Third-person's Point of View Sumabog na ang liwanag sa kabuuan ng Celestial World. Dumating na ang ikalawang araw ng paligsahan. Araw kung kailan sisimulan na ang indibidwal na pasusulit sa pamamagitan ng isang karera. Ang mga kalahok ay mag-uunahan sa pagkuha ng mga ikinalat na mga bandana na may apat na kulay sa kagubatan kung saan may mga patibong na naghihintay sa kanila. May mga lugar kung saan may mga patalim na lamang na biglang lilipad, mga naglalakihang mga bato na bigla na lang gugulong sa kanilang harapan. Mayroon ring mga hukay na puno ng pinatalim na sanga ng mga puno, mga insektong may dalang dita na maaaring sa kanila ay kakagat at mga mababangis na hayop sa paligid na nagtatago lamang at nakaabang. May mga halamang gamot namang naroon. Maari nilang gamitin upang gamut