Agad akong nagpatawag ng pulong ng umagang iyon. Maaga namang dumating ang lahat kaya maaga rin kaming nakapagsimula. Unang pinag-usapan ang darating ng paligsahan at nang matapos ay doon ko sinabi sa kanila ang nadiskubre ko. Gaya ng inaasahan ay napagalitan ako dahil inutusan ko ang kawal na pumasok sa portal. "Sa tingin niyo ba madidiskubre ko ang bagay na iyon kung hindi ko iyon inutos sa kan'ya? Aakuin ko ang kaparusahan kaya huwag niyo siyang isama. Wala siyang kasalanan," matapang kong sabi "Napakarami mo ng ngang mga nilabag na alituntunin kamahalan. Hindi ka ba natatakot na maparusahan?" may pang-iinsultong tanong ng isang miyembro ng konseho sa akin. Siya nanaman, ang Ginoong laging kontra. Sa dami nila rito ay hindi ko pa rin alam ang lahat ng mga pangalan nila. Sa mga muk