TASK 37: Shopping with Madame 2am na ata kami natapos ni Nico maglaba. Basta pagod na pagod ako pagkatapos kaya nakatulog ako kaagad pagkahiga ko sa kama ni Nico. Share pa rin kami pero hindi na ako nag-abala pang maglagay ng harang sa pagitan namin. Kung niyakap ko man siya, hindi ko nalaman. Pag kagising ko kasi wala na siya at isang witch step-mother ang bumungad sa akin. "HOY! Anong ginagawa mo sa kama ng anak ko? Bakit ka sa higaan ni Nico natutulog?!" I jumped in my surprise. Daig ko pa yung mga sundalong ginigising sa umaga. I don't know what to say! Asan na ba si Nico?! "P-po? Ano po.. Nagliligpit po ako kanina tapos.. Ano.. Nahilo po ako kaya humiga ako." I stammered. Sht! Hindi sumagot kaagad si Ma'am Helen. Naka-crossed arm siya at taas isang kilay niya. Tiningnan niya ako