Chapter 3

1596 Words
Alas sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Naligo ako at mabilis na nag palit ng damit. Naging maganda ang tulog ko dahil sa kwartong 'yun. Tulad noon, naka aircon at malambot ang kama. Tulad ng kwarto ko sa bahay na iba na ang gumagamit. Nag patuyo ako ng buhok at saka lumabas na ng kwarto ko. Sakto naman nakita ko si Ate Sam na nakagayak na. "Ate Sam, Good morning po," yumuko ako dito bilang pag galang ko sa kan'ya. "May pupunta dito taga luto at taga linis. Kailangan na namin lumuwas ni Samuel. Ikaw na bahala sa pinsan namin," tumango agad ako dito bilang pag sang ayon ko. Sakto naman lumabas si Samuel sa kabilang kwarto at gulat pa ng makita ako. "Good Morning, Samuel." agad 'tong lumapit sa akin at saka ginulo ang buhok ko. "Aalis na kayo?" "Oo, kailangan 'e. Mamayang gabi bago ka matulog? Tawagan mo agad si Tita Stevie para malaman ano na nang yayari sa bunso n'ya." "Sige, mamaya." ngumiti ako dito. Hinatid ko sila hanggang sa labas ng gate. Sumakay agad si Samuel sa kan'yang sasakyan habang si Ate Sam naman ay hinalikan ang pisnge ko bilang pag papaalam. Tumingin ako sa bahay namin at doon nakita ko si Ate Gellie na nakataas ang kilay sa akin. Kasama ang kanyang isang kaibigan na babae at mukang kagigising lang. Pumasok na ako sa loob at may security naman dito kaya ayos lang. Hindi agad agad nag papasok ng hindi kilala. Maya maya lang ay may dumating na dalawang kasambahay. Umakyat na ako sa taas at saka pumunta sa kwarto ni Sir. Kurt. Saturday ngayon ay bukas Sunday na. Susunod na araw ay papasok na ako sa School. Hindi ko maiwasan ma excite dahil doon. Hindi na ako mahuhuli kung nag kataon pa. Tulog pa si Sir. Kurt at pansin kong wala 'tong pangitaas. Agad akong umupo sa sahig. Nakatagilid s'ya paharap sa akin kaya naman malaya ko natitigan ang muka nito. Ang gwapo n'ya talaga. Dahil siguro parehong may lahi ang Mom and Dad n'ya. Ang asul nitong mga mata na nabulag. Ako nang hihinayang sa kan'yang magandang mata. Mapapalitan ng ibang mata. Ang matangos nitong ilong na at ang kan'yang nakaawang na labi. Ang pupula nito na para bang isang labi ng babae. Mahaba ang pilik mata nito. Tinaas ko ang kamay ko para sana haplusin 'to pero bigla s'yang gumalaw. Biglang bumukas ang kanyang mga mata at agad kumalabog ng mabilis ang puso ko. Alan ko naman hindi s'ya nakakakita pero bakit pakiramdam ko nakatitig s'ya sa akin. "Ang aga mong nandito?" Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. "H-Huh?" "You are watching me while I am sleeping, right?" Bigla akong nag panic dahil doon. Hindi ko alam ano sasabihin ko dahil huli na ako. Ano ipapalusot ko? s**t! Huminga ako ng malalim. "H-Hindi po. Nakapikit po ako na nakaupo sa sahig dahil inaantok pa po ako," kumunot ang kanyang noo pero agad din tumango. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang effective ang pag papalusot ko dito. Tumayo na ako ng dahan dahan s'yang umupo sa kan'yang kama. Napalunok ako dahil sa ganda ng kan'yang katawan. Para s'yang isang Diyos na bumaba sa langit sa sobrang kakisigan at kagwapuhan. "You are right." napabuntong hininga nito. "I should be thankful because she left me because of other man." kita ko ang pag daan ng sakit dito. "You should. Be happy because someone removed herself voluntarily. It means? You deserve someone better." nakangiting sabi ko dito. "Maganda ka ba?" nagulat ako sa tanong nito. Hindi ko alam paano sasagutin ang kan'yang tanong. Dapat ko bang sagutin or wag na lang. "H-Hindi ko alam." sagot ko dito. "Your name is? I want to know you more. You can sit here," he tapped his bed. He wants me to sit beside him. Agad ko naman ginawa 'to. Naamoy ko ang kan'yang mabangong katawan. Wala pa 'tong ligo pero ang bango na agad. Sana all. "Real name?" "Keithryn Zabat." agad na sagot ko dito. "Eighteen years old." "You are eighteen? You are living in front of my house, right?" "Yep." sagot ko dito. Mukang magiging maayos na ang pag aalalaga ko sa kan'ya dahil hindi na s'ya masungit. Sana lang ay mag tuloy tuloy na. Nakakatakot pa naman s'ya pag galit. "Describe yourself." "I am one fourth Korean, One fourth Am and Half Filipino, I think?" kumunot ang noo nito. Kahit anong ekspresyon ata gwapo s'ya. Ang saya naman. Bakit gano'n? Kahit saan ang gwapo gwapo n'ya. Mali mali, hindi dapat ako nag iisip ng ganito. Saka sabi ni Tita Stevie bawal ako mahulog sa anak n'ya. Kailangan kong tuparin 'yun dahil sa tulong n'ya sa akin. "Singkit ang mga mata ko, i am 5'5! I have small pointed nose and pink lips. My lips is thin and they say I have a cute pair eyes." kumunot ang noo nito sa sinasabi ko. "I have light brown hair." hinawakan ko ang kan'yang kamay at pinahawak sa kan'ya ang buhok ko. "Why are you living with them?" nagulat ako sa tanong n'ya. "I know your mother. She is a good at baking. Madalas bumili si Mommy sa Bayan noon ng cake sa Keith Shop." nanlaki ang mga ko dahil doon. "Totoo? Masarap di ba? May alam ako kahit papaano pero hindi ko alam kung masarap," malungkot na sabi ko. Naalala ko kung paano ibenta ni Daddy ang shop na 'yun noong namatay si Mommy. Kung paano ibenta ng kan'yang bagong asawa ang nga kagamitan. Hindi n'ya 'to binawal kahit halos mag makaawa na ako dito. "Bakit sa kan'ya ka nakatira?" "Do I have a choice? Mom's parents are mad at my dad. Wala pang forty days na namamatay si Mommy nag pakasal na agad s'ya sa kahawig ni Mommy. Kaya nawalan ako ng communication kay Lola at Lolo," malungkot na sabi ko. "Kaya saan ako titira kung hindi ako mag titiis doon?" "Hindi mo ba alam kung saan sila?" "Kahit alam ko? Wala akong pera para pumunta doon." sagot ko dito. Tumakas ako noon pero nahuli. Nilatayan ako sa likod kaya naman puro ako peklat. Mababaw ang luha ko sa lahat pero wala naman silang pakielam kahit umiyak na umiyak ako. "Kaya maging mabait ka sa akin. Kasi sa Mommy mo? Malaki utang na loob ko. Yung daddy mo? Niligtas ako. Pinag aaral pa nila ako saka binibigyan ng pera ang Step mom ko. Nakakahiya sa kanila," natawa 'to ng mahina sa sinabi ko, "See? You are handsome when you laugh," tumikhim 'to pero nakangiti lang ako. "Sige, hindi ako magiging malupit basta wag mo ko iiwan mag isa. Kailangan kung nasaan ka nandoon din ako--" "Huh? Dapat nasa School ka din sa monday--" "Silly! Of course, I will stay here. I will take you there and fetch you also." ngumiti ako dito. Hindi dapat lumalim ang nararamdaman ko sa kan'ya. Dahil hindi ako si Cinderella at hindi s'ya ang prinsipe ko na mag liligtas sa akin sa isang mahirap na buhay. Tinulungan ko s'yang bumaba ng kama at saka pumunta kami ng Cr. Inayos ko ang kan'yang pampaligo at agad s'yang tinulungan pumasok sa shower. "Tawagin mo ko sa labas pag tapos ka na. Tapos, eto?" hinawakan ko ang kamay n'ya para malaman n'ya nasaan ang towel. "Towel mo. Dahan dahan sa pag lalakad baka madulas ka," tumango s'ya sa akin. Kaya naman lumabas na ako mg kan'yang Cr at saka pinag masdan ang buong kwarto n'ya. Kulay asul, tulad ng kan'yang magagandang mga mata ang kulay ng kan'yang kwarto. Inayos ko ang iilang gamit n'ya. Hindi ko alam bakit may taong pinipiling mag loko kaysa mag stick sa isang tao. Si Sir. Kurt, halatang mahal na mahal ang girlfriend pero bakit s'ya niloko? Hindi dapat 'e. Ang swerte na n'ya pero sinaktan pa n'ya. Kung ako 'yun? Hindi ko sasaktan si Sir. Kurt. Mamahalin ko pa 'to. Inayos ko na ang isang green na tee shirt sa kan'yang kama. Kahit ang short at boxer brief nito ay nakaayos na. "Keith!" Mabilis akong pumasok sa cr at nanlaki ang mga mata ko. Shit! Mag kakasala ata ako sa lalaking 'to. Sobrang hot n'ya. Perfect v line! s**t! Lumapit ako ay inikot ang kamay ko sa kan'yang baywang. Sobrang bango n'ya talaga. Inupo ko s'ya sa kan'yang kama at inabot ang boxer brief. "Lalabas muna ako ha? Nakaayos na 'yan. Wag mo na baliktarin pa." Mabilis akong tumalikod at saka lumabas ng kwarto n'ya. Pumunta ako sa ibaba para tignan ang pag kain "Good morning, Ma'am." mabilis akong umiling. "Nako po, Keithryn na lang! Nag aalalaga po ako dito!" Kumuha na ako ng tray. Kumuha ako ng pag kain naming dalawa ni Kurt. Kumuha din ako ng kape nito. Bali nakasunod na sa akin ang isang kasambahay. Pag pasok ko sa kwarto ay nakaupo na s'ya sa kama. "Keith." mahinang tawag nito. "Kakain na tayo ha?" Nilapag ko sa table ang kan'yang pag kain. Inayos ko 'yun ag saka dinaluhan 'to. "Ate, balikan n'yo na lang po ang pinag kainan namin maya maya." tumango ang babae. Mabilis akong inakbayan ni Kurt. Ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Hindi ko na alam kung kakalma pa ba 'to o hindi na? Nang hinawakan n'ya ang kamay ko ay napabitaw agad ako. Ang lakas ng kuryente. Hindi ko alam kung naramdaman n'ya o ano. Pero hindi ko na lang pinansin. Inupo ko na s'ya sa upuan. Sinimulan ko na s'yang subuan at kumain na din ako. Tahimik lang akong pinapakain s'ya. Mabilis lang natapos at pinainom ko s'ya ng kape n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD