Bigla na lang umalis si Lala matapos ang nakakailang na eksenang iyon. Hindi alam ng binata kung bakit biglang naluha ang kaniyang mga mata na hindi naman nangyayari noon ng basta-basta na lamang. "Nakakairita!" Mahinang niyang usal nang hindi na niya ito matanaw. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kaniya. Napakabilis niyang maging emosyonal pagdating sa mga bagay-bagay na para bang bigla na lang lumalambot ang kan'yang puso, higit pagdating kay Lala. Kapag kaharap niya ito ay bigla na lamang siyang nagiging mahinahon. Na hindi naman nangyayari noon. Kapag kaharap ang dalaga ay para bang may nasasabi sa kaniyang sandali, hinga muna, kalma bago humarap sa dalaga. Natatakot siyang magsalit sa harapan nito ngayon di gaya noon na siya pa ang nanenermon sa dalaga kapag may mga ginagawa