KABANATA TATLUMPU'T WALO JUCIA BARTOLOME "Come on, join me here agapi mou," anyaya sa kanya ni Nate na nakalublob na ang katawan sa tubig dagat. Nag-angat siya ng tingin saka sinilip itong effortless na nagpofloating. Ilang araw na silang nasa gitna ng dagat at sobra niya iyong naeenjoy lalo na’t kasama niya ang binata. "Later, I'll just enjoy the sun for a while," pagtanggi niya rito saka ininom ang orange juice na nasa mesa sa kanyang tabi at ibinalik ang kanyang tuon sa librong binabasa. "Come on agapi mou," muling sigaw nito kaya naman wala na siyang nagawa kundi tumayo sa folding chair na kinauupuan niya at naglakad patungo sa gilid ng yate. Kumapit ang dalaga sa railings saka dumukwang upang mas makita ang binatang masayang lumalangoy sa tubig. "Sabi ko mamaya na," saka namewang