KABANATA TALUMPU'T PITO JUCIA BARTOLOME "I hate to bother the two of you but I really need tell you guys that we are now in your destination. We are now in the middle of the sea and I think my job here is done," nagitla siya sa tinig ng lalaking nagsalita dahilan para maestatwa siya sa pagkakahiga. Hindi tumitingin sa gawi nila ang lalaking sa tingin niya ay ang nagmaneho ng yateng sinasakyan nila. Namulang agad ang kanyang pisngi sa tinuran nito saka pinagmasdan ang posisyon nilang dalawa ni Nathaniel. Nasa ibabaw niya ang binata habang ang mga binti at braso niya nakapulupot sa katawan nito, mabuti na lamang at hindi pa nila itinutuloy ng binata ang kanilang dapat 'gawin' dahil mas lalong nakakahiya kung mahuhuli sila nito sa akto. Tumikhim ang binatang nasa ibabaw saka kaswal na nagsa