Chapter 10

2597 Words
Sumama nga si Eliza sa poultry farm nina Ezekiel. Paghinto pa lang ng sasakyan ay sumalubong na sa kanila ang hindi magandang amoy ng hangin mula sa farm. Eliza immediately covered her nose. “Oh my, what was that?” Maarteng tanong nito. Sina Selena at Lola Fely ay napatakip din ng ilong. But they adjusted quickly and removed their hands from their noses. Pero si Eliza, tuloy pa din ang pagtatakip ng ilong. “Gusto mo bang maiwan muna dito sa sasakyan?” Tanong ni Ezekiel kay Eliza. Eliza was happy and nodded at the same time. Binuksan ni Ezekiel ang sasakyan at binuhay ang aircon. Eliza immediately entered and sighed deeply. Tumalikod na sina Ezekiel. He held Lola Fely's elbow and placed one hand on Selena's back. Nakita iyon ni Eliza at napakunot-noo. Hmp. Grabe namang kailangang nakaalalay pa siya. Habang naglalakad sila, itinuro ni Ezekiel ang mga stations na dinaanan nila. Nakabukod ang mga layers o mga inaalagaan para sa egg production at ang mga broilers, o ang mga manok na binibenta naman para sa chicken meat. May namamahala sa mga feeds at mayroon din sa egg sorting. Si Selena, kahit na hindi kumikibo, ay titig na titig sa bawat madaanan nila. Halatang nagpu-proseso ang utak nito. Nang matapos silang mag-ikot ay pumasok sila sa isang maliit na opisina na air conditioned. Natuwa sina Lola Fely dahil mainit sa labas. “Selene, Lola, maupo muna kayo dito. Kakausapin ko lang po ang manager.” Tumango lang sina lola at Selene. Habang nakikipag-usap naman si Ezekiel ay titig na titig si Selena sa kaniya. She understood what they were talking about. Minsan ay napapatango pa siya na napansin naman ni Lola Fely. “O apo, bakit? Naiintindihan mo ba yung usapan nila?” Selena nodded softly but didn't speak. Pero sa loob loob niya, naunawaan niya na may problema sa mga transaksyon. May hindi tama sa mga report. At may mga tao na dapat managot. She understood Ezekiel's words very clearly. Halos dalawang oras sila bago nakabalik sa sasakyan. Iritable na si Eliza at hindi na nakangiti. Ezekiel immediately noticed this. “I’m sorry. Ang dami pa kasing inayos at pinag-usapan, may problema kasi.” Bungad agad ni Ezekiel kay Eliza. Hindi kumibo si Eliza. Nakasimangot pa din. Tahimik lang na nakaupo sa likuran sina Selena at Lola Fely. Nagdrive na si Ezekiel. Ezekiel took Eliza’s hand while driving. “Sorry na. Saan mo gustong kumain?” Saka lang sumagot si Eliza pero nakasimangot pa din. “Kahit saan.” “Sige, ako na ang bahala. May alam akong napakasarap na kainan dito sa amin. Dinadayo talaga ng mga turista.” Nagulat naman si Ezekiel sa tanong ni Eliza. “Kasama pa din ba natin sila?” He knew that Eliza was referring to Lola Fely and Selena. Bago pa man nakasagot si Ezekiel, mabilis na siyang sinalo ni Lola Fely. “Naku iho, pwede mo naman kaming ihatid na muna sa mansion. Doon na lang kami maghihintay ni Selene. Medyo nahihilo na din kasi ako. At si Selene, kailangan na ding magpahinga.” Ezekiel glanced at Selena in the rearview mirror. Tahimik lang ito at nakatingin sa labas ng bintana. Hindi malaman ni Ezekiel kung ano ang isasagot kay Lola Fely. Suddenly, they were all surprised when Selene spoke. “Pakihinto. Bababa ako.” Selena said in a very low voice. Nagulat si Ezekiel. Hindi niya malaman kung pagbibigyan ba niya si Selena. Nagulat din si Lola Fely sabay natuwa sa pagsasalita ni Selena. “Iho, ihinto mo. Bababa kami ng apo ko, tiyak na gusto niyang maglakad muna sa dalampasigan.” From a distance, Lola Fely saw the beach. Alam ni Lola Fely na ito ang dahilan kaya gusto ni Selena na bumaba. “Pero, la, paano po kayo uuwi sa mansion? May kalayuan pa po ang lugar na ito.” “Huwag kang mag-alala sa amin, iho. Napakadami ng dumadaan na jeep at tricycle. Tiyak na makakasakay kami mamaya.” “Zeke, stop the car. Gusto nilang bumaba.” Bigla ding nagsalita si Eliza kaya wala nang nagawa si Ezekiel. He stopped the car and Selena and Lola Fely got out. Nang makababa sila ay tama nga ang hinala ni Lola Fely. Diretsong naglakad si Selena patungo sa baybayin. Sinabayan lang niya ito sa marahang paglalakad. Ezekiel and Eliza drove off. Habang umaandar ang sasakyan ay hindi agad na nakakibo si Ezekiel. Hindi niya maintindihan ang inasal ni Eliza. Hanggang sa hindi na siya nakatiis. “Eliza, I hope next time you don't talk like that to Lola Fely. Ako ang nagdala sa kanila dito sa Bulacan. They are my guests.” “Why Zeke? Would you like to join them instead?” Sa tono ng sagot ni Eliza, tingin ni Ezekiel ay hindi maganda ang patutunguhan. He also didn't want her to get angry. He had long hoped to be with Eliza kaya iniba na lang niya ang usapan. “Okay fine.” Hinawakan niya sa kamay si Eliza. “Kakain na lang tayo, doon sa masarap na sinasabi ko kanina.” Napabuntong hininga siya at pilit na pinakalma ang sarili. Habang nasa restaurant na sila ni Eliza, sinimulan na ni Ezekiel na mag-usisa kay Eliza. “How was your life in US? Bakit nga pala hindi ka nakauwi kaagad?” “Zeke, I was offered a job tulad ng nasabi ko na sa ‘yo noon. It was actually a startup company, pinoy ang CEO and he asked for my help. Then we got married.” Eliza said these as if it was just a normal thing to happen. Napatigil si Ezekiel sa pagsubo. Bigla niyang nailapag ang hawak niyang kutsara at tinidor. “What was that again, Eliza? You’re married? I thought…” Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil sumingit agad si Eliza. “Yeah, I told you I am single now. We actually got divorced just recently. Iyon ang reason kaya hindi ako agad na nakauwi.” Ezekiel was confused. Hindi pa agad matanggap ng sistema niya ang sinabi nitong nakapag-asawa siya at ikinasal. Kaya ang mga susunod na kuwento ni Eliza ay parang dumadaan na lang sa tenga ni Ezekiel. “You see, I waited for a long time na maayos ang citizenship ko before we decided to file for divorce. Kailangan ko kasing gamitin muna ang apelido niya.” “I see…” Parang wala sa sarili na tatangu tango na lang si Ezekiel. Sa puso niya, pilit niyang sinasabi na okay lang yun. Ang mahalaga ay nandito na si Eliza ngayon. “So what are your plans now?” “Zeke, let’s go to US.” Simpleng sagot ni Eliza. “But why? Hindi ko pwedeng iwan ang mga business dito.” “I have work there. Hindi din kasi ako pwedeng basta na lang umalis sa company. It’s a big company now and I am one of the pioneers.” “Quit your job…pag kasal na tayo, pwede ka namang hindi na mag-work. Just live with me and take care of our family.” “But Zeke, I have a commitment back in the US. Why don’t we go there first…sumama ka sa akin. We can also build our family there. You can always manage your business here kahit nasa ibang bansa ka, that’s why we have technology.” “I don’t think magustuhan ni papa yan. Like yung problem namin ngayon sa poultry farm, it needed personal attention dahil behavior ng mga tao ang problema. Hindi ko naman basta maipagkatiwala sa iba yun.” “I still have two weeks here in the Philippines, Zeke. Siguro you need some time to think it over. Let’s not push ourselves to come with an answer right now.” “Okay, if you say so. Malayo pa naman ang two weeks.” Ezekiel agreed then focused on his food. “From here, ihatid mo na lang muna ako uli sa bahay ng parents ko. I’m staying there tonight, para maka-bonding ko naman sila. Then tomorrow balik na ako sa Manila. I’ll see you there. Pupuntahan mo ba ako?” Eliza sounded so sexy. “Of course. Text me your address.” Ezekiel felt excited and looked forward to spending nights with Eliza. Sa baybaying dagat naman, tahimik na naglalakad sina Lola Fely at Selena. Mayamaya ay bigla na lang naupo sa buhanginan si Selena, she was facing the beautiful view of the sunset. Tumabi sa kaniya si Lola Fely. “La, huwag na tayo umuwi. Dito na lang tayo.” Nagulat si Lola Fely sa biglang pagsasalita ni Selena. “Apo, okay ka lang ba?” Maiyak iyak na tanong ni Lola Fely. “Magaling ka na, apo. Salamat naman sa Diyos.” “La, wala naman po akong sakit.” “Ah oo, ibig kong sabihin, natutuwa ako at nakakapagsalita ka na.” Selena was greatly helped by her therapy sessions where the doctor told her that what happened to her was not her fault. Normal kasi sa mga rape victims na sisihin ang sarili sa nangyari sa kanila. The doctor asked her to tell her story a lot of times and that helped to get the anxiety out of the victim’s chest and be relieved from that heavy feeling. By recounting the same incident over and over again, it becomes like an ordinary incident and the victim begins to open her heart to others. Ganoon ang nangyari kay Selena. She slowly opened her heart and adjusted to her environment. But it was not a guarantee that she wouldn’t have panic attacks. She would still have triggers and trauma. “La, ayoko na po sa Manila.” It was a manifestation that she wanted to forget her past. “Gusto mo bang dumito kina Sir Zeke?” “Opo, La.” “Subukan nating kausapin siya.” “Sige po.” Pagkatapos ay tahimik na uli si Selena at hindi na naman kumibo sa buong oras na nakaupo sila doon hanggang sa magdilim na. Lola Fely noticed that Selena was already feeling cold. Hinubad ni Lola Fely ang shawl niya at inilagay sa balikat ni Selena. But she was chilling non-stop and Lola Fely got worried. Si Ezekiel naman ay nakabalik na sa mansion. Kakahatid lang niya kay Eliza sa bahay nila. “Nay Choleng, sina Lola Fely po?” Saktong nasa may patio si Nanay Choleng pagdating niya. “Oh, di ba kasama mo?” “Ha? Gabi na…wala pa po ba sila? Naghiwalay po kasi kami kanina. May nadaanan kaming baybaying dagat sa may Hagonoy at nagpababa po sila dahil mukhang gusto ni Selena na maglakad doon.” “Naku malayu-layo pa iyon dito. Mabuti kung may pumayag na tricycle na ihatid sila dito.” “Ganun po ba. Naku wala pa naman silang cellphone. Paano ko kaya sila mapupuntahan?” Ezekiel paced the patio at sobrang alalang alala. “Puntahan mo na. Baybayin mo na lang ang kalsada papunta doon at wala naman silang ibang dadaanan.” “Sige po.” Nagmamadali si Ezekiel na pasakay na sana sa kotse niya nang may humintong tricycle sa tapat ng gate nila. When he saw Lola Fely, he rushed toward them. “La! Okay lang po ba kayo? Bakit ginabi na po kayo?” Inalalayan niyang tumayo si Lola Fely sa gilid at dumukot siya ng pera sa wallet. “Ako na po ang magbabayad Lola.” Hindi na umangal si Lola Fely. Nagtaka si Ezekiel dahil nakaupo pa din si Selena sa loob. He bent lower and took Selena’s hand. “La! Napakainit po ni Selene!” Sinalat niya ang noo ni Selene. “Ha? Naku sinasabi ko na nga ba. Kasi kanina sa baybayin, nanginginig na siya sa ginaw.” Ezekiel scolded himself. Tsk, dapat talaga hindi ko sila hinayaang bumaba. Dapat binigay ko pala ang coat ko para hindi siya ginawin. While cursing at himself, he carried Selena on his arms. “La, sumunod na po kayo sa akin ha.” Ilang hakbang lang ay nakarating si Ezekiel sa may hagdanan at mabilis na naiakyat si Selena. He went straight to his room and there he laid Selena on his bed. Pagkalapag ay tinanggal niya ang sapatos nito at kinumutan hanggang sa may leeg. Then he took out his cellphone from his pocket. “Hello, bro.” Ang tinawagan niya ay ang family doctor nila na kaibigan niya nung college. Isa na itong doctor sa Bulacan General Hospital. “Hello bro! What’s up? Napatawag ka?” Sagot ng kaibigang doctor sa kabilang linya. “Bro, may pasyente ako dito. Mataas ang lagnat at nagchi-chill siya. Please come now.” “Okay, no problem, I’ll be right there.” Ganoon ang samahan nila. Alam na ng doctor ang gagawin. Nang maibaba ni Ezekiel ang telepono ay napatingin siya kay Selena. Nanginginig pa din ito. He added more blankets but she was still chilling. He sat beside Selena and bent forward wrapping Selena in his arms. Mayamaya ay may mahinang katok sa pinto. He sat up straight and let the person in. “Come in. Bukas yan.” Si Lola Fely ang pumasok. “Iho, baka naman makaabala pa sa iyo, doon mo na lang sa akin itabi si Selena.” “La, okay na dito. Sinadya ko po iyon at baka mahawa pa kayo, mahirap na pong dalawa kayong magkasakit.” “Pero paano ka makakatulog?” “Huwag niyo po akong alalahanin. Malakas pa po ako. Ako na ang magbabantay sa kaniya. At saka may tinawagan po akong doctor. Mayamaya lang ay nandito na iyon.” Ilang saglit nga lang ay dumating na ang doctor. After checking on Selena, nilagyan niya ito ng suwero at binilinan din niya si Ezekiel na bantayan ang temperatura nito. The doctor also told Lola Fely na huwag munang lumapit kay Selena dahil mas madaling mahawa ang mga katulad niya na may edad na. Sabay na silang lumabas ng silid. Nang maiwan na si Ezekiel sa silid kasama si Selena, nagpa-akyat siya ng mga bimpo at ice chest na puno ng yelo. Magdamag na hindi bumaba ang lagnat ni Selena. Magdamag ding nagbantay si Ezekiel at nagpunas kay Selena. Wala siyang magawa dahil tingin niya ay kailangang mapunasan pati ang katawan ni Selena. Inangat niya ang laylayan ng suot nitong t-shirt just enough na maisuot niya ang kamay niya. When he reached for Selena’s chest, hindi sinasadyang nasagi niya ang malulusog na dibdib nito. Para siyang nakuryente at agad na inilabas ang kamay niya. Isinunod naman niya ang braso at mga binti ni Selena. Ezekiel kept on telling himself that Selena was like a child to him. Hindi siya dapat nag-iisip ng mahalay kay Selena. Paminsan minsan ay bigla na lang nanginginig si Selena. Ezekiel already covered her with two layers of thick blankets. Napaka-kapal na nito pero nanginginig pa din si Selena. He lay down next to Selena, pagkatapos ay niyakap niya ito. He was hoping that his warm body would stop Selena’s chilling. Natuwa siya dahil unti-unti ngang tumigil ang panginginig ni Selena. Mag-uumaga na at hindi na napigilan ni Ezekiel ang antok niya. Nakatulog siyang nakayakap kay Selena. Nagliliwanag na nang magising si Selena. Naramdaman niya na may nakadagan sa katawan niya. At napansin din niya ang nakakabit na suwero sa kamay niya. Dahan dahan siyang lumingon at nakita ang mukha ni Ezekiel. It was only inches away from her face. Nakatagilid ito nang higa at ang isang braso ay nakayakap sa kanya. Selena closed her eyes again and was comforted by Ezekiel’s embrace and by his warm breath on her face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD