Matapos mawalan ng malay ang binata ay pinagtulungan nilang ikubli ito sa damuhan. Pati sila ay nagkubli rin at nang makalampas ang tatlong kalalakihan na hindi nila kilala na sumusunod kina Edelweiss at Solana nang makarating sila sa sentro ng Windy Valley ay sabay-sabay lumabas ang tatlo sa mga nakaputing babae at tahimik na inatake ang mga dumaan. Walang kahirap-hirap nilang napatumba ang mga iyon at nang matiyak na wala na silang mga kasama na nasa paligid ay inilabas na nila si Edelweiss at dinala sa mas ligtas na lugar. Isang abandonadong bahay ang kanilang nakita. Akay ng dalawa sa pinakamalakas ang braso at mga binti ang binata na halos pakaladkad na ang gawa nila dahil mas matangkad ang binata sa kanila. Ang nangyari ay nakasampa ang tig-isang braso ni Edelweiss sa mga balikat n