"I love you." ulit n'ya pa. Hindi ko alam kung ano isasagot ko dito. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Ayokong umasa s'ya sa akin, alam kong masasaktan ko lang s'ya. Hindi ako nababagay sa tulad n'ya. Dapat ba ako sumagot? Ang t***k ng puso ko ay sobrang bilis. Hindi ko inaasahan na marieinig ko sa kanya 'to ngayon. Isang linggong mahigit pa lang pero mahal n'ya na ako? Nakatitig pa rin kami sa isa't isa. Hindi ko pa rin alam sasabihin ko. Dadating sila Mom and Dad kasama si Ate Aleah, maari nila ako makita at 'yon dapat iniisip ko pero hindi. Ang pag amin ni Sacarias ang nakatatak sa isipan ko. Una pa lang ay sinabi ko na sa kanya na ayoko, na bawal. Pero eto s'ya. Umamin sa akin at hindi ako makapaniwala. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya at ang puso ko ay patuloy pa ri