Kabanata 2

1489 Words
Raven's Point of View Sampung taon na ang nakalipas. Sa dami ng taong nagdaan ay napakaraming na ring mga umusbong na pagbabago. Sa pabalik-balik ko sa mundo ng mortal ay nagugulat ako sa mga bagong imbensyong nakikita ko tuwing tumatapak ako roon ngunit sa aming mundo ay mabagal. Walang pa ring maayos na pagkukunan ng kuryente upang mabigyan ng liwanag ang buong palasyo pati na ang mga kabahayan. Hanggang ngayon ay mga lampara at sulo ang nagsisilbing liwanag sa gabi. Mas nais nilang manatiling ganoon na lamang ang mga bagay-bagay, simple at walang gaanong problema. Si Camilla mas naging responsable siya sa pagdaan ng panahon. Nagagampanan naman niya ng maayos ang tungkulin bilang Reyna sa tulong ng kanyang ama't ina at ni tiyo. Maging ang mga nakatatanda sa konseho ay nariyan rin upang gabayan ang mga desisyon niyang pabigla-bigla kung minsan. Masaya nang namumuhay ng simple ang dating hari at ang asawa nito kasama nila ang kambal na kapatid ni Camilla at sampung taon, ang tagal ko na rin pala siyang kasa-kasama. "Ang babaeng iyon." usal ko sa isip at bigla na lang nakita ang kanyang magandang mukha. "Hoy Raven!" malakas na usal ng imahe. Awtomatikong kumunot ng aking noo nang magsalita ito sa mismong mukha ko at naamoy ko pa ang hininga nito na amoy matamis. Amoy letche plan ang paborito nito. Kumunot rin ang noo nito na para bang ginagaya ako. Aabotin ko sana ang mukha at kukurutin ang kanyang pisngi ngunit bago ko pa magawa ay isang mahinang sampal ang naramdaman kong dumapo sa aking mukha at naramdaman ko rin ang malambot nitong palad. "Raven!? Anong nangyayari sayo?" tanong nito at bigla akong napaayos ng upo mula sa malaking batong inuupuan ko matapos makaramdam ang mas malakas na sampal na dumapo sa kabila kong pingi. "Aray!" sigaw ko at napahawak sa pisngi na tumitibok ang balat sa hapdi. "Hahaha." dinig kong malakas nitong tawa. Nakita kong nakatayo sa harap ko si Jane. Ang nakababatang kapatid ni Louie. "Bakit mo ako sinampal?!" pasigaw kong tanong sa kaniya. "Eh paanong hindi kita sampalin, kanina pa kita tinatawag at kinakalabit pero di mo ko pinapansin. Pangiti-ngiti ka pa na parang may nakikita ng kung sinong maganda." anito, sabay hawi ng mahabang buhok. " Siguro'y .abighani ka sa kagandahan ko, di mo lang sinasabi. Ano? Love mo na ako?" dugtong nito at may pataas-taas pa ng kilay habang unti-unting nilalapit ang mukha niya sa akin. "Tumigil ka nga. Baka makita ka ng kuya mo at kung anu-ano nanaman ang sabihin sa akin." naiirita kong sabi at pilit inilalayo ang aking mukha sa kanyang pagmumukha. "Di mo pa sinasagot tanong ko. Love mo na ako?" ulit niya nang nakangiti. "Hindi," direkta kong sagot at awtomatikong nabura ang ngiting nito. "Ouch! Ang harsh mo talaga kahit kelan. Maganda naman ako, sexy , matalino, mapagmahal- "Wala akong pakialam." putol ko sa sinasabi niya at iniwan na siya roon. Kailangan ko na yata maghanap ng ibang lugar na pagtatambayan. Madalas na lang ako nasusundan ng babaeng 'yon. Napakakulit, ang ingay pa. Manang-mana sa kapatid niya. Sa loob ng sampung taon ay lagi na lang sinasabi ni Jane ang mga katagang mahal niya ako o di kaya ay paulit-ulit niyang pinagdidiinan na may gusto na ako sa kanya. Hindi ko alam, totoo naman ang sinasabi niya na maganda siya at kung alindong lang ang pag-uusapan ay meron siyang ilalaban. Usap-usapan nga siya ng mga kawal sa palasyo dahil nagagandahan sila sa kaniya. Bukod pa sa ganda ay matalino't matapang na babae rin ito. Madalas akong sinasabihan na bakla ni Jane dahil ni isang babae raw ay tila wala siyang narinig na sa akin na gusto ko. Madalas ko rin ulit-ulitin sa kaniyang wala sa isip ko ang ganoong mga bagay. Masaya na akong nagagampanan ko ang tungkulin ko at napagsisilbihan ang Reyna. Masaya na akong araw-araw kong nakikita ang natural na masayahin niyang mukha at marinig ang boses nitong minsan ay parang armalite na walang tigil sa pagsasalita lalo na kapag galit at naiinis. Sa kaiisip ng kung anu-ano ay di ko na namalayan na nakarating na pala ako sa palasyo at mula sa di kalayuan ay natanaw ko si Lala na may kausap na isang kawal. Napahinto ako sa paghakbang. Nakita ko siyang nagtakip ng bibig habang nagasasalita ang kawal, ugali niya iyon kapag tatawa. May kaunting kirot akong naramdaman sa aking dibdib. May kasama ring inis dahil mistulang walang kuwentang bagay lang ang pinag-uusapan ng dalawa. Dala ng kuryosidad ay lumapit ako sa kinaroroonan nila. Nang makita ako ng kawal ay mabilis itong nagpaalam kay Lala. Nakayukong umalis at hindi man lamang tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Sige, salamat." sagot naman nito sa kanya at nagpaalam na rin ito. Saka lang ako napansin ni Lala nang nakaalis na ang kawal dahil lumingon siya sa gawi ko. "Nandiyan ka pala. Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap." tanong nito na mabilis na nagbura ng kirot sa loob ng dibdib ko't inis na naramdaman ko kanina kaya naman nginitian ko muna siya bago sinagot ang kaniyang tanong. "Nagpahangin lang sa labas," Isang buntong hininga ang pinakawalan niya at sumeryoso ang mukha. Bahagya akong nabahala sa ginawa niyang iyon dahil batid kong mayroong problema. "May nangyari ba?" mabilis kong tanong na bakas na bakas sa boses ang pagkabahala. "Wala naman," mahina niyang sagot at pilit akong nginitian. Ngiting alam kong peke unang tingin pa lamang. "May gagawin ka ba mamaya?" pag-iiba niya. Napaisip muna ako bago sumagot, "Wala naman, bakit? May ipapagawa ka ba?" "Wala, baka gusto mo lang sabayan ako managhalian," sabi nito na mukhang nahihiya pa sa mga katagang lumabasa kaniyang bibig. Bahagyang namula ang maputi niyang pisngi at mabilis na umiwas ng tingin. Nakakapagtaka na bigla niyang naisip na isabay ako sa pagkain ng tanghalian, pero dahil bihira lang iyon at baka magbago bigla ang isip niya agad kong sinabing sige. "Okay, kita na lang tayo mamaya." paalam niya at hindi na tumitingin sa akin. Hindi na ako nakasagot dahil mabilis siyang umalis at halos tumakbo para makalayo. "Ano kayang problema n'on? May nangyari kaya at kailangan naming pag-usapan?" naitanong ko na lang sa sarili nang mawala na siya sa paningin ko at ako na lamang ang naroon. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko siya tinatawag na Reyna o kamahalan ay di ko kasalanan 'yon. Siya ang nagsabi sa akin na ayaw niya raw ang ganoong tawag lalo na mula sa mga kaibigan niya. Nais niya raw na kahit siya na ang Reyna at ginagalang ng lahat ay gusto niyang walang magbabago sa pakikitungo sa kanya ng mga kaibigan niya't mga kapamilya. Kasama na roon sina Tiyo Eros at Ginoong Darius kapag narito ay Lala lang ang tawag sa kanya. Hindi man kami payag sa gusto niyang Lala ang itawag namin sa kanya ay siya parin ang nasunod. Sinuhistyon na lamang namin na gagawin namin iyon kapag walang ibang taong nasa paligid upang manatili pa rin sa mga Celestial na igalang siya kagaya ng dapat. Medyo may special treatment kami pagdating sa kaniya. Kami lagi ang hanap kapag may importanteng misyon at kahit ayaw niya akong ipadala sa mga misyon dahil kailangan niya raw ako bilang kanang kamay ay ako ang naipapadala dahil ako ang higit na pinagkakatiwalaan niya ngayon sa lahat ng narito sa palasyo. Lalo na ngayon. Sa tagal ko siyang nakasama ay ngayon palang niya ako niyayang sumabay sa kan'yang mananghalian. Nakakasabay ko siya minsan kapag maraming trabahong gagawin pero ngayon lang niya ginawa na personal akong yayain. Nananahimik ako't nag-iisip ng sagot sa sarili kong tanong nang may biglang sumulpot sa harap ko. "Insan, nakita mo ba si Louie?" tanong nito habang palinga-linga sa paligid. Tinitignan kung masusulyapan niya ba ang hinahanap sa paligid. "Hindi, bakit?" sagot at usisa ko ngunit bigla na lang akong tinalikuran na para bang wala akong itinanong. Hindi man lang nagpasalamat. Tinapik lang ako isang beses sa balikat at umalis na ang loko. Kababalik lang isang iyon. Galing sila ni Louie sa isang misyon. Ngayon araw dumating pero naghahanap nanaman ang dalawa. Malamang na-miss na ni Louie ang mga babae niya kaya binisita muna niya ang mga iyon sa mga bahay-bahay nila. Ang lalaking hanggang ngayon pinapakita pa rin kay Lala ang labis niyang pagkagusto rito ngunit para kay Lala na aming Reyna ay mga biro lang iyon at di seryoso. Kahit halata naman mali siya. Marami akong mga naririnig sa mga Celestial na naririto lalo na sa mga kalalakihan ang paghanga nila sa Reyna at dahil siya ang Reyna at tumatayong pinuno ng aming mundo ngayon ay takot silang magtapat rito. Natatakot na magaya kay Louie na tawa at hampas ang naaabot sa tuwing babanat ng matatamis na salita kay Lala. Ewan ba sa babaeng iyon. Akala niya lahat biro kaya naman ramdam ko ang pagkirot ng puso ko dahil sa hindi ko maamin-amin na matagal ko na ring pinaparamdam sa kaniya ngunit di niya maramdaman. Manhid yata isang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD