Hindi na ako nakatulong pagkatapos no’n. Pumasok ako sa University, tahimik ako habang nakatingin sa board. Walang pumapasok sa utak ko, sumama rin ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakatulong sa pag-aayos ng intrams.
Nagpababa ako sa malapit sa lugar na ‘yon. Hindi ko alam kung pupunta ba ako or hindi. Pero bumuhos ang luha ko, pinili ko na wag na lang puntahan. Umuwi ako sa bahay at tumakbo sa cr.
Wala akong sinabihan sa nangyari. Wala akong kahit sinong kinausap.
Nakita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo habang tumutulo ang luha ko. Takot na takot ako habang tumatakbo.
“Wag ka na tumakbo, Hershey! Hindi kita sasaktan! Aalagaan pa kita!”
“Mama! Papa!” sigaw ko habang tumatakbo.
Hindi ko alam ang gagawin ko habang patuloy na tumatakbo. Huminto na lang ao sa isang madilim na lugar at ang bangkay ay nasa harapan ko.
“Hindi! Hindi ako gumawa ‘to! Hindi ko kasalanan ‘to! Sasaktan n’ya ako!”
At nagising na lang na umiiyak habang pawis na pawis.
Bumubuhos ang luha ko habang hawak-hawak ko ang ulo ko. Nanginginig ako habang yakap-yakap ang sarili ko. At hindi na muli ako nakatulog pa.
Pumasok akong matamlay, nag-aalala na ang parents ko sa akin pero sinabi ko na okay ako. Tahimik lang akong pumasok sa room at doon… narinig ko ang hindi ko gusto marinig.
“Sino gagawa no’n kay Anton? Grabe! Sinaksak sa leeg. Hindi raw makita ang ginamit ng suspect panaksak dito,” bigla akong nanginig sa narinig ko.
“Hoy, Hershey! Alam mo ba nangyari kay Anton? Patay na raw! Nakita doon sa puno!” napatingin ako kay Kaila.
“Oo nga, kawawa naman! Hindi ka ba pupunta? Hindi ba girlfriend ka n’ya?” hindi ako sumagot dito.
Naupo ako sa dulo habang tahimik. Hindi ko magawang umiyak, pero ang takot na nararamdaman ko. Hindi ko mapaliwanag ang takot na nasa dibdib ko.
Paano pag nalaman nila na ako? Lahat sila magagalit. Lahat sila… masama ang tingin sa akin.
“Hershey, mamaya sa gym ha?”
Wala sa utak ko ang discussion. Kahit sa gym kami ay tahimik lang ako naggugupit ng pang-design. Hindi ako nasundo ni mama dahil sa late sila makakauwi. Pinapasok ko sa gate ang taxi at saka bumaba. Naglakad ako pero palingon-lingon ako dahil pakiramdam ko ay may nanonood sa akin.
Sa gabing ‘yon ay walang lubay ang pagtulo ng luha ko. Nanginginig ako habang yakap-yakap ang unan ko.
“Hindi ko sinasad’ya ‘yon…”
Kinabukasan ay may naghihintay sa aking pulis sa ibaba. Tahimik lang si mama na nakatingin sa akin.
S’ya ang pulis na ‘yon…
“Noah, that’s my daughter. Hindi pa s’ya nagkaka-boyfriend.” napatingin sa akin ang Police Officer na mukhang kakilala ni papa.
“I know, Ninong. But all her blockmates are pointing her, she’s the girlfriend of the victim.”
“I am not…” sagot ko rito. “Hindi talaga… he’s creepy.” totoong sabi ko.
“That night… you went in our station, mukhang ‘yon din ang gabi na namatay s’ya.” nagulat ako sa sinabi nito.
“Noah, are you saying that my daughter killed him?!” galit ang boses ni papa.
“No, Ninong---”
“You are asking her like she’s the suspect!” galit na sabi ni papa rito.
“I don’t know what happened that night. Huminto ang taxi sa malapit na gate,” sagot ko rito habang nakatitig sa akin. “N-Nabastos ako roon… kaya tumakbo agad ako papunta sa police station.” pagsisinungaling ko.
“What are you doing there? The store is close that night. Madalas din kami roon/. ” hindi ko alam ano isasagot ko.
Huminga ako nang malalim at sinalubong ko ang tingin n’ya.
“I was looking an open store that night… hindi ko alam na may pervert doon. I was running that night. N-Nasagutan ko pa ang bastos na ‘yon dahil natumba kami--”
“You’re lying…” tumulo ang luha ko habang umiiling dito.
“T-Totoo sinasabi ko!” agad na sabi ko rito.
“Noah, watch your words! That’s my daughter!” papa said to him.
“Sorry, Ninong. But I am just doing my job…” tumingin ako kay papa na ngayon ay galit na galit.
“Hindi ko alam bakit ako tinatanong mo,” hindi ko alam ano nangyari sa akin at naging buo ang boses ko. “Naiiyak ako dahil naalala ko nangyari sa akin sa gabing ‘yon. I almost got rape that night, running… I was scared then you think I am lying?” malamig ang boses ko at tumulo ang luha ko.
Hindi ako aamin. Dadalhin ko ‘to… ang maitim na sikreto na ‘to hanggang sa kaya ko. Hindi ako makukulong, dahil ako nag totoong biktima.
“Sir, she’s right.”
“I am nervous while telling this to you. I was needed your help that night and then? You showed up here and asking me… and accusing me?”
“I’m not accusing you, Miss Mateo---”
“Then, what?!” galit na tanong ko rito.
“Noah, leave this house now!” galit na sabi ni papa rito.
Agad ‘tong yumuko at tumingin muna sa akin bago umalis. Nanginginig ako sa kinatatayuan ko. Nilapitan ako ni mama, nanginginig akong tumingin sa kanila.
“Sino gumawa sa ‘yo no’n?”
“H-Hindi ko na maalala, ma. S-Sorry…”
Tuloy-tuloy bumuhos ang luha ko.
Mama and papa didn’t let me to go University because of what happened. Kumain lang ako at umakto ng normal sa harapan nila na para bang walang nangyari.
Nabalita rin ang nangyari kay Anton. His parents want justice for his death. Walang nakita kahit ano sa crime scene. Wala rin nakitang gamit or kutsilyo. Walang nakita kahit ano.
Pumasok ako at lahat ng nakakasalubong ko ay sinasabi ay condolence.
Hindi ko alam ano sasabihin ko. Puno pa rin ako ng kaba habang naglalakad.
Nagulat na lang ako nang makita ko ang hindi kilalang mukha.
“Ija…” agad nitong hinawakan ang kamay ko. “Hindi ka ba dadalaw sa anak ko?”
“P-Po?” nandoon si Crystal habang umiiyak.
“Nahihirapan ka ba? Your eyes are fluffy. Hindi ka ba nakakatulog?” napalunok ako sa narinig ko mula sa kan’ya. “Dumalaw ka naman sa burol oh?”
“H-Hindi po ako ang girlfriend ng anak n’yo…” totoong sabi ko.
“Ija, paanong hindi? Ikaw ang bukang bibig ng anak ko. Kung gaano ka kabait, kaganda, at masayahing tao.”
Hindi ko alam sasabihin ko. “Ija, alam ko na hinihintay ka ng anak ko. Pumunta ka ha?”
Naiwan akong tulala sa pwesto ko. Nagising na lang ako sa isang malakas na sampal sa mukha ko. Nakita ko si Crystal na bumubuhos din ang luha.
“Patay na ang tao! Itatanggi mo pa rin!” galit na sabi n’ya sa akin at hindi ako nakapagsalita. “Baliw kang babae ka! Mahal ka ni Anton! Tapos itatanggi mo s’ya hanggang sa kamatayan n’ya?!”
“H-Hindi n’ya ako girlfriend,” sagot ko sa kan’ya at para bang tingin n’ya sa akin ay isang baliw.