Takot ang namuo sa dibdib ko kaya naman napaantras ako. Nakahawak pa rin ako sa pader habang umaantras pa rin ako. "Ano? Hindi ka sasagot? Ang galing naman pala ni Samuel para mabuntis ka ng maaga." Umiling ako dito. "Bakit? Hindi mo ba matanggap? Si Samuel isang beses lang pero nabuntis ako?" Matapang na sagot ko dito habang tumutulo ang luha ko. "Wala ka na dapat sigurong pakialam sa amin ni Samuel hindi ba? Remember? Ikaw ang may gustong umalis ako---" "I didn't..." kumunot ang noo ko dito. "Pwede ba tawagan mo na si Samuel!" Galit na sigaw ko dito pero naramdaman ko na lang bigla ang katawan n'ya sa akin. "Samuel ha? Alam kong ako ang mahal mo." Hindi ako sumagot dito. "Kurt, what are you doing?" Nabuhayan ako dahil sa narinig kong boses agad akong umantras at mabilis na tumayo