag pa ang mga taong pinagkakaguluhan siya. Hindi siya makausad sa paghahanap kay Kikay dahil sa dami ng gustong magpa-picture, magpa-kiss at hug. Noong una nagagawa niya pang ngumiti pero di kalaunan ay umiinit na ang ulo niya. Kung saan-saan siya pumupunta hindi lang para maghanap kundi para mag-disguise na rin. Bibili siya ng cap, shades, wig, jacket at kung ano-ano pa matago lang ang identity niya. Buti na lang nandiyan si Manong Ben para tumulong maghanap. Ang kaso nga lang ay walang ni anino ni Kikay ang nakita. May mga napagtanungan siya, "Nakakita ba kayo ng babae: maganda, maputi, mga 5'6 ang tangkad, payat at may dimples pag ngumiti?" Ang mga sagot: "Ayy, si