Lala's Point of View Natapos na unang araw ng pagbubukas ng patimpalak. Nagsiuwian na ang mga manonood at ang mga kalahok. Ang mga importanteng mga panauhin lamang ang naiwan sa palasyo. Maraming namang mga silid na maari nilang magamit kaya hindi na nila kailangan pang bumalik sa mga malalayong lupain na kanilang pinanggalingan. Inimbitahan ko rin ang mga Celestial Merman ngunit wala ni isa sa kanila ang nakarating sa unang araw. Inaasahan ko pa rin na may isa man na dadalo sa kanila para kahit paano'y masaksihan din nila ang pagpili at makapagbigay opinyon. Madilim na at palalim na ang gabi. Oras na nga halos ng pahinga ng lahat matapos ng nakapapagod na maghapon. Kasama ko pa rin si Raven at kasalukuyan kaming tumutulong sa pag-aayos ng mga nasirang mga patibong para bukas. Nakaila