Kabanata 44

1692 Words

Third-Person's Point of View Mula nang matagpuan si Milky na nagtatago sa ilalim ng lamesa, kakaiba na ang ikinikilos nito. Nanatili siyang buhat ni Eros at nagsusumiksik sa kaniyang kili-kili upang magtago. Nakapagtatakang nanginginig din ang buong kalamnam ng nilalang na tila may labis na kinatatakutan. "A-ano ba'ng nangyari at bakit takot na takot yata ang isang ito?" tanong ng ginoo kina Lala habang hirap na hirap sa ginagawa ni Milky sa kaniya. Nakalmot na siya ng matatalim nitong kuko at halos mahulog na rin dahil patuloy na paggalaw. "Hindi ko po alam, tatay Eros. Wala naman pong nangyayari kanina. Papunta kami sa silid para sana magpahinga na nang biglang mawala na lang siya. Hindi pa nga po namin agad napansin kung hindi sinabi ni Apple," sagot ni Lala na halata sa mukha ang p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD