Lala's Point of View Habang naghihitay ng pagdating ng oras ng paghahatol ay kakaibang kaba ang aking nararamdaman. Kinukutuban ako ngunit hindi ko mawari kung ano at para saan. Wala si Rue dahil sumama kay Tiyo at si Raven naman ay kasama si Josh. Naiisip ako ng gagawin upang hindi mainip at mahinto sa pag-iisip ng kung ano-ano. Naalala ko ang liham na binigay ng aking pinsan na hindi ko pa nababasa. Galing iyon sa mga magulang ko at ipinaabot sa kaniya ng mga ito. Naisip kong basahin na habang may bakante akong oras. Binuksan ko ang drawer sa mismong harapan ko at kinuha ng liham na nasa loob pa ng isang sobreng kulay pula. Hilig talaga ni Papa ang pula. Hindi lang dahil iyon ang angkang kaniyang pinagmulan. Si Mama rin naman, kaso iba ang pagkahilig ni Papa sa pula kumpara sa aking