Kabanata 27 Tahimik lang akong nakatitig sa chandelier sa kisame ng kwarto ni Goliath habang binababa siya nina Joziah at K, Maximo’s penetrating gaze was locked unto me, halatang nag-aalala dahil sa aking naging reaksyon. Naramdaman ko ang pagpilipit niya ng aming mga daliri. Nang maramdaman ko ang init ng kanyang palad na nakadampi sa akin hindi ko maiwasang kumalma. I felt safe and sound. Hindi ko alam kung ano ang bigla kong naalala. Hindi ko masyadong naintindihan. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit sa lahat ng pwedeng makalimutan, bakit ang pangalan ng aking kapatid ang isa sa mga iyon? Hindi naman ako naaksidente o ano. Pinag-isipan ko nang mabuti iyon. Pakiramdam ko ay muling nagpaparamdam ang aking kapatid. Ano nga ba ang nangyari sa kanya? Bakit bigla na lang siyang naglaho