Mula sa pinakamataas na tore sa palasyo ng Water Valley ay natanaw ng isang kawal ang parating na anim na katao na nakasakay sa tig-iisang kabayo. Ginamit niya niya ang teleskopyo upang makita nang mas mahusay ang mga parating. Malayo pa sila, ngunit malinaw niyang nakita kung sino sila at nang makilala’y agad niyang inutos sa kaniyang kasamang kawal na ipabatid sa hari kung sino ang anim. Dali-dali naman itong bumaba. Tinakbo ang paikit-ikot na hagdanan ng tore upang mabilis majababa at mapuntahan ang hari. Tinahak niya ang daan patungo sa isang mahabang pasilyo at huminto sa isang silid na sarado ang pintuan. “N-Nariyan b-ba ang h-hari?” tanong ng kawal na hinihingal sa dalawang bantay na nasa labas ng pinto ng silid. “Oo, nagpapahinga na,” sagot ng isa sa mga bantay at siya’y binali