Chapter 2

1880 Words
Binalik ko ang kanta na kinakanta n'ya kanina. Agad kong nilagay sa kamay n'ya ang remote ng Smart Tv. "Tawagan n'yo na lang po ako pag may kailangan kayo--" "A-Aalis ka?" nagulat ako sa sinabi n'ya. "Hindi mo dapat ako iniiwan dahil bulag ako." "O-Okay po." Hindi ko alam kung uupo ba ako o ano. Ang ginawa ko na lang ay tumayo sa gilid nito para kung may iuutos ay gagawin ko agad. "Bakit nakatayo ka d'yan, Keithryn?" napatingin ako kay Sir. Samuel, "Tinatakot ka na naman ba ni Kurt?" "What? Asan ba s'ya!" napakamot ako ng ulo ko. Tumawa si Sir. Samuel. "Umupo ka na sa tabi n'ya," utos nito at hindi ko alam kung susundin ko ba o ano. Baka kasi magalit na naman s'ya sa akin. "Kurt, ikaw kaya mag utos?" Napatingin ako kay Sir. Kurt, "Sit." Agad akong umupo sa tabi nito. Malaki ang pagitan naming dalawa. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung normal pa ba 'to o ano? Iniwas ko mapatingin sa kanila at saka nakinig na lang din ng kanta. "Any news about her?" Sir. Samuel took the remote and turn off the Tv. "I told you, stop it. Wag mo na tanungin dahil baka masaktan ka lang." Yumuko ako para makaiwas sa kanila ng tingin. Mukhang 'yung girlfriend ni Sir. Kurt ang pinag uusapan nila kaya hindi dapat ako makinig. Sakto naman bumaba na si Ma'am and Sir. dala ang kanilang maleta. "Aalis na kami. Kayo na bahala dito," she glanced me, "Update me everyday, Keithryn. Wag mo sana sukuan ang anak ko. You can start by monday, maaga ang pasok mo." tumango ako at saka ngumiti dito. "Maraming salamat po." Hinatid ko sila hanggang sa labas. Pinatawag na kami ni Ate Sam papunta sa kusina. Ang akala ko ay alalayan ni Sir. Samuel si Sir. Kurt ay nag kamali ako. Ngumisi lang 'to sa akin at saka ko hinawakan ang kamay ni Sir. Kurt. Mahigpit ang hawak nito sa kamay ko na dahilan ng pag bilis ng t***k ng puso ko. Agad n'ya akong inakbayan at saka nag lakad na kami papuntang kusina. Inupo ko 'to sa upuan at saka inayos ang pag kain nito sa harapan n'ya. Tumayo ako sa gilid nito para pag silbihan. "Anong ginagawa mo? You can eat with us." Tumingin ako kay Sir. Kurt. Tumawa na naman si Sir. Samuel. "Ikaw na Kurt mag sabi na sumabay s'ya sa atin," utos ni Ate Sam dito. "Tsk. Kumain ka na din kasama namin," umiling agad ako. "Kumain na po ako. Saka hindi po ako gutom," sagot ko dito pero tumitig lang si Sir. Samuel sa akin. "Well, I have cake here. Do you want some?" nagulat ako sa sinabi n'ya. "W-What flavor?" nahihiyang tanong ko na kinangisi nito. "Mango gramham, do you want that?" agad akong tumango dito at natawa 'to ng mahina sa akin. "Mukhang mahilig ka sa cake ha?" "My mom is a baker. Lagi n'ya ako pinag be- bake ng cake," kwento ko dito. "Pareho pala tayo mahilig sa cake," tumayo 'to at saka pumunta sa ref. Hindi ko alam ano dapat ko gawin. "Should I call you cakeryn?" natawa ako ng mahina dito. "Or cake?" "Keithryn is fine po," "Ayan, gan'yan. Ngumiti ka. Mas maganda ka pag ngumiti ka," nag init ang pisnge ko dahil sa sinabi n'ya. "Tama na ang bolahan. Kumain na," agad akong umupo sa tabi ni Sir. Kurt. Inayos ko ang pag kain nito at susubuan ko sana pero mukhang ayaw n'ya. "Sir. Kurt, ahhh?---" Nagulat ako ng tabigin n'ya ang kamay ko. Med'yo masakit 'yun pero hindi ko ininda. "Kurt..." mahinang tawag ni Sir. Samuel dito. "A-Ayos lang po," tumayo ako sa tabi niyo. Si Sir. Samuel naman ay nilagay na sa harapan ang cake ko. "Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na saka ka lang gagalaw pag inutusan na kita?" malamig ang boses nito. Hindi ko alam ano sasabihin ko dito. "Kumain ka na, Keithryn. Wag mo na s'ya pansinin," nagulat ako ng tumayo 'to kaya agad ko 'to dinaluhan. Pero isang tulak na malakas ang ginawa n'ya sa akin kaya tumama ako sa tabing upuan namin. "KURT!" halos sabay na sigaw ng dalawang mag kapatid. "Hindi ka ba talaga nakakaintindi?" pinigilan kong tumulo ang luha ko. "S-Sorry!" Hinila 'to ni Sir. Samuel. Kaya naman mabilis akong umalis doon at saka tumakbo palabas ng kusina. Lumabas ako ng kanilang bahay saka dumiretso sa simbahan. Huming ako ng malalim at saka pinunasan ang luha ko. "Pinahirapan ka na naman ba ng step mother mo?" napatingin ako sa isang chismosang kapit bahay. Hindi 'to pinansin at saka pumasok sa loob ng simbahan. Umupo ako sa pinaka sulok at doon na tahimik na umiyak. Sumasakit ang sugat ko at ang likod ko dahil sa nang yari. Wala pa naman pero ilang beses na ako nasasaktan ng physical. Ang hirap ko ba talagang tanggapin? Wala naman akong ginagawang masama? Naging mabuti ako pero bakit kailangan ko makaranasnng ganito? Ang hirap hirap. Hindi ko magawang sumaya tulad ng kasing edad ko. Simula nawala si Mommy? Naging ganito na ang buhay ko. Ang hirap hirap na kumilos. "Here." nagulat ako ng makita ko si Sir. Samuel. "Umiyak ka lang ng umiyak," tinanggap ko ang panyo na binibigay sa akin. "Sorry sa pinsan ko. Na aksidente kasi s'ya dahil sa girlfriend n'ya. Nahuli n'ya na nang lalaki," nagulat ako sa sinabi nito, "matagal na namin sinasabi sa kan'ya pero bulag 'e. Kaya ayan, tuluyan na nabulag." "A-Alam ba ng girlfriend n'ya ang nang yari sa kan'ya?" tumango 'to sa akin. "Oo. Sinabi namin pero wala 'tong pakialam. Hindi man n'ya dinalaw sa hospital ang pinsan namin." "Ang sama n'ya. Bakit n'ya nagawa 'yun?" hindi ko maiwasan itanong. Pinunasan ko ang luha ko. "Kaya pasensya na ha?" tumango ako dito. "Kailangan ko mag tiis. Gusto ko umalis sa bahay, gusto ko umalis dito. Ayoko sa bahay." nakangiting sagot ko dito. "Tinulungan ako nila Ma'am Stevie at Sir. Scott dahil sa nang yari kagabi." "Bakit ano ba meron?" "My step sister's guy friends are sleeping in my dad's house. Binabalaan nila ako na wag ko i-lock ang pinto para makapasok sila. Noong una, hanggang doon lang. Hanggang kagabi, kumatok na sila ng kumatok kaya naman dumaan ako sa bintana para makaalis doon." Tumingin ako dito at mukang hindi s'ya makapaniwala sa kwento. "Your Dad? Where is he? Sinabi mo ba sa Step mom po?" umiling ako dito. "Pag sinabi ko? Hindi naman ako kakampihan. Baka saktan pa ako and my dad is an OFW. Wala s'yang alam kung ano nang yayari sa akin," malungkot na sabi ko. "I am mad at him for leaving me with them." "S-Sorry." "Kaya pala sabi ni Tita hindi ka nakakapag aral dahil hinaharang ng Step mom mo?" tumango ako dito. "Hindi ko alam anong maling ginawa ko para pahirapan ako ng ganito. Hindi na nakakain ng maayos, hindi makatulog sa gabi, laging pagod," tumulo muli luha ko. "S-Simula namatay si Mommy hindi na ako naging masaya pa," pinunasan mo muli ang luha ko. "Wala ka ba ibang kamag anak?" "Nasa manila ang parents ni Mommy. Hindi ko alam kung saan doon dahil wala naman ako communication sa kanila simula nawala si Mommy," napatango 'to sa akin. Hindi ko maiwasan i kwento sa kan'ya ang buhay ko. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi s'ya umalis doon at sinamahan ako. "First year college ka?" tumango ako dito. "I-Ibig sabihin eighteen ka pa lang?" "Oo, bakit?" umiling 'to sa akin. "May lahi ka ba?" "I am one fourth Korean, one fourth Am and half Filipino," totoong sagot ko dito. I have a long light brown hair plus singkit na mata. I have white skin na ngayon ay halos maging kayumanggi na dahil sa pag tra trabaho ko sa bukid. I an 5'5 typical na normal na height para sa mga babae. Maraming nag sasabi na perpekto daw ang katawan ko. Kamukha ko daw ang Korean Actress na si Suzy Bae. Matangos na maliit ang ilong ko, brown ang mga mata at mapupula ang mga labi. Nang dumilim ay bumalik na kami sa bahay. "Asa kwarto na s'ya," "Sorry, Ate Sam." "Ayos lang 'yan. Inintidihin mo na lang dahil may pinag dadaanan," tumango ako dito. "Sir. Samuel." humarap ako dito. "Maraming salamat po---" "What? Sir? Samuel na lang!" tumawa ako ng mahina dito. "Opo, Samuel." ginulo nito ang buhok ko. "Dalin mo na pag kain n'ya. Nasa kusina kasama pag kain mo," tumango ako at saka huminga ng malalim. Kailangan ko tatagan. May problema lang s'ya kaya ganito s'ya. Hindi dapat ako pang hinaan pa ng loob. Pumunta ako sa kusina at kinuha ang tray kung nasaan ang pag kain namin pareho. Lumabas ako at saka nag lakad papunta sa hagdan. Dumiretso agad ako paakyat at saka pumunta sa kwarto nito. Tinulak ko 'to at saka pumasok sa loob. Malamig ang kwarto n'ya at hindi ko alam bakit ganito. Katulad n'ya din, malamig din s'ya. "Keithryn?" nagulat ako dahil nalaman n'ya agad na ako 'to. Dumiretso ako sa isang table sa malapit sa kan'ya at nilapag ang pag kain n'ya. "Kumain ka na." "Y-You are not mad?" tumitig ako sa kan'ya. Hindi n'ya naman mapapansin na nakatitig ako sa kan'ya dahil bulag s'ya. "Hindi po." Pumunta ako sa pwesto nito. "Hindi ako pwedeng magalit dahil bawal. Kailangan kita alagaan hanggang hindi ka pa nakakakita," sagot ko dito. "Kaya sorry kung ganito ako ha?" Ngumiti ako. "Kumain ka na. Susubuan kita dahil isda ang ulam," hindi 'to nag salita sa akin. Inalalayan ko s'ya paupo sa upuan. "Pwede ba sabay tayo kumain?" "Gawin mo gusto mo." napangiti ako sa narinig ko sa kan'ya. Kaya naman sinusubuan ko s'ya habang kumakain ako. Wala naman akong narinig mula sa kan'ya. Pinunasan ko din ang katawan nito bago s'ya mahiga sa kan'yang kama. Pumasok si Samuel sa loob at kinuha ang pinag kainan namin ni Sir. Kurt. Nag thumbs up ako dito para sabihin na maayos ang lahat. Kinuha ko ang kumot nito. "Tawagin mo ako pag kailangan mo ko---" "Hindi kita kailangan." ngumiti lang ako dito. "Hindi ko alam ano pinag dadaanan mo. Pero gusto ko lang sabihin sa'yo na walang dahilan para huminto ka. Nawalan ka ng paningin pero nand'yan pa rin sila---" "Wala kang alam kaya manahimik ka," "Wala akong alam pero nawalan ako. Nawalan ako ng ina noon pero hindi 'yun dahilan para huminto ako." Inayos ko ang kumot nito sa katawan n'ya. "Kung may nawalang tao sa'yo? Dapat ka mag pasalamat kasi masaya na sila. Tulad ko, masaya si Mommy sa taas kasi hindi na s'ya nahihirapan---" "Hindi ako namatayan kaya pwede ba?!" muli n'yang tinampal ang kamay ko. "Your girlfriend left you because she is with someone now. You should be thankful dahil nalaman mo na hindi s'ya para sa'yo--" "Mahal ako no'n---" "Ang pag mamahal ay hindi gano'n, Sir. Kasi kung mahal ka ng tao? Mas iisipin ka n'ya. Hindi ka sasaktan ng ganito." muli kong binalik ang kumot sa katawan n'ya. "Swerte ka dahil kumpleto pamilya mo. Nawalan ka lang ng girlfriend pero hindi ka namatayan. Dahil mas masakit ang malagasan ng pamilya kaysa maiwan ng walang kwentang tao." Mabilis akong umalis doon pag katapos kong sabihin 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD