Isinalang agad si Selena sa dalawa pang relief good distribution activities bago sumapit ang araw ng pasko. Ang isa ay sa Pangasinan at ang isa ay sa Nueva Ecija. These are the provinces most affected by the typhoon. Exactly on the day of Christmas, ipinalabas sa TV ang mga relief operations as a way to promote and invite more sponsors and donors. Kakatapos lang nina Lola Fely mag-almusal at nagpapahinga sila sa sala habang nanonood ng TV. Biglang napasigaw si Lola Fely. Siya ang unang nakapansin kay Selena. “Selene! Apo! Ikaw ba yan?” Sabay turo sa babaeng nasa TV. “Ay, lola! Ako po yan! Ako yan lola!” Excited na excited si Selena nang makita ang sarili sa TV. Hindi niya alam na ipapalabas iyon sa national TV dahil ang alam niya ay for documentation purposes lang. “Apo, ang ganda g