Chapter 51

1801 Words

Solana’s Point of View Isang mahinang pagyanig ang bigla na lamang nagpahinto sa pag-uusap namin ng hari. Pinakiramdaman kong mabuti at inalam kung saan galing ang pagyanig. Kung nasa Fire Valley sana kami ay masasabi kong normal lamang iyon dahil sa dami ng mga bulkan sa aming lugar ngunit hindi. Kung aabot naman hanggang Wind Valley ang lindol ay mahinang-mahina lamang, ngunit hindi. Galing nga sa kailaliman ng lupa, ngunit malapit lamang ang sentro nito kaya ano na lamang ang pagkaalarma ko. “K-Kamahalan!” kuha ng atensyon ng hari na nakaupo sa tabi ko lamang. Halata naman sa kaniyang itsura na naramdaman niya rin ang pagyanig na iyon. Dali-dali siyang nag-utos ng mga kawal na naroon lamang sa amin malapit upang tiyaking ligtas ang kaniyang tatlong mga anak na nasa kanilang mga silid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD