CHAPTER 2

2096 Words
SA LOOB NG NEWSROOM, napansin ni Ezekiel na parang dalawang linggo na ata niyang hindi nakikita si Selena. Nalipat kaya siya ng schedule? Natapos na kaya ang OJT niya? He just thought to himself but felt that he missed seeing Selena. While inside the dressing room, he overheard two staff talking about a rape victim. “Grabe talaga yung nangyari dun sa estudyante na iyon. Mabuti na lang at nahuli yung mga rapist.” “Oo nga, inabot din sila ng 2 weeks para matunton yung pinagtaguan nung mga salbaheng adik na mga iyon.” “Tsk. Delikado na talaga ang panahon ngayon, hindi na talaga dapat pabayaan ang mga anak na pagala gala sa labas kapag madilim na.” Ito ang mga narinig ni Ezekiel na usapan ng dalawang staff while he was rehearsing his script. Ni wala siyang kamalay malay na si Selena na pala ang biktima ng pinag-uusapang rape case. Ilang saglit lang ay ipinatawag na si Ezekiel sa newsroom para sa pagsisimula ng 9:00 news. “Ready, 5,4,3,2,1!” The director gave his signal, umilaw ang indicator ng isang camera na nakatutok sa harapan ni Ezekiel, at muli, nagpakilala ito bilang hudyat ng pagsisimula ng news program. Halfway to his news report, naagaw ang pansin niya ng susunod na balita. “In other news, we have an update on the rape case that happened 2 weeks ago, involving a 20-year old graduating college student. The suspects, who have been in hiding since the incident happened, were caught inside an empty warehouse near the pier area. They were arrested and are now held for investigation at the Manila City Jail.” Huminto si Ezekiel at hinintay ang pagpasok ng video clip. His jaw dropped when he saw the video. Kaawa-awa ang kinahinatnan ng babae na nakahandusay at duguan na ipinakita sa video. May takip ang mata nito, naka-blur ang katawan, pero kinilabutan siya when he realized that it looked like Selena. Lalo nang mabanggit ng reporter na sa Recto nangyari ang insidente. Mabilis na natapos ang gabing iyon. While he was driving home, hindi pa din makapaniwala si Ezekiel sa nangyari. Si Selena nga iyon. For privacy purposes kasi, hindi binabanggit ang pangalan ng mga rape victim. But he wanted to make sure kaya tinanong niya ang mga writers and staff kung sino ang babaeng iyon and they confirmed that it was indeed Selena. Ang naipag-pasalamat na lang niya ay ang sinabi sa last part ng balita na buhay ang biktima at naiuwi na sa bahay matapos ang halos isang linggong pagkaka-ospital. Kawawa naman. Napakagandang bata pa naman noon. At kung graduating na, sana naman ay pumasok pa din at tapusin ang pag-aaral niya. Sayang naman kung kaunting panahon na lang. Mabuti na lang din nahuli na yung mga rapist. Hindi na siya matatakot lumabas. At sana magtanda na din ang ibang mga kabataan. While driving, Ezekiel turned on the radio at saktong 90’s song ang pumailanlang sa ere. He sang along while tapping his fingers. Isang buong album ng paborito niyang banda ang sunod-sunod na pinatugtog kaya wala ding tigil si Ezekiel sa pagkanta. He was carried away with his singing and head banging that he almost didn't notice the red light. Natapakan din naman niya agad ang breaks pero hindi niya napansin na may naglalakad na matandang babae sa harapan niya. Namamalimos ito at di sinasadyang nabundol ni Ezekiel nang bahagya. Alam niya na mahina lang ang pagkakabundol dahil sumakto lang sa preno niya, pero natumba pa din ang matanda. “Oops! Naku, lola!” Napasigaw si Ezekiel pagkakitang bumagsak ang matanda. