Sa bawat araw ay lagi na lang lumalapit sa akin si Kurt pag may pa kakataon. Minsan mag isa ako sa sofa bed ay nagulat ako na nasa tabi ko na s'ya at inaabot ang mga kailangan ko. Nagugulat ako minsan bigla ako susubuan ng prutas na agad kong tinatanggap. Kung hindi ko s'ya maamoy o maririnig ang boses ay hindi ko s'ya makikilala pa. Dahil nga may trabaho si Samuel ay naiiwan ako sa bahay kasama ang kasambahay o ang mga pinsan nila. Dahil nga nahihiya ako ay nanahimik ako sa isang tabi. Tatanungin nila ako ng gusto ko at agad kong sasagutin. Ayoko maka istorbo sa kanila. Nahihiya ako mag salita sa kanila. Pero madalas si Kurt mismo ang nag papakain sa akin dahil nga wala si Samuel. Ang pinag tataka ko ay bakit hinahayaan nila Ate Andreianna 'yun. Wala din kasi akong choice dahil nagugut