Kabanata 28 Sinuklay ni Maximo ang kanyang buhok, halata ang pagkasiphayo sa kanyang seryosong mukha. Tahimik kaming kumakain ngayon sa dining hall, hindi lang kaming dalawa, mayroon din ang ibang mga lupon at mga maharlika. Seryoso ang lagay ng loob, walang nagsasalita. Tanging ang tunog ng mga kubyertos lamang ang umaalingawngaw. Kapansin-pansin din na maraming umiiwas sa tapat ng bintana, siguro dala ng matinding dagok sa nangyari kanina. “I miss sailing.” Maximo sighed, “all the things happening on this island is holding me back. I’ve never been in the waters for a long time now.” Tumingin ang lahat sa kanya dahil sa kanyang inasta. Nadama ko na tila hindi sila makapaniwala dahil sa kanyang kinikilos, na tila wala siyang pake sa mga sunod-sunod na kababalaghang nangyari. Ngunit wala