Nag- stay pa ako ng ilang minuto para lang mamahinga. After kong mamahinga ay nag- text na ko kay Nanay na pauwi na ko. Hindi na ako nagpasundo dahil si Sacarias na mismo naghatid sa akin ng pauwi. "Sa kwarto ko ikaw matutulog, naiintindihan mo?" agad akong tumango habang nakangiti sa kan'ya, "Gusto ko pag uwi ko nandoon ka. Para tatabi na lang ako sa 'yo, dapat maabuta kita ha?" "Oo!" masayang sabi ko kaya naman napangiti s'ya. He kissed my forehead before he left. Pumasok na ako sa loob ng gate. Gulat pa ako ng makita si Nanay na nakangiti sa akin. Kaya naman mabilis ko na 'tong pinuntahan at hinalikan sa pisnge. "Maayos naman?" agad na tanong n'ya, tungkol sa pag kain namin ni Sacarias sa opisina nito. "Opo. Pero next time kailangan ko na po matutong magluto." Natawa si Nanay dahi