Kabanata 3

1136 Words
Third-person's Point of View Oras na upang mananghalian. Hinihintay na lamang ni Lala ang pagdating ni Raven. Hindi niya maintindihan ang sarili kanina nang biglang sumagi sa isip niya na yayain itong sumabay sa kaniya ngayon sa hapag. Aminado siyang nalulungkot kapag kumakain mag-isa. Kahit ilang taon na ang nangdaan at paulit-ulit din naman nangyayari. Nasanay na siya ngunit nitong mga nagdaang mga araw na malayo si Raven at nasa misyon ay biglang mas lalong naging tahimik ang mundo niya. Malungkot na hindi na niya nakikita ang ama't ina dahil abala sila sa pag-aalaga ng kanyang mga kapatid at malayo rin sila sa kaniya ngayon. Isa pa'y halos nakakulong siya sa palasyo, hindi pinapalabas kung hindi lubos na kailangan. "Kamahalan? Parating na po si Raven," anunsiyo ng isang kawaksi matapos ilagay ang iba pang pagkain sa hapag. Sabay pa silang napatingin sa lalaking parating. Nahinto siya sa pag-iisip at awtomatikong napangiti nang makita si Raven. Nankangiti rin kasi si Raven at parang magnetong napangiti na lang din siya sa binata. "Dito ka na maupo," wika ni Lala ng makalapit ito sabay turo sa upuang malapit sa kinauupuan niya. Mahaba ang lamesang iyon ngunit kadalasan ay mag-isa lang ni Lala na kumakain harap ng napakaraming pagkain gaya nang mga oras na iyon. "Ayos lang ba?" tanong ni Raven kay Lala habang paupo na sa tinuro niyang silya. "Oo naman," sagot naman nito nang natatawa. "Ang dami naman yata nito. Ano bang meron? May mahalaga bang okasyon?" sunod-sunod na tanong ni Raven matapos suriin ang sangkatutak na mga pagkaing nakahain sa lamesa. "Wala naman. Naisip ko lang magpaluto ng marami. Kumuha ka lang ng gusto mo. Masarap lahat 'yan," sagot ni Lala at isa-isang inabot ang mga pagkain kay Raven upang matikman niya lahat. Tahimik lang silang kumain at nang matapos ay hinainan naman sila ng panghimagas. Letche flan na paborito ni Lala. Kadalasang ginagawa ng inang kinagisnan niya sa mundo ng mortal ngunit dahil sa galing ng tagapagluto sa palasyo ay nagawan niya ito ng kakaibang bersyon na nagbigay ng kakaibang lasa. Naroon pa rin naman ang natural na linamnam. Pulot ang ginamit kapalit ng asukal at nilagyan ng katas na pulang rosas na nagbigay ng mapulang kulay rito. "Hindi ka ba nagsasawa na ganito na lang lagi ang panghimagas mo?" tanong ni Raven matapos isubo ang huling hiwa ng Letche flan sa platito. "Hindi, ang sarap kaya. Hindi mo ba gusto?" sagot at balik na tanong niya naman dito. "Gusto, kaya lang sobrang tamis," reklamo niya sabay inom ng natirang tubig sa kaniyang baso. "Kaya ang bitter mo e. Ayaw mo sa matatamis," pabirong sabi niya kay Raven. "At paano mo naman nasabing bitter ako? May pruweba ka ba?" kunot-noong tanong niya rito at sunod ay itinaas ang isang kilay habang naghihintay ng magandang maisasagot nito. "Wala, halata kasi. Di mo man lang kinakausap ng maayos mga babaeng lumalapit sa'yo. May ilan ngang tagapagsilbi na nagsasabi sa akin na masungit ka raw. Tapos si Jane tinataboy mo na parang aso," sagot nitong dire-diretso. "At sino naman ang mga 'yon? Tawagin mo nga at kakausapin ko," sabi ni Raven na napakaseryoso ng mukha. "O, ano 'yan. Nakakunot pa noo mo. Nagmumukha ka tuloy matanda. Mababawasan tagahanga mo n'yan sira," natatawang biro niya habang nagpipigil ng tawa. "Okay lang 'yan. Para naman lubayan na nila ako." wika nito na akala mo'y nadidiri sa mga babaeng tinutukoy ni Lala. "Talaga lang ha. Di ka ba natutuwa na marami sila?" usisa niya. "Hindi. Isa lang naman ang gusto ko," seryosong sagot nito at diretsong tumingin sa mga mata ng kausap na Reyna. Nabigla si Lala sa pagtitig niyang iyon at siya na mismo ang nag-iwas ng tingin dahil naiilang siya rito. Napangiti naman si Raven sa inakto ni Lala at binago ang usapan bago pa ito mailang ng tuluyan sa kanya. "Siya nga pala, nagpadala sila ng ulat mula sa lupain ng mga Red. Nais ka raw makausap ng konseho tungkol doon kaya sila nagpatawag ng pagpupulong," pag-iiba niya. "Hindi pa ako nakakatanggap ng balita mula roon. Kung meron man ay hindi ko pa nababasa. Ano bang nangyari at biglaan silang nagpatawag ng pulong?" nag-aalala niyang tanong. Agad sinabi ni Raven ang mga nalaman na galing din sa kanyang Tiyo na si Eros bago sila pumunta sa biglaang pulong na sinabi niya. Maging ang mga balitang nasagap niya mula sa mga kasamahan na nagtungo sa lupain upang pag-aralan ang mga kakaibang nangyayari roon. Mabilis na bumababa ang libel ng tubig sa ilog dahil sa tagal ng mula ng huling umulan. Hindi lang sa Celestial World problema ito, maging sa mundo ng Mortal. Kung hindi uulan ng matagal na panahon ay parehong mahihirapan ang dalawang mundo ngunit dahil sa kakayahan ng mga Celestial ay maaari nilang magawan ito ng paraan. "Alam ko na ang dapat na gawin," wika na Lala at nginitian si Raven. Doon bilib si Raven sa kanya, mabalis mag-isip. Kung hindi man magustuhan ang una ay may nakahanda naman siyang ibang ideya na ihahain. Matapos ang pag-uusap na iyon ay inutusan ni Lala na ipatawag ang magkapatid na Blue. Sina Louie at Jane upang bigyan ng misyon. Nag-uumpisa na ang pulong at naroon na rin ang lahat ng miyembro ng konseho. Nagbigay ng mga suhestyon ang bawat isa at higit sa kalahati sa kanila ang sumang-ayon sa naisip ng Reyna. "Hindi pa nasusubukan ang naisip mo kamahalan. Kung meron man tansya na magtagumpay ay napakababa lamang," opinyon ng isa sa kanila. "Hindi lang naman silang magkapatid ang nais kong papuntahin doon. May mga Celestial na magaling sa paggamit ng mahika at alam kong magagawan nila ng paraan upang umulan," sagot ng Reyna sa kanya. "Ngunit kamahalan-- wikang muli ng ginoo ng biglang nagsalita ang isa pa. " Sang-ayon ako sa Reyna." wika niya. Tumingin pa ito sa iba at nagsitanguan ang ilan samantalang bilang lang ang nadismaya sa suhistyong iyon. "Sa ganitong panahon ay kailangan na nating subukan ang lahat ng paraan na maari. Maging ako sa edad ko ng ito ay ngayon pa lang ako nakatanggap ng balita na ganito. Kalikasan na ang kalaban natin at bilang miyembro ng konseho ay handa akong tumulong," wika ng ginoo na isa sa pinakamatandang galing sa angkan ng mga Green. "Maraming salamat po," pasasalamat ng Reyna. Ganoon nga ang kanilang ginawa. Lahat ng mga may kakayahan sa pagmamanipula ng tubig at lupa ay kanilang pinapunta roon upang siyasatin ang lugar at upang solusyunan na rin ang dinadaing ng mga mamamayan roon. Lahat sila'y mapeperwisyo rin kapag nagkataon dahil doon sa lupaing iyon sila nangunguha ng mga gulay at prutas na ihahain sa kani-kanilang mga hapag. Kapag natuyo ang lupa ng tuluyan pati na ang ilog ay tiyak na lahat sila mahihirapan kaya naman agad silang aaksyon bago pa lumala ang problemang hindi nila alam kung paano at saan nagsimulang talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD