Hindi alam ni Lala kung saan siya magtatago matapos ng pag-uusap nila ni Louie. Nakita niyang nasaktan ito sa kaniyang naging sagot kaya agad siyang nagpaalam na may gagawin kahit wala naman talaga. Sinabi lang niya iyon para takasan ito. Halos iyon nga ang paksa nila ni Jane bago pumasok ng palasyo kaya lang si Raven ang napag-usapan nila. Mabilis ang mga hakbang niya at hindi alam kung saan ang punta hanggang sa maisip niya ang batang babaeng si Sonia na iniwan niyang tulog sa kaniyang silid kanina. Pagpasok niya sa silid ay nagpabalikwas ng bangon ang bata na kaninang wala pa siya ay nagtatago sa ilalim ng kumot. Nang masikip niyang ang Reyna ang pumasok ay agad siyang naupo at nginitian ito. "Magandang umaga!" masayang bati ni Lala sa kaniya. Hindi nagsalita ang bata ngunit nan