Lala's Point of View Nakaalis na sila Raven at kasalukuyan na silang naglalakbay papunta sa lupain ng mga Green. Ang lupain na may pinakamalawak na taniman ng mga prutas at mga gulay sa mundo naming mga Celestial. Malaki ang problema sa lupaing iyon sa kasalukuyan at dahil doon kumukuha ng kinakain ang halos otsenta porsyento ng populasyon dito sa Celestial World, maliit lamang na pagbaba mula sa bilang ng mga naaani nila sa loob ng isang linggo ay.malaking problema na ang maaring idulot sa nakararami. Tiyak magkakakulangan sa pagkain at tataas ang bilihin. Hindi man ramdam ng mga mayayamang Celestial ito, kawawa naman ang nasa ibaba at maliit lang ang kinikita. Hindi basta-bastang problema lang kasi ang nagaganap. Hindi peste na madali lang nilang mapuksa ang dumapo sa mga tanim. K