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at nilapitan ang matanda. May malay naman ito at agad na nagsalita. “Iho, okay lang ako, huwag kang mag-alala.” “Pero, la, tumumba po kayo. Baka kung napaano kayo, dalhin ko na po kayo sa ospital.” He didn't wait for her response, bigla na lang pinangko ni Ezekiel ang matanda at isinakay sa kotse. Habang bumabaybay na papuntang ospital, tinanong niya ang lola kung ano ang pangalan nito at kung ilang taon na. “65 years old na ako apo, Fely Sanchez ang pangalan ko.” “E, lola, taga-saan po ba kayo? Ano po ang ginagawa niyo sa gitna ng kalsada?” “Pasensiya ka na apo ha...taga-Recto ako. Namamalimos ako para makabili ng pandagdag sa pagkain namin at gamot ng apo ko. Hindi ko namalayan na umabot na pala ako sa malayo. Anong lugar na ba ito apo?” “La, Quezon Avenue na po ito. Napakalayo na po ng narating niyo.” “Iuwi mo na lang ako sa amin iho, nakakahiya man. Pero kailangan na kasi ako ng apo ko.” “Saglit lang tayo la, ipapagamot lang natin yang galos niyo sa may emergency. Tapos ihahatid ko na po kayo.” “Naku, maraming salamat apo. Napakabait mong bata. Ang guwapo mo pa.” “La, ok na po yung mabait.” Ngumiti si Ezekiel sa lola at nakaramdam siya ng saya dahil alam niya na nasa maayos ngang kalagayan ang lola, wala nga itong masyadong tama dahil nakakatawa pa ito. They arrived at the Emergency after a few minutes. Binuhat na niya si lola hanggang mailapag sa bakanteng kama. The nurses immediately checked on her at ginamot lang ang mga galos ni lola at binigyan ng iinuming gamot kung sakaling makaramdam ng sakit. Pagkatapos ay pinauwi na din sila. “Kita mo na, wala lang talaga ito. Nagulat lang ako kaya ako napatumba kanina.” Agad na sabi ni lola nang nakaupo na uli sila sa kotse. “E, La, ihahatid ko na po kayo. Pero bibili po muna tayo ng pagkain sa drive thru ha, para po sa inyo at sa apo mo. May iba pa po ba kayong kasama sa bahay?” “Tatlo kami ngayon sa bahay. Andoon si Lino, nagbabantay sa apo ko.” Hindi na nagtanong pa si Ezekiel kung ano ang gusto ni lola. Sa tingin niya ay bata pa ang apo nito dahil binabantayan pa. Sigurado gusto noon ay spaghetti at chicken. Iyon na ang inorder ni Ezekiel para sa lahat. Nang ihatid na ni Ezekiel si lola, nahirapan siyang maghanap ng parking lot dahil iskinita pala ang inuuwian nito at hindi niya maipapasok ang sasakyan. He found a good spot at saka sabay na silang naglakad ni Lola Fely papasok sa iskinita. Gabi na pero may mangilan ngilan pang nakatambay sa nadaanang tindahan. “Uy, La, big time ah, sino yang kasama mo? Mukhang pamilyar sa amin ah.” Tukso ng mga nakatambay sa tindahan. “Oo nga...La, hindi ba taga-TV siya?” Tatawa tawa lang si lola at hindi na din kumibo si Ezekiel. He was praying na sana nga ay huwag na lang siyang makilala. He was uncomfortable at ayaw talaga niya na tinatrato siyang parang celebrity. Sa wakas ay nakarating na sila sa bahay ni lola. “Apo! Mga apo! Andito na ako!” Sa pintuan pa lang ay nagtatawag na si lola. Si Ezekiel naman ay nakasunod lang kay lola. “La!” Bati ni Lino at sumalubong kay lola. “Lino apo, may kasama ako, paupuin natin dito.” Agad na hinawi ni lola ang mga nakapatong na damit sa maliit na sofa. Si Ezekiel naman ay nakatayo na sa may pintuan at agad na inikot ang paningin sa loob ng bahay. Maliit lang ito, may isang mahabang sofa sa sala at isang pang-isahang sofa. May maliit na tv na nakapatong sa maliit na lamesita. Sa bandang kanan niya ay may arko na kurtina lang ang nakatakip, mukhang papunta ng kusina. No one was there except for Lino. “Halika, maupo ka dito apo.” Aya ni lola kay Ezekiel. “Naku, La, pasensiya ka na. Eto na po ang pagkain niyo. Hindi na din po ako magtatagal dahil may kailangan pa po akong puntahan.” Pagkasabi nito ay nag-abot din ng business card si Ezekiel. "Pwede niyo po akong tawagan o itext dito, La, anytime po, huwag na kayong mahiya." Hind na nagpilit si lola. Mabilis lang niya itong ipinakilala kay Lino. Kumamay si Ezekiel dito bago tuluyan nang nagpa-alam. Ezekiel didn't see Selena who was already sleeping inside the room. NANG MAKARATING SA CONDO si Ezekiel ay nagulat siya dahil may naghihintay na sa kaniya sa may lobby. It was Cassey Buenavidez. Ang babaeng nakilala niya minsan sa isang charity event na sponsored ng family nila. His father was a famous philanthropist. Madalas na mag-sponsor sa mga charity events at magdonate sa mga nangangailangan. Sa lugar nila sa Bulacan ay kilalang kilala ito dahil lahat na lang ay gustong tulungan kahit hindi naman isang politiko. Sila din ang nagmamay-ari ng St. Therese Colleges, isang private school sa Bulacan. “Hi, Zeke!” Cassey saw Ezekiel as soon as he stepped in the lobby. “Oh, hi, Cassey! What brings you here? Late na ah.” “I called you but you ignored my calls. Been waiting for an hour na actually, balak ko na nga talagang umalis na. I was planning to meet you for dinner, may ipinapa-discuss kasi na proposal si mama para sa isang project for the less fortunate. And it's important na may mai-report na ako sa kaniya bukas." “Oh that. I’m sorry, baka naka-live ako kanina nung tumawag ka.” “Ah yeah, I’m sorry. Minsan talaga nakakalimutan ko na isa nga palang sikat na news anchor ang kausap ko.” “Hey, don’t mention it. Maliit na bagay lang yun.” And Ezekiel meant what he said. Wala naman talaga sa kaniya ang pagiging news anchor. Kumbaga, naging hobby lang niya ito. Passion ika nga. Bata pa lang siya ay ginusto na niya ito. Pero dahil education ang kinuha niyang kurso, hindi siya nakapag-trabaho sa broadcasting network. Napili lang siya na maging news anchor dahil sa recommendation ng mga big boss sa network na mga kaibigan ng mga parents niya. “Ok. So shall we go out for dinner?” Tumayo na si Cassey at binitbit ang bag. “If you’re not too picky, I can prepare a simple pasta meal. Let’s just talk in my unit.” Parang napapagod na din kasi si Ezekiel na lumabas uli at magmaneho sa sobrang traffic sa labas. Mabuti na lang at pumayag na si Cassey. While waiting for Ezekiel to finish preparing the pasta, nauna na munang uminom ni Cassey ng wine na nakaserve sa table. May cheese and cold cuts na din na naka-prepare si Ezekiel. “Well, Zeke, you have a nice place here. Type ko itong unit mo, very masculine.” Inikot ni Cassey ang paningin niya. Minimalist ang interior ng unit, dominant white, black and grey ang color, hindi lang ng wall, kundi pati ng mga furniture. May nag-iisang accent chair na color mint green. And some paintings on the wall na may hint of green shades but dominantly black. “Thank you. Pina-interior ko ‘to sa friend kong interior designer. I just told him what I wanted and here it is...nagawa naman niya ang gusto ko.” “Is it like this also inside the room?” “Ah hindi na. Mas light na ang loob ng room. Gusto ko kasi maaliwalas naman sa kuwarto. You can check if you want, it’s the door at the far left. Tapusin ko lang ‘tong niluluto ko, malapit na.” Lumakad naman si Cassey at bitbit pa ang iniinom na wine. While having a short tour inside the room, muntik nang matumba si Cassey nang sumabit ang heels niya sa natapakang animal foot rug. “Oohh!” Napalakas ang sigaw ni Cassey sa pagkagulat. Agad namang tumakbo papasok si Ezekiel na noon ay kakatapos lang magluto. “What happened? Are you ok?” Nakita ni Ezekiel na okay lang naman si Cassey pero natapon sa damit nito ang red wine na laman ng hawak niyang glass. “I’m sorry, nadumihan ko ata ang sahig mo.” Sa taranta ni Ezekiel ay mabilis itong nakakuha ng towel sa katabing rack at ipinunas sa bandang dibdib ni Cassey na natapunan ng wine. Kapwa nakaramdam ng kuryente sa katawan ang dalawa when Ezekiel accidentally touched Cassey's breast. Manipis lang kasi ang tela ng suot nitong damit at ramdam na ramdam ang pagdampi ng kamay ni Ezekiel. “Zeke...” Napatitig si Cassey sa mga mata ni Ezekiel. Pagkakita sa mga mata ni Cassey, Ezekiel knew what Cassey wants. Dahil matagal na din na walang naiuuwing babae sa condo niya, Ezekiel hastily grabbed Cassey from her lower back and bent to kiss her on her lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD