Chapter 49

1508 Words

Ipinasok sa isang kulungan si Riego kasama ng iba pang mga nahuli. Madilim sa loob dahil nasa ilalim pa ng lupa ang mga bilanguan. Ang tanging ilaw ay ang mga sulo na may sindi na hindi naman lahat ay kaya ng liwanag nitong abutin. Sa dilim siya nagkubli. Hinintay niyang makaalis ang mga kawal upang malapitan niya ang lalaki. May mga pinapapasok pa sila sa loob at nang napuno na ay iyon na ang hudyat na lilipat na sila ng ibang selda. Nagpalit siya ng anyo at naging gamogamo. Nang sa ganoon ay hindi siya makilala at makalapit siya nang husto kay Riego. May nais lamang siyang gawin. Paraan para matulungan n'ya ang hari na matunton kung saan makikita ang kaniyang anak na panganay. Lumipad siya palapit sa selda. Hinanap si Riego sa mga siksikan na mga tao. Nakita niya ito sa isang sulok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD