Dumating na ang hinihintay ng lahat, ang kabilugan ng buwan. Senyales na magsisimula na ang paligsahan at ang pagpaparehistro ng mga nais lumahok sa patimpalak. Nakahanda na ang lahat at sa sabog ng liwanag kinabukasan ay nagdagsaan na rin ang mga paroon at paritong mga Celestial sa palasyo. Mga nagnanais mapabilang sa listahan at mga pamilya nila’t mga kaibigan na sinamahan sila upang magbigay suporta. Ilang araw rin ang hinintay at pinaghandaan. Nakabalik na si Louie galing sa kaniyang huling misyon ngunit panay ang iwas niya sa reyna. Nanghingi pa ito ng panibagong misyon pagbalik na pagbalik niya upang makalayo dahil labis siyang nasaktan sa nakuhang sagot kay Lala ngunit dahil sa paligsahan ay hindi siya binigyan dahil kakailangan ang malaking bilang ng mga kawal para sa araw na kani