Kabanata 4

1856 Words
Bumaba na ako at saka dumiretso sa kusina. Agad kong hinanda ang lulutuin ko at kailangan ay may sabaw para sa dalawang pinsan ko. Kaya pinili ko ang sinigang. Tahimik lang ako nagluluto at sa kabila naman ay nag-saing ako. Habang sa kabila ay nag prito ako. Tahimik lang ako nagluluto ng may pumasok sa kusina. Nagulat ako nang makita ko si Prof. Jayden. Hindi ako makapaniwala na nandito s’ya pa s’ya at aga n'ya pa nagising. “Y-You’re here…” “Y-Yeah. K-Kumuha lang akong gamit sa bahay tapos bumalik ako." agad akong tumango rito at nakita kong pumula ang tainga n’ya hanggang sa leeg n’ya. Kumunot ang noo ko. Kahit mabilis ang t***k ng puso ko ay pinuna ko pa ang kanyang mapupulang bahagi sa katawan. “Prof. Are you blushing?” hindi ko maiwasan itanong. “H-huh? No. Just… I ate something na bawal sa akin." napatango ako sa kan’ya. Pinagpatuloy ko na ang pagluto ko. Tinikman ko ang sabaw at napangiti ako dahil sa asim ng sabaw. Tinignan ko ang laman at gulay. Nagprito ulit ako ng egg, hotdog and bacon para sa bata. Natapos ako ay naluto na ang kanin. Pinatay ko ‘yon at inayos ko naman ang sandwich. Gumawa akong toasted sandwich at syempre coffee for him. Agad kong dinala sa kan’ya ‘yon at mukhang gulat pa s’ya sa ginawa ko. Kaya naman inayos ko na ang pagkain sa mesa dahil maaga pa ang pasok ko. Tinignan ko ang orasan at maaga pa naman. Pero kailangan kong pumasok at ma-advance ang ibang subject dahil may meeting ako. Alam naman ng mga Professors ko ‘yon dahil panganay ako sa Montemayor. Inayos ko na ang mga plato sa mesa. Umalis ako sa kusina para makaligo na. Syempre, kinatok ko muna ang mga pinto ng mga mata. Mga inaantok pa ‘to pero ngumiti ako sa kanila. “Bumangon na at kumain!” sigaw ko sa kanila. “What?! Ate! Maaga pa---” “At lalamig ang pagkain!” sagot ko kay Kaia. “Kasi naman ‘e!” sigaw nito at natawa lang ako dahil nakapikit ‘to habang umaarte. Agad akong pumasok sa kwarto ko. Pilit kong tinulak si Landen para mahulog sa kama at nagtagumpay naman ako. “Aray, pota!” “Bangon! Nagluto ako para sa in’yong dalawa! Kumain na kayo!” gano’n din ang ginawa ko kay Jimzon at napamura ‘to. “Dali na!” Agad akong pumasok sa cr at saka naligo. Hindi ko alam bakit kung makakuskos ako sa katawan ko. At tatlong beses pa ako nagsabon. Natapos ako at saka kinuha ang uniform ko. Tahimik lang ako sinuot ‘to saka pinatuyo ang buhok ko. Light make up lang ang nilagay ko sa mukha ko. Isang water proof lipstick at saka kinuha ko na ang mga gamit ko. Agad akong bumaba at nagulat ako nang lumabas si Prof. Sa kabilang kwarto at mukhang doon naligo. “Good morning, Prof.” Ngumiti ako nang tipid dito at saka dinaanan s’ya. Agad akong dumiretso sa kwarto ng mga bata. “Gising na!” sigaw ko sa dalawang bata na natitira. “Rhiyanna! Kaia!” sigaw ko sa dalawa. “Kayong dalawa talaga!" Napailing ako dahil mukhang wala na akong magagawa sa mga kapatid ko. Agad akong lumabas doon at nagulat pa ako dahil nandoon pa s’ya sa pinto. “Prof?” “H-Hinihintay kita. Sabay na tayo,” agad akong tumango rito. Agad kaming bumaba na dalawa. Walang pansinan at diretso lang ang tingin sa binababaan. Pumasok agad kami sa dining room and I saw my mom. “You woke early to cook this?” “Parang di ka na sanay sa panganay mo. Lagi naman s’yang nagigising nang maaga." ngumiti ako kay mommy. Lumapit ako sa kanila para halikan ang mga pisnge nila. “Syempre, para wala ka na gawin paggising mo." nakangiting sabi ko at napailing ‘to sa akin. Umupo na ako sa upuan katabi ni Kandem. Agad kong kinuha ang pagkain sa harapan. “Alliyah, your meds?” I asked. “Here, ate!” nakangiting sabi nito. Tahimik na akong kumakain at kinuha ang sandwich sa gitna. Tahimik lang ako kumakain hanggang sa matapos ako. Bumaba na ang dalawang bata na kinukusot kusot ang mga mata. Agad naupo sa harapan ko ang dalawa at saka nagsimula na kumain. Nagtimpla akong gatas para sa amin. Isa isa kong binigay sa kanila. “Baby Levi, do you want----” “I am not a kid anymore. Stop calling me baby."natawa ako nang mahina rito. “Okay! Levi, Do you want a milk?” agad s’yang tumango kaya inabot ko ang natitirang isa. Napangiti ako rito. “Coffee, please…” napatingin ako kay Landen. “May paa at kamay ka naman ha!Mag-asawa ka na. Nasa tamang edad ka naman na!” napairap s’ya sa sinagot ko. Natapos akong kumain ay nag-mouth wash ako. Agad kong kinuha ang mga gamit ko. “Sandali, ihahatid ka ng pinsan mo. Wala ka pang sasakyan---” “Mom, it’s okay. Kaya ko po mag commute---” “Sumabay ka na sa akin. Sa University din naman ang punta ko." biglang napaubo sila daddy, Jimzon and Landen. Hindi ko alam kung bakit kaya tumingin ako kay Prof. na ngayon ay kumakamot ng ulo. “Oo nga, ‘nak. Sige na,” napatango ako kay mommy. “Ibibili ka na ni daddy mo ng sasakyan---” “No. Bawal at hindi pa s’ya sanay mag-drive---” “Sanay ako." sagot ko rito. “You taught me how to drive. Hindi ka ba believe sa sarili mo daddy na ikaw nagturo sa akin...or you are suck?” “What?! Leianna!” Natatawa akong umalis doon at natawa lahat ng nasa mesa. Agad akong lumabas at dumiretso palabas. Tumingin ako kay Prof. Agad n’yang binuksan ang pinto ng sasakyan n’ya para sa akin. Agad akong naupo saka inayos ko ang buhok ko. Sinuklay suklay ko ‘to gamit ang daliri ko. Nilabas ko ang cellphone ko para I-text si Alex na maaga ako papasok ngayon para kuhanin ang last period ko dahil may meeting ako mamaya. Tinago ko na ang cellphone pagkatapos no’n. Tahimik lang kami pareho ni Prof sa buong byahe. Hindi naman s’ya nagsasalita kaya gano’n din ako. Tumingin ako sa bintana habang nasa byahe ako. “Y-You have a meeting?” “Yep. Mamaya pa naman two pm. So, papasukin ko ang last subject ko ngayon umaga,” napatango s’ya sa akin. “I have, too. Kayo ang last subject ko sa tanghali at wala na ako pasok sa hapon. Sabay ka sa akin?” napatitig ako sa kan’ya. “Hindi na, Prof---” “Jayden, just call me Jayden pag tayong dalawa or nasa labas tayo ng university at kahit kasama ang pamilya mo,” kumunot ang noo ko. “Hindi mo na po ako kailangan ihatid. Malapit lang naman po ang building sa University,” sagot ko sa kan’ya. “I insist Leianna.” kumunot lalo ang noo ko. “Well, you are Landen’s cousin. Landen and Jimzon are my friends. Ako nag-aalaga sa dalawa noon kasama ka. Kaya wag ka na mahiya sa akin,” hindi na ako sumagot dahil mukhang desidido naman s’yang ihatid ako. Nakarating kami sa University ay pansin ko maraming tao sa gate. Pumasok ang sasakyan sa parking lot at agad kong hinubad ang seatbelt ko. Bumaba ako ng sasakyan n’ya at saka kinuha ang mga gamit ko. “Thank you, Prof.” He smiled at me and I smiled back at him. Naglakad na ako papuntang bench at may sumigaw. “Si Leianna!” napatingin ako doon dahil sa sumigaw ng pangalan ko. Agad sila tumakbo papunta sa akin kaya kumunot ang noo ko. Nagbigay daan sila sa isang lalaki na may dalang malaking teddy bear and chocolate. Hindi ako mahilig sa chocolate. Pero pwede na rin kay Beatrice at kay Kaia naman ang teddy bear. Ilang beses pa ba ako makakatanggap nito. Tuwang tuwa ang kapatid at mga pinsan ko sa tuwing may inuuwi akong ganito pero ang nakakainis is pamparami lang nang dala. “Yes?” nakangiting bungad ko sa kan’ya. Ayokong may napapahiya, ayokong may nasasaktan. Kaya ayoko sa mga ganito ‘e. “Well, hindi raw kayo nag-work ni Andrei?” tumitig ako rito. “And I am here to try…” Agad n’ya binigay sa akin ang teddy bear and chocolate na Rocher. Ngumiti ako rito at saka tinanggap ‘yon. “A-Ah thanks,” umikot ang mga mata ko sa paligid and I saw Jayden. He was staring at me with his cold eyes. Hindi ko alam bakit ganyan ang tingin n’ya sa akin. Tumitig din ako sa kan’ya at sumenyas ako na para iligtas ako pero ngumisi lang s’ya saka tumayo. “Leianna." napatingin sila kay Jayden. “Tara na. May kailangan ako I-discuss para sa meeting natin mamaya,” napangiti ako saka tumingin sa lalaking nasa harapan ko. “You are?” I asked him. “Albie." napatango ako. Letter A na naman. Habulin pa ako ng A? Bwisit na buhay ‘to. “Albie, later na lang ha? Alis na ako. May meeting kasi ako mamaya kaya maaga ako pumasok ngayon. Una na ako." paalam ko na kinatango n'ya. Ngumiti ako sa mga nanonood at saka sumunod na kay Jayden. Huminga ako nang malalim at saka tumingin s’ya sa akin. “Hindi mo s’ya kayang I-reject?” “Ayokong mapahiya s’ya and I will reject him tomorrow…” sagot ko rito. “May araw talaga?” I nodded to him. Ngumingiti ako sa mga nakakasalubong kong nag ha-hi sa akin. Kailangan ko maging friendly dahil sa Montemayor ako, kailangan ko. Pumasok na ako sa room at nilagay ko sa isang upuan ang dala ko. “Kanino galing ‘yan?” someone asked. “Kay Albie…” hindi ko pala natanong ang surname n’ya. “Soccer player?” hindi ko alam kung sino si Albie na tinutukoy n’ya. “Well, yung matangkad na chinito---” “Si Albie nga ng soccer player!” natatawang sabi nila kaya tumango ako. Napapikit ako dahil sa inis ko. Hindi ko alam anong gagawin ko dahil doon. Naiinis ako dahil bakit ba linggo linggo na lang may haharap sa akin para bigyan akong ganito. Dumating na ang Prof namin. Agad tumango ‘to sa akin at mukhang alam n’ya na bakit nandito ako. Tahimik lang ako nakikinig sa kanila. Panay ang tawanan ng mga estudyante dahil sa mga biro ng mga ‘to. Natapos ang klase ay lumabas na ako. Maraming nagtatanong kung kanino galing ang dala ko. Paulit ulit ko silang sinasagot kahit naiinis na ako. Sinasagot ko pa rin sila ng kalmado. Hanggang sa subject na ni Jayden. Umupo ako sa upuan at naguguto na rin ako dahil hindi pa ako nakakapag-meryenda. Mabuti na lang nandito si Alex na may dalang pagkain para sa akin. “Alam ko kasi na pag ganito? Wala kang oras kumain." napangiti ako. “Thank you. You’re the best!” “May kapalit ‘yan!” natawa lang ako saka sinandal ko ang ulo ko sa balikat nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD