Chapter 4

1945 Words
Tinulingan ko s'yang mag lakad palabas ng kan'yang kwarto. Nakayakap lang ako sa kan'yang baywang hanggang sa makababa na kami pareho. Sa likod kami dumaan. Hindi pa mataas ang araw. Kaya naman inupo s'ya sa isang upuang bakal. Nagulat ako ng hilahin n'ya ako kaya napaupo ako sa kan'yang kandungan. "Sir!" tumawa lang s'ya at napapikit ako. "Sir. naman. Wag po gano'n." ngumiti lang 'to. Umupo ako sa tabi n'ya. "Keith, nag kaboyfriend ka na?" iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya. "Hindi pa." totoong sagot ko dito. "Bakit?" "Nag promise ako kay Mommy na pag nasa legal age na ako? Saka ako papasok sa relasyon," sagot ko, "Ayokong pumasok sa relasyon kung hindi naman handa." "S-Sa tingin mo? Bakit iniwan n'ya ako? Nag paparamdam kasi s'ya sa akin na gusto na n'ya kami mag pakasal pero hindi ko pinansin," biglang kumirot ang kaliwang dibdib ko sa narinig ko. Hindi ko alam ano sasabihin ko dito, "Bakit ba kasi hindi pa kayo nag pakasal?" tinago ko ang pait ng boses ko. "Hindi ako handa. May hinahanap ako na hindi ko maintindihan," seryosong sagot n'ya sa akin. "Four years na kami." "Ibig sabihin lang n'yan hindi gano'n kalalim nararamdaman mo sa kan'ya. Kasi once na mag mahal ka? Wala ka na hahanapin pa sa kan'ya. Kuntento ka na dapat doon," sagot ko dito, "Mahal mo s'ya pero hindi ka handa para sa kan'ya." sagot ko pa. "Nakikita mo ba sarili mo na papakasalan mo s'ya in the future or bubuo kayo ng pamilya in the future?" napatitig ako dito. Hinihintay ko ang kan'yang sagot. "H-Hindi pumasok sa isipan ko ang bagay na 'yan," mahinang sabi n'ya sa akin, "Kailangan ba iisipin mo 'yun?" "Oo naman 'no! Kasi kaya mo nga niligawan ang babae para bumuo kayo ng pamilya," natatawang sabi ko dito kaya napatango s'ya. Mukhang wala s'yang alam. "Baka nasaktan ka lang dahil naapakan ang ego mo? Kasi nanlalaki s'ya?" hindi 'to sumagot sa akin. "Ayos lang 'yan. Pag nakakita ka? Tutulungan kita mag hanap ng babae," pag bibiro ko dito. Nagpa-araw kaming dalawa sa Garden. Wala na kahit isang nag salita sa aming dalawa. Iniisip ko kung okay lang ba s'ya o ano? Sana wag na s'ya mag sungit sa akin. Pumasok ba kami sa loob ng bandang alas diyes. Binuksan ko ang Smart TV para makinig s'ya ng music. Umasog s'ya sa akin kaya naman mas nag dikit kaming dalawa. "Baka nga hindi ko s'ya mahal." mahinang sabi nito sa akin. "Kaya wag ka na mag isip. Ang dapat mo isipin ay ang kalagayan mo. Mag tulungan tayong dalawa para maging maayos ka," tumango 'to sa akin bilang sagot n'ya. Napahikab ako sa tabi n'ya. Nagulat ako ng hawakan n'ya ang ulo ko para ilagay sa balikat n'ya. "You can sleep in my shoulder. My peace offering to you." natawa ako dito. "Alam mo? Sa lahat ng bulag? Ikaw ang hindi ka awa awa." nagulat s'ya sa sinabi ko. "Hindi ka nagagalit dahil bulag ka kasi nagagalit ka dahil sa nararamdaman mo." "Hindi ka naaawa sa akin?" hindi s'ya makapaniwala sa sinabi ko. "Mas takot ako sa'yo, Sir!" "Stop calling me 'Sir.' Kurt na lang." natahimik ako dahil doon. Pinatong ko na ang ulo ko sa balikat n'ya. "Wag ka sa akin matakot," bulong n'ya, "Hindi na kita aawayin." napangiti ako sa narinig ko. Dahan dahan akong nakatulog sa balikat n'ya. "Sir. Kailangan n'yo na po kumain---" "Shhh. Later, she's sleeping." Dahan dahan kong ginalaw ang ulo ko. Pero pansin ko na parang nakahiga na ako. May humahaplos sa buhok ko. Sobrang bango. Sinubsob ko ang muka ko sa mabangong parte na 'yun. Ang tigas nga lang. Niyakap ko 'to pero nakarinig ako nakarinig ng tawa. Agad akong napadilat at bumungad sa akin ang kulay green na tela. Mabilis akong bumangon at saka tumingin kay Sir. Kurt. "Sir! Sorry!" tumawa