Third-person's Point of View "A-Ano pong ibig ninyong sabihin?" naguguluhang tanong ni Lala kay Minerva habang matamang nakikipag-usap rito matapos nilang pagsaluhan ang masasarap na pagkaing inihain nang araw na iyon. Isang ngiti ang sagot ng matandang babae sa kaniya sabay senyas sa isa sa mga Merman na naroon upang tawagin si Erin. Maya-maya ay nariyan na muli ang kaniyang napag-utusan, kasama na si Erin. "Samahan mo muna si Lala sa kaniyang anak, Erin. Ipakita mo na rin sa kaniya ang kabuuan ng lugar," utos ng matanda. "Opo, ina," magalang na sagot ni Erin at binalingan na si Lala upang yayain. Mabilis na nilingon ni Lala ang kaniyang asawa na abala sa pakikinig ng pag-uusap nina Eros at Trace. Nakatayo ang mga ito di kalayuan mula sa mahabang hapag-kainan at tila may seryosong p