Kaya naman sumakay na ako sa trysikel habang bitbit ang paper bag kung nasaan ang lunch ni Lalei. Sinabi ni Nanay na sa canteen ko na lang daw hintayin si Lalei. Kaya naman 'yon ang ginawa ko. Hindi ko alam kung nasaan na s'ya. Wala kasi akong cellphone para man lang sana makausap si Lalei. Sa labas ang canteen nila. Meron din naman sa loob pero sarado. Maraming taong nandon na nakasuot ng puting tee- shirt. Naka tuck-in. Napapatingin sila sa pwesto ko. Umupo ako sa isang upuan kung saan walang gaanong tao. Inikot ko ang mga mata ko sa paligid. Malinis, maaliwalas at mahangin dahil sa puno. Maganda ang garden, sa likod ito ng City hall. Masyadong mainit nga lang pag naglakad ka dahil walang gaanong bubong tulad ng nasa loob ng campus. Pero dito sa parte ng canteen ay malamig lamig n