lang 'to sa akin. Naalala ko sa balikat n'ya ako nakatulog pero bakit nakahiga na ako sa hita n'ya. "Kurt, Keith." umiwas ako ng tingin dito. Kahit alam kong hindi n'ya ako nakikita ay hiyang hiya ang nararamdaman ko. Ang bilis pa ng t***k ng puso ko dahil doon. Pakiramdam ko kasing pula ko na ang kulay ng kamatis dahil. Lalo na naalala ko na sinubsob mo ang muka ko sa kan'yang tiyan dahil sa bango nito. "Miss, kailangan n'ya na po kumain," napatango ako dito at saka lumapit na kay Kurt. Pinulupot nito ang kan'yang kamay sa baywang ko na kinagulat ko. "H-Hindi kita maalalayan ng gan'yan," mahinang sabi ko dito at agad n'ya ako nilingon at muntik na mag tama ang aming mga labi. "S-Sir." "Kurt, Keith. Kailangan ko pa ba linawin sa'yo ang lahat?" agad ako tumiwas ng tingin dito at naramdaman ko sa kan'yang ilong sa pisnge ko. "You smell good." Nag simula na kami mag lakad na dalawa. Pumasok kami sa kusina at agad ko s'ya inupo sa tabing upuan ko. Pinusod ko ang buhok ko at ako mismo nag ayos ng pag kain naming dalawa. Mabilis lang kami natapos. Medyo ilang ako sa dalawang kasambahay dahil nakatitig ang mga 'to sa amin. Natapos kaming kumain ay nag aya na itong umakyat sa taas. Sa pag pasok namin sa kwarto ay bumagsak kami pareho sa kan'yang kama. Kaya naman mabilis ang aking kilos para makalayo sa kan'ya. "Sorry!" tumawa lang ulit 'to sa akin. umayos s'ya sa kama n'ya at saka umupo. "Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito," nagulat ako sa sinabi n'ya, "gusto kong makita kung ano ang itsura mo. For sure you are beautiful." Malakas ang t***k ng puso ko habang nakatingin sa kan'ya. Hindi ko alam sasabihin ko. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko at huminga ng malalim. "Oo naman," natatawang sabi ko dito, "Maganda ako kasi kamukha ko ang Mommy ko." "Of course, you are." nakangiting sabi nito. Napahawaka ko sa dibdib ko. Bakit ganito? Bakit ang bilis ng t***k nito? Bakit kailangan ko maramdaman 'to sa kan'ya? Hindi pwede. Sabi ni Tita Stevie ay bawal daw ako mag kagusto sa anak n'ya. Kailangan ko sundin 'yun dahil nakakahiya naman kung hindi. "Can you take yourself a picture in my phone?" napatitig ako sa kan'ya. "Can you find it?" Nasa side table lang naman ang cellphone n'ya. Hinawakan ko 'to at saka binigay sa kan'ya. "Take yourself a picture. Para kung makakakita ako? Ikaw agad hahanapin ko," napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya. "I don't think it's a good idea," normal na sagot ko sa kan'ya. "Why not? I don't have a girlfriend. I can date you," seryosong sabi nito. Napabuntong hininga ako. "Hindi ako 'yung babaeng gugustuhin mo. I am not pretty. I was just kidding when I told you that I am beautiful." "So? You are still beautiful for me," napangiti ako sa sinabi n'ya. Kung pwede lang, kung pwede lang sana. Pero ang mommy mo mismo ang ayaw. At hindi tayo nababagay sa isa't isa. "Ang daming modelo sa Metro Manila. Doon ka mag hanap na pwede mong i-girlfriend," umiling 'to na parang bata sa akin. "Ikaw na gusto ko. Ikaw lang nakakatiis sa akin kahit iyakin ka." umirap ako dito. "Hindi nga pwede." madiin na sabi ko dito. Ang sarap sana sa pakiramdam. Kung ikaw ang magiging nobyo ko? Aalagaan kita ng maayos. Hindi kita sasaktan tulad ng ex mo. Mamahalin kita hanggang dilo. Nakangiti ako habang pinag mamasdan 'to. Inabot n'ya sa akin ang cellphone n'ya. "Take a selfie now." Kinuha ko na 'to at saka agad ngumiti sa camera. Isang shot lang ang ginawa ko at saka binalik sa kan'ya. "I will find you no matter what happen." Hindi ako aasa dahil alam ko kung hanggang saan lang ako. Umupo ako sa tabi nito at saka tinignan n'ya. "Gusto kita gustuhin." nagulat ako sa sinabi n'ya. "Hindi ko alam kung bakit." "Wag mo ko gustuhin. Hindi talaga tayo pwede," bumusangot s'ya sa akin kaya naman natawa ako. Biglang nag ring ang kan'yang cellphone kaya naman tinignan ko 'yun. "Your dad." Agad kong kinuha 'yun at sinagot 'yun. Tinapat ko sa tainga n'ya ang cellphone. "Dad." paninula nito. "How did you know it was me?" I heard him chuckled. "Keithryn is in your room? Are you giving her a hard time?" "No, Dad. You can ask her." nakatitig lang ako sa kan'ya habang maganda ang kan'yang ngiti. "Your voice is something. I bet you are okay." "Yes, Dad. I am. How about my mom?" "Your mom is still looking your donor. Minamadali na namin para agad kang makakita---" "That's good, Dad!" kitang kita ko ang saya sa kan'yang muka dahil doon. Huminga ako ng malalim. "Sige na. May trabaho ako." Mabilis lang natapos ang tawag. "Narinig mo 'yun? Mabilis lang siguro ako makakakita dahil busy si Mommy kakahanap ng donor ko. Hindi rin mag tatagal ay makikita kita." huminga ako ng malalim dito. "Mag pahinga ka na. Pupunta lang ako sa kwarto ko---" "Matutulog ka ulit? Dito na!" "Hindi. Susubukan kong kontakin si Daddy. Miss ko na kasi s'ya." napatango 'to sa akin kaya naman lumabas na ako sa kan'yang kwarto. Agad akong dumiretso sa kwarto kung saan ako natutulog. Kinuha ko ang cellphone at agad nag log in ng social media. Agad kong hinanap ang pangalan ni daddy. Naka online 'to kaya naman agad akong nag iwan ng message. "Dad, if you are free later? Can I call?" Agad kong sinend 'yun. Agad tumunog ang cellphone ko dahil doon. Agad kong sinagot ang tawag ni Daddy. "Anak, kamusta ka na?" Biglang tumulo ang luha ko dahil doon. "Bakit? Ano nang yari?" Kahit galit ako ay mahal na mahal ko pa rin si Daddy. Miss na miss ko na s'ya. Sobrang miss na miss. "K-Kailan ka po uuwi?" napatitig 'to sa akin at ngumiti. "Malapit na." pinunasan ko ang luha ko. "Dad, alam nyo po ba saan nakatira ang parents ni Mommy sa Metro Manila? I-I just want to see them---" "Hindi ka aalis sa Gapan, Keithryn! Hindi ka nila sa akin ibabalik---" "Dad! Babalik ako! Gusto ko lang sila makita---" "Pag sinabi ko na hindi? Hindi!" Mabilis ko pinatay ang tawag namin at saka humiga sa kama. Pinunasan ko ang luha ko saka huminga ng malalim. Hindi ko man masabi sa kan'yang kung ilan taon na ako nag hihirap dito. Kung ilan taon na akong ginagawang utusan. Pagod na ako pero hindi ko magawa. Lumabas ako ng kwarto at saka dumiretso kung nasaan ang kwarto ni Kurt. Pumasok ako doon at saka umupo sa kama. Kahit papaano gumaan dahil sa pamilya n'ya. Pero gusto ko din mag karoon na normal na buhay. Yung iisipin ko lang ay paano ako makakapag tapos. Hindi 'yung ganito na kailangan ko gawin ang isang bagay para lang makapag aral ako. "Kamusta pag uusap n'yo?" "Sana lang hindi malaman ng Step Mom ko na nag usap kami ni Daddy," mahinang sabi ko dito. "Kung hindi patay ako." "Ano ba sinabi mo?" "Gusto ko lang ay umuwi sa Lola at Lolo ko. Pero hindi ko alam kung saan at kung paano. Ayoko sa lugar na 'to," tumulo muli ang luha ko. Naramdaman kong hinawakan n'ya ang kamay ko at saka dinala sa kandungan n'ya. "Hahanapin natin sila pag nakakita ako. Tutulungan kita," tumitig ako sa kan'ya, "Oh gusto mo ipahanap ko na agad? Pwede natin makausap sila Samuel para doon." "Hindi na kailangan," sobra sobra na ang tinulong nila sa akin at hindi naman pwede aasa na lang ako sa kanila. "Bakit ayaw mo? Kaya kita tulungan sa lahat," Hindi ako sumagot dito. Hindi dapat ako umaasa sa pinapakita n'ya. Eto pa lang ang pangalawang araw na nalapit ako sa kan'ya. Hindi ko alam ang totoong intensyon n'ya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD