Nagising ako ay nasa Inn muli ako. Nakita ko si Raoul na nakaupo lang sa tabi ko habang nakapikit ang mga mata nito. Dahan dahan akong umupo at saka bumaba ng kama. Tumingin ako kay Raoul na mukang mahimbing ang tulog kahit na gano'n ang ayos. Lumabas ako ng Inn at saka luamabas ng room namin. Dumiretso ako papuntang elevator at saka sumakay doon. Hinintay ko bumaba ang elevator at saka lumabas sa lugar na 'yun. Hindi ko alam saan ako pwedeng pumunta. Lumabas ako ng Inn at saka nag lakad lakad. Pinag masdan ko ang buong paigid at napangiti ng malungkot. Pumara ako ng triskel para mag papahatid sa Sta Cruz. Med'yo may kalayuan dahil nasa malapit kami sa walter pero kung dadaan kami sa bayan ay mas malapit. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong pumasok sa loob at umupo sa sofa.