Lumabas na ako ng kwarto ko ay sakto naman na andito na ang Secretary ni Kurt kasama ang mga kasambahay. Pumasok sila sa loob ng kwarto na tinutuluyan ko at saka nilagay ang mga gamit na pinamili sa akin ni Kurt.
Pumasok na ako sa kwarto ni Kurt at agad naupo sa tabi n'ya.
"Gusto mo mag simba bukas?" I asked him.
"Sure! Ayoko sa tabi ha? Gusto ko doon tayo sa Divina Pastora."
"Sure! 'Yun lang pala."
Wala na nag salita sa aming dalawa. Kaya naman umayos na ako ng upo. Hindi ko din alam ano sasabihin ko sa kan'ya.
Ang ganda talaga ng mga mata n'ya ang kaso lang nabulag. Bagay kaya sa kan'ya ang mga mata ko? Kung mga mata ko kaya ibigay ko sa kan'ya?
Tutal wala din naman mag babago sa buhay ko. Sa kan'ya maraming mag babago. Isa s'yang anak ng isang businessman kaya marami pa s'yang magagawa habang ako? Nakakulong lang sa lugar na 'to. Hindi na makakaalis pa.
"W-Wag ka sana magagalit."
"Ah? Bakit?" huminga 'to ng malalim.
"I told my Secretary to find your Grandparents. Alam ko naman na nahihirapan ka dito," hindi ko alam ang sasabihin ko dahil nauna ang gulat ko.
"H-Hindi mo na dapat pa ginawa 'yun---"
"Are you mad?"
"H-Hindi. Nakakahiya lang kasi dahil ang dami n'yo na naitulong sa akin tapos pati doon, nakatulong ka pa rin. Hindi ko na alam paano pa mababayaran lahat ng magagandang nagawa mo at ng pamilya mo." ngumiti lang sa akin 'to.
"Just stay with me. That's all I want."
Ayoko mangako. Hindi dapat ako mangako sa kan'ya dahil hindi ko alam kung magagawa ko ba ang bagay na 'yun.
"Say it."
"S-Sorry," nawala ang ngiti nito sa labi, "Ayoko mangako, Kurt. Dahil hindi ko alam kung magagawa ko ba o ano---"
"Then you should leave now!" nagulat ako ng bigla s'yang sumigaw sa harapan ko. "Kung aalis ka din edi sana umalis ka na ngayon agad!" hindi ko maiwasan mapaantras dahil doon.
Kitang kita ko ang galit sa kan'yang mga mata. Bumaba ako sa kama sa takot ko na baka itulak n'ya ako.
Dapat pala hindi ko na lang sinagot. Ngayon, galit na s'ya sa akin. Maayos na sana ang trato n'ya sa akin.
"S-Sorry, Kurt." nanginginig na tugon ko dito. "Ayoko kasi mangako baka---"
"I SAID LEAVE!"
Napaantras ako at napapikit. "H-Hindi kita pwedeng iwan dahil kakain ka pa saka iinom ng gamot---"
"Hindi mo ba ako naiitindihan ha?" tumulo ang luha ko.
Napayuko ako. "G-Gagawin ko naman ang lahat. W-Wag mo lang ako paalisin. G-Gagawin ko lahat p-para hindi ako umalis sa tabi mo---"
"Really?" napaangat ako ng mukha ko. "You will do anything?"
"O-Oo." nanginginig na sabi ko.
"Kiss me." nanlaki ang mga mata ko dahil doon. "Kiss me now."
"K-Kurt, b-bakit? Hindi pwede!" agad na sigaw mo sa kan'ya.
"Edi umalis ka na. Bumalik ka sa in'yo---"
"Kurt." lumapit ako sa kan'ya.
Hindi pwede. Ayoko sa bahay dahil papahirapan lang nila ako.
"S-Sige na oh---"
"Sleep with me everyday."
"Seryoso ka ba sa gusto mo? Hindi ako pwede abutan ng mga pamilya mo dito sa loob ng kwarto mo na natutulog dahil baka magalit sila sa akin." dire diretso ang pag sasalita ko.
"Mas matakot ka sa galit ko dahil pwede kitang paalisin," napahikbi na ako sa harapan n'ya. "Gabi gabi ka matutulog sa tabi ko. Wala akong gagawin na masama sa'yo, kahit ano." seryosong dugtong pa nito.
"B-Basta may unan sa gitna ha?" tumango s'ya sa akin. "S-Sige."
Nagulat ko ng bigla n'ya na ako hilahin at nahiga kami pareho sa kama. Agad n'yang pinatong ang kan'yang binti sa hita ko. Pumapalag ako sa kan'ya pero sad'yang ayaw n'ya ako pakawalan.
"Wag ka na pumalag. Malakas ako sa'yo," natutuwang sabi pa nito.
Maya maya ay bumukas ang pinto ng kwarto n'ya. Umikot ang kan'yang kamay sa baywang ko kaya mas napalapit ang katawan ko sa kan'ya.
"Sir. Nandito na ang pag kain n'yo. Gabi na po at kailangan n'yo uminom ng gamot." magalang ang salita nito at hindi man kami binigyan ng sulyap.
"Just put it in the table."
Hiyang hiya ako sa pwesto namin ni Kurt. Hindi ko alam bakit nandito ako.
Oo nga pala takot ako. Takot ako bumalik kung saan ako galing dahil baka mapano ako. Kaya wala akong choice kaya nandito ako.
"Sana nakikita ko kung gaano ka kaganda ngayon," napahinto ako sa pag palag ko dahil sa sinabi n'ya. "Sobrang ganda mo kahit hