bc

Ezekiel's Choice: True Love or First Love? - SPG

book_age18+
3.7K
FOLLOW
17.2K
READ
love-triangle
sex
age gap
powerful
drama
city
small town
first love
poor to rich
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

SPG. Reader discretion is advised.

---

Kapag ba rape victim, hindi mo pwedeng mahalin? Ito ang katanungang palaging gumugulo sa isip ni Ezekiel. Ang alam niya ay awa ang nararamdaman niya para kay Selena. Pero sa tuwing magkakalapit ang katawan nila, may nararamdaman siyang kakaiba sa puso niya. Unti-unti nang napapamahal si Selena sa kaniya.

Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Selena ay kaya itong tanggapin ni Ezekiel. Ito ang tunay na pagmamahal. Sabi nila, kapag mahal mo daw ang isang tao, kaya mong tanggapin ang buong pagkatao nito, maging pangit man ito o maganda. Pero paano kapag dumating si Eliza? Ang first love niya na matagal na niyang hinihintay?

True love or first love? Alin kaya ang magiging mas matimbang kay Ezekiel?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Everyone, get ready! We’re live in 5,4,3,2,1!” Sumenyas ang news director sa cameraman na itutok na sa harap ang camera. “Good evening. This is Ezekiel Sarmiento, bringing you the latest in tonight’s news and current events.” Ezekiel introduced himself bilang panimula ng programa. “For the headline tonight: Speaker Velasco calls for swift and smooth passage of the national budget. Speaker on Thursday called for swift and smooth passage of the proposed national budget for 2022 to avoid a reenacted spending program and ensure continuous government operations intended for the pending infrastructure projects.” Tumigil si Ezekiel at hinintay ang pagpasok ng video clip. The Director signaled to play the video clip. Araw-araw, tuwing tanghali at alas nuwebe ng gabi, si Ezekiel ang tagapaghatid ng balita sa Channel 9. He is more famously known as Zeke, isang kilalang news anchor at sikat hindi lang sa loob ng newsroom kundi maging sa iba pang department ng Z Broadcasting Network. Zeke was like a Greek God in ZBN. Halos lahat ng kababaihan sa bawat departamento ay humahanga sa kaniya. He was tall and handsome, but a mestizo and had a great resemblance with the famous Filipino actor, Ian Veneracion. Matapos ang isang oras na pagbabalita ay naghanda na si Ezekiel para umuwi. This was his daily routine. A news anchor during the noontime news break and at nine pm for the daily late news program. Hindi siya fulltime na anchorman. Ang totoong trabaho niya ay ang pagma-manage ng sarili nilang school at mayroon din silang poultry farm sa Bulacan. “Sir! Nakalimutan niyo po itong cellphone niyo.” Hinahabol siya ng isang babaeng hawak hawak ang cellphone niya. Naka-jeans ito, pink na sweatshirt na may hoodie sa ulo. Humahangos ito na lumapit kay Ezekiel. When Ezekiel glanced back, he was taken aback when he saw the lady. May naalala siya pagkakita niya dito. At napansin din niya na napakaganda ng babaeng ito at bagay sa kaniya ang suot na pink hoodie. “Oops, sorry. Napaka-absent minded ko talaga. Thank you, Miss...?” Tanong ni Ezekiel sa magandang babae. This time he took his time in checking out the lady from her head down to her toe...at kumbinsido na si Ezekiel na maganda nga at kamukha ng nobya niyang si Eliza. Kaya pala nagulat siya kanina. “Selena Sanchez. Selene na lang po.” Pagpapakilala ng babaeng hawak hawak pa ang cellphone ni Ezekiel. “Thank you, Selene.” Ezekiel took the cellphone from Selene then put it inside his pocket. “Are you working here?” “Ah, hindi pa naman po, Sir. OJT pa lang po ako, graduating student ng Mass Comm.” Selene felt excited and at the same time embarrassed dahil hindi niya akalain na kakausapin pa siya ni Ezekiel. Matagal na kasi niya itong crush. “Zeke na lang. Huwag nang Sir...hindi naman ako ang boss mo.” Pagkasabi nito ay kumindat pa si Ezekiel kay Selene that made her blushed instantly. “Ok po...ok Zeke.” Selene moist her lips with her tongue. Ezekiel thought that gesture was too sexy, pero hindi na lang niya pinansin. “Alright, I’ll go ahead, Selene. Pauwi ka na din ba?” “Opo, sir...este, yes Zeke. Palabas na ako nung mapansin ko yung phone mo sa table.” “That’s good. I can give you a ride if you want.” Mabilis din namang nag-alok si Ezekiel. “Naku, huwag na po, nakakahiya, malayo po ang inuuwian ko. Baka ma-out of way lang po kayo.” “Okay but if it’s along my way, ihahatid na kita.” “Sa Recto area po ako.” Ezekiel sighed then laughed. “Ahh, sayang, out of way nga. Maybe next time...Selene, right?” “Yes po. Thanks anyway, Zeke.” Selene bowed slightly then walked to the opposite way. As soon as she thought that Ezekiel was already out of sight, tahimik na nagtatalon si Selena at nagtitili sa isipan niya. My ghaaaad! Ang guwapo guwapo niya! Ang sarap banggitin ng pangalan...Zeke...oh my Zeke...bakit ba para kang demigod na bumagsak sa lupa! Napapapikit pa si Selene habang iniisip ang kaguwapuhan ni Ezekiel. Hindi siya makapaniwala na totoong nakausap niya ito nang malapitan. Ezekiel was her long time crush and idol. She loved him even more nang malaman niya na mabait din pala ito sa personal. Si Ezekiel naman, habang binabaybay na ang kalsada papuntang Makati, ay napapangiti habang naalala si Selene. Napakagandang babae. I’m sure bata pa iyon kung graduating pa lang. Halos pwede ko nang maging anak. If she’s around 20 years old, then we have a 15-year age gap. Ezekiel was 35 years old but no one would think that he was already that old. The way he carried himself and with his looks and complexion, marami pa din ang nag-aakala na nasa late 20s lang siya. While driving, Ezekiel can't help but smile when he remembered Selene. She was really beautiful. At kamukha ni Eliza. Lalo tuloy nangulila si Ezekiel kay Eliza. Eliza was Ezekiel's first love. At nangako sila na magpapakasal sa isa't isa. Naalala niya na pareho sila noong kaka-graduate lang ng college at sa edad nilang 21, kapwa na din sila naghahanap-buhay. He had been helping his parents manage their school. Si Eliza naman ay natanggap bilang isang staff sa isang sikat na IT company sa Manila. She was promoted after two years and was given an opportunity to train in US. Pero makalipas ang anim na buwang training, hindi na bumalik si Eliza. Nang makausap niya noon si Eliza sa telepono, tinanong niya kung bakit hindi pa ito nakakabalik when the training had already ended. Ang sagot ni Eliza ay nagkaroon siya ng mas maganda pang opportunity. She met a CEO na nagpapatulong sa business nito and the offer was something that she couldn't say no to, halos limang beses ang laki ng sweldo kumpara sa sinasahod niya dito sa Pilipinas. Hindi naman masisi ni Ezekiel si Eliza. Working in America is her long time dream. But Eliza's words when they said goodbye were still vivid in Ezekiel's memories: “Babe, hihintayin mo ako ha...pangako ko sa ‘yo, babalik ako at magpapakasal tayo.” Iyon pa ang huling mga salita na narinig niya mula kay Eliza. At iyon na pala talaga ang huli. Because since then, hindi na niya nabalitaan kung ano ang nangyari kay Eliza. They both lived in Bulacan and had so many common friends, but no one knew what happened to her. Kahit mismong pamilya ay walang nakakaalam kung ano na ang nangyari kay Eliza. Lumipas na nga ang mahigit sampung taon, 35 years old na si Ezekiel ngayon, tinutupad niya pa din ang pangako niya kay Eliza na hihintayin niya ito. He had been loyal and never had any girlfriend since Eliza left. Pero tulad ng ibang lalaki, tao lang din naman si Ezekiel at may kahinaan. He would bring home women to her condo unit and engaged in sex, pero hanggang ganoon lang. Because in his heart and in his mind, si Eliza lang talaga ang mahal niya. Dahil ito ang first love niya. Naniniwala siya na babalik si Eliza tulad ng pinangako nito. Si Selene naman nang makarating na sa bahay nila ay hindi na nakapag-pigil at tuluyan nang tumili nang pagkalakas-lakas. “Ayiiiiiiieeee!!! Lolaaaaa!!!!” Selene got the attention of her lola, humangos itong napalabas ng kusina. “Selena! Ano ba ang nangyari sa ‘yo.” Takang taka ito nang makita si Selene. Namimilipit sa sobrang kilig at abot tenga ang mga ngiti. “Lolaaa....ang saya saya ko talaga! Nakausap ko po ang idol ko!” Selena hugged Lola Fely tight. “Idol? Aaah...yung mestisong news caster? Yung si Exe...Eki...” Sinubukan ni Lola Fely na banggitin but she struggled dahil mahirap banggitin ang pangalan ni Ezekiel. “Lola, Ezekiel po.” Malumanay na turo ni Selene sa lola niya. 65 years old na ang lola ni Selene na si Fely Sanchez. Palibhasa ay hindi ito nakapag-aral, hirap itong magbasa at halos hindi din nagsusulat. Kapag pinapapirma nga ito sa botohan ay thumb print lang ang gamit. “Ah yun nga...kiel kiel na yan...basta yung tisoy sa Channel 9!” “Naku tama ka, Lola, ang galing galing mo talaga! Pero sabi niya sa 'kin, La, Zeke na lang daw ang itawag ko sa kaniya!” Niyakap uli ni Selene ang lola niya habang nagsasalita at namimilipit pa din sa kilig. . “O, e ano naman ang nakakakilig?” Lola Fely was curious. “E kasi, la, ang bait bait niya po. Kinausap niya ako, la! At muntik pa nga niya akong maihatid dito sa bahay!” “Naku, mabuti at hindi. Kahiya hiya naman kung dadalhin mo siya dito sa pusali. Alam mo naman, looban ito, napakaliit ng iskinita. Kapag nagpahatid ka hindi siya kakasya dito.” “Alam ko naman po yun, la, kaya nga ayoko ding magpahatid. Ok na po sa akin na nakausap ko siya at lalo po talaga akong humanga sa kaniya!" “O siya....sige na, magbihis ka na at kumain na tayo. Hindi ka mabubusog diyan sa Zeke Zeke na yan. May masarap na sapsap dito binili ko kanina diyan sa talipapa.” “Sige po, la, bibihis lang po ako.” Sina Selene at ang lola lang niya ang magkasama sa bahay. Selene was only 7 years old when her parents left her under the care of Lola Fely. Hindi naman naglihim sa kaniya ang lola niya tungkol dito. Naghiwalay ang mga magulang ni Selene dahil palaging nag-aaway. Selena's father was Lola Fely's son. Naunang umalis ang tatay niya at makalipas lang ang ilang buwan ay umalis na din ang nanay niya at hindi na bumalik. Tanging lola lang niya ang nagtaguyod sa kanya. Nagbibenta ito ng sampaguita, ng mga gulay sa tabi tabi ng palengke, at kung anu ano pa basta makaraos lang sila. “Selene, apo, malapit ka na bang makatapos diyan sa kurso mo?” Habang kumakain ay nagtanong ang lola ni Selene. “Di ba nga, la, last sem ko na po ito. Next year magta-trabaho na po ako! Maiaahon ko na po kayo dito sa maliit na lugar na ito!” “Mabuti na lang at napakatalino nitong apo ko...ang ganda ganda pa!” “Sus, dadalawa lang tayo dito, la, binubola mo pa ako.” “E totoo naman ang sinasabi ko. Kung di dahil diyan sa talino mo, mahal sana ang babayaran nating matrikula. Mabuti at iskolar ka...napakalaking bagay.” “Naku, la, mabuti na lang matalino at maganda ang lahi mo!” Nginitian pa ni Selene ang lola niya na may kasama pang papikit pikit ng mata. Lola Fely smiled. Tahimik na nilang itinuloy ang pag kain. “Siyanga pala, la, bukas ho ay gagabihin ako.” “Saan ka na naman pupunta?” “May project po kaming kailangang tapusin sa school.” “Naku, ikaw na bata ka...mag-iingat ka at napakadelikado na ng panahon ngayon.” “Oo naman, la, alam ko po iyon. Mag-iingat po ako, huwag kayong mag-alala.” “Gusto mo ba ay ipasundo kita kay Lino?” “Naku, abalahin niyo pa po yung tao. Sigurado busy din po iyon, baka hindi pa iyon nakakalabas ng factory pag uwi ko ho.” “Maaga umuuwi iyon. Mabait naman si Lino. Sanay na sa iyo yun halos bata pa kayo nakaalalay na sa iyo yun.” “Yun na nga po...bata pa ako inaasikaso na niya ako. Hayaan naman natin yung tao, la, para magkaroon naman ng ibang buhay hindi yung sa atin na din umiikot mundo niya. At nag-aaral pa din naman yung tao, naghahanapbuhay pa. E kapitbahay lang naman natin siya, hindi pa nga natin kaanu-ano.” “O siya, sige.” Natatawa na lang si Selena at itinuloy na ang pagkain. Kinabukasan ay ginabi na nga ng uwi si Selena. She left school at 9:00 and took the jeepney home. Inabot pa siya ng mahigit isang oras sa biyahe dahil sa traffic. It was almost 11:00 when she arrived at their neighborhood. Nang makababa siya sa iskinita malapit sa kanila, agad na kinutuban si Selene. Parang nanindig ang balahibo niya dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya. Bakit ba naman kasi sira ang ilaw sa poste, napakadilim tuloy. Lakad takbo ang ginawa ni Selene dahil may kalayuan pa din ang bahay nila sa may babaan ng jeep. When she passed by the dark alley, bigla na lang may sumunggab sa kaniya! Agad na nagpumiglas si Selene sabay sigaw nang malakas. But no one came for help dahil wala nang nakarinig sa kaniya. Sa bilis ng pangyayari, nasikmuraan si Selena ng isang lalaking tumayo sa harapan niya na hindi na din niya namukhaan. May dalawa pang lalaki na hawak hawak siya sa magkabilang braso. She couldn't identify the faces and she suddenly passed out. Papasikat na ang araw nang mapansin ng naglalako ng pandesal na may babaeng nakahandusay sa bakanteng lote. “Tao! Tao! Tulungan niyo ko! May tao! Baka patay na, tulungan niyo ko!” Habang papalapit siya sa nakahandusay na babae ay unti unti ding nagsilapitan ang mga tao at pinalibutan ang babaeng nasa semento. She was naked, her panty was pulled down to her knee, her face was full of blood, and she was hardly recognizable. “Seleeeene!” All of a sudden, from among the crowd, bigla na lang sumulpot si Lola Fely at nagsisigaw. At saka lang nalaman ng mga nakapalibot na si Selena pala ang biktimang nakahandusay. Hindi lang nila nakilala agad dahil sa ayos nito at sa duguang mukha. “Selena, apo ko, gumising ka! Selena, dumilat kaaa! Tulungan niyo po kami...parang awa niyo na.” Humahagulgol na ang lola ni Selena habang nasa kandungan ang walang malay na si Selene. Nagmagandang loob naman ang iba. Someone from the crowd called the emergency hotline na 112. Few minutes later, dumating na ang ambulance at mabilis na nilapatan ng first aid si Selena. Wala pa din itong malay pero sinabi na nila sa lola na pumipintig pa ang pulso nito. They carried her to the ambulance and rushed to the hospital.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook