Chapter 1

1479 Words
Nauna bumaba si Wendy at sumunod ako. “Dito lang ‘yon ‘e!” sabi ni Shaira habang nakatingin sa cellphone n’ya. “Hindi ba sila Anton ‘yon!” napatingin ako kay Wendy sa tinuro. “Ano ginagawa nila rito? Ex ni Crystal ‘yan hindi ba?” Hindi ko maiwasan kabahan dahil doon. Lumapit sa amin ‘to at ngumiti, nakatitig s’ya sa akin. May kasama s’yang dalawang lalaki na hindi ko kilala. Mukhang kilala sila ng mga kaibigan ko. I’m not comfortable with them. “Hi!” agad na bati nito sa akin. “Hello.” agad akong umantras para mapunta sa likod ng mga kaibigan ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kan’ya at kunyare hinahanap ang store. “Baka ‘yon?” turo ko sa mga kaibigan ko. “Baka nga! Maraming tao ‘e!” Huminga ako nang malalim at agad kami pumunta roon. Nauuna ako sa kanila dahil ayokong maiwan sa likod kasama ang lalaking ‘yon na nakasunod sa akin. Pumasok na kami sa loob at agad kami naupo. Sofa ang upuan rito, agad kami inabutan ng menu. Pumasok din ang mga lalaking ‘yon at naupo sa malapit sa inuupuan namin. Huminga ako nang malalim at pilit na winawala. “Alam mo ba na kinakalat ni Anton na kayo…” napatingin ako kay Wendy. “H-Huh?” tumitig ako sa kan’ya. “Sure ka ba sa chismis mo? Baka fake news ‘yan?” sabi ni Shaira rito. “Hindi! Kahapon ko nga lang nalaman dahil sa pinsan ko! Sinabi na may boyfriend ka na raw at si Anton?!” napatingin ako kay Anton dahil doon na nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasan mainis dahil doon. “B-Bakit n’ya naman sasabihin ‘yon?” hindi ko maiwasan tanungin sila. “Malay natin. Sitahin mo kaya?” napatingin ako kay Leyla na ngayon ay hawak-hawak ang menu. “Kaya siguro inis sa ‘yo si Crystal?” napailing ako dahil sobrang babaw naman ng rason na ‘yon kung ‘yon nga. “Saka? Pansin ko rin na madalas s’ya maghintay sa labas ng room natin at palaging umaga s’ya pumapasok na para bang hinihintay sa bench.” si Kaila habang nakatingin sa kabilang table. “So weird na ngayon lang natin nalaman ang mga bagay na ‘to.” sagot ni Shaira. “Knowing that Hershey is famous in our University. Dapat malalaman natin agad-agad ang bagay na ‘yon---” “Someone’s said, it was a secret relationship.” natawa ako sa sinabi ni Wendy. “Uy, wag kayo magalit dahil kahapon ko lang nalaman ‘yon!” Tumayo ako at saka pumunta sa table nila Anton. Napatayo agad si Anton dahil sa akin habang ang dalawang kasama nito ay tahimik na nakamasid. “Hershey---” “Do I know you? Bakit kinakalat mo na may relasyon tayo?” napatitig s’ya sa akin. “Hindi kita kilala and I never had a boyfriend. I don’t have plan to have one and what are you saying that we have a secret relationship---” “Calm down. I’ll explain---” “Explain what?” “We are in relationship, right? We texted everyday…” kumunot ang noo ko. “Hindi ako nakikipag-text kahit kanino!” sagot ko rito at nilabas nila ang kanyang cellphone. “See? You even say you love me here---” “Hindi ako ‘yan!” putol ko sa kan’ya. Pumunta ako sa table ko at pinakita ang cellphone ko. “Look! Wala kang number sa akin! Wala tayong text kahit isa!” naiinis na sabi ko. “Clean my name!” “Baby, come on! Don’t be mad at me! It was our secret, right?” napailing ako rito. “You crazy! You’re not my boyfriend and you will never be!” natahimik ‘to sa sinabi ko. Bumalik ako sa mesa. “Take out na lang natin order natin. Pumunta na lang tayo sa malapit na mall.” sagot ko sa kanila. Dahil sa nangyari ay maaga ako nakauwi sa amin. Dala-dala ko ang milktea ko habang papasok sa bahay. Huminga ako nang malalim at iniisip kung sino kausap n’ya at para sabihin na may relasyon kami? Hindi ko tinignan ang cellphone n’ya at mukhang seryoso s’ya sa sinasabi n’ya. Pero? Sino ba kausap n’ya? And bakit nanloloko ng tao ang taong ‘yon? “Ija, baka raw late makauwi parents mo. May gusto ka bang kainin?” napatingin ako kay yaya. “Mamaya na lang po. Akyat lang po muna ako sa taas.” paalam ko rito. Pumasok ako sa kwarto ko. Nag-sorry ako sa mga kaibigan ko dahil sa akin ay hindi naging maganda ang araw namin. Tahimik lang ako sa kwarto ko habang nasa f*******:. I saw my faces in a famous page. Hershey’s daughter. My mom’s screen name was Hershey and and it was her favorite chocolate. When I came in this world, hindi na s’ya nagdalawang isip na ipangalan sa akin ‘yon. Even papa was against in that name, wala s’yang nagawa because he loves mama. Dahil sa lalaking ‘yon? Kung ano-ano na tuloy iniisip ko. Baka makarating pa kay mama ang issue na ‘yon. Kumain kami magkapatid ng dinner habang wala si mama. “Kuya…” napatingin sa akin si Jandel. “Hindi mo naman siguro ginagamit ang identity ko para lang makapagloko ng tao?” “Siraulo ka ba? Bakit ko gagawin ‘yon? Ano mapapala ko bukod sa masisira ang pangalan mo?” agad akong umiling. “Teka, seryoso ba ‘to? Bakit? Ano ba nangyayari?” “Someone’s using my identity in our University, Kuya.” “Sino naman gagawa no’n? Wag mo na isipin ‘yon. Basta mag-aral ka,” napatango ako kay Kuya. He’s in fifth year, Civil Engineer ang course n’ya kaya naman madalas busy. Pero kapag may oras? He’s teasing me, like early morning. Naalala ko noon, habang nagwo-work si mama, dala-dala n’ya si kuya sa studio. Marami raw natutuwa kay kuya noon. Kaya naman nang pinanganak ako? Sobrang thankful ni papa. Dahil ako raw ang dahilan bakit huminto si mama sa public figure’s life. “Bakit? Problema ba ‘yang paggamit sa identity mo?” “Hindi ko nga alam na may boyfriend na ako.” sagot ko sa kan’ya. I should not blame Anton for this pero? Parang ang tanga n’ya naman para maniwala sa gano’n, right? Saka… paano s’ya naniwala sa gano’n? Saka… hindi ko s’ya papatulan. “Boyfriend? Sinong gago magkakalat no’n?” he asked. “That’s why I am asking you! Baka nanloko ka---” “Crazy ka?” inirapan ko lang ‘to. “Wag mo na isipin ‘yon. Wala lang ‘yon at kausapin mo ang lalaking naloko.” agad akong tumango. I was mad earlier because of that. Ayoko pa naman ng gano’n. Na issue na ako na may boyfriend. Wala nga akong ine-entertain na manliligaw dahil gusto ko makapagtapos. Ine-enjoy ko ang buhay ko. “Magsaya ka na habang nag-aaral ka. Saka wag mo iniisip sila mama na wag umuwi ng gabi. Hindi masaya ang college life mo kung hindi ka uuwi ng gabi.” inirapan ko ‘to. “Bad influence ka!” sagot ko sa kan’ya. “Try mo. Saka pwede ka mag-boyfriend, wag ka lang papahuli sa akin!” Inambahan ko ‘to ng kutsara pero natawa lang sa akin. Mabuti na lang nakatulog ako sa gabi. Kinabukasan ay sinuot ko ang uniform ko. Napahikab ako habang pumapasok sa University. Late na nakauwi sila mama at wala rin si yaya kaninang umaga kaya naman pumasok ako na walang laman ang tiyan ko. Dumiretso ako sa cafeteria para bumili ng sandwich. “Hindi ka kumain?” halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko. Tumingin ako kay Anton na nakangiti sa akin. “Anong gusto mo? Ako na bibili---” “Wala akong gusto. Pwede ba? Lumayo ka sa akin!” inis na pabulong kong sabi ko. “Akala ko ba okay na tayo? Bakit galit ka pa rin?” napalingon ako sa kan’ya. “Are you crazy? Hindi kita nakakausap. Anong sinasabi mo na okay tayo?” napatingin ako sa pumapasok sa cafeteria. Kaya naman nilagpasan ko ‘to saka pumunta sa counter. Kumuha rin ako ng tinapay sa harapan doon at saka tubig. Tahimik lang ako na nagbabayad pero agad nito hinawakan ang kamay ko. “What are you doing?!” agad kong hinawakan ang kamay ko. “Stop bothering me. I am not your girlfriend! I don’t even know you---” “Hershey, we talked about this, right? Yes, we can keep this secret---” “Walang secret. Pwede ba? Stop it!” inis na sabi ko. “You’re scaring me!” Agad ko s’ya iniwan doon at saka lumabas. Dumiretso agad ako sa upuan ko at huminga nang malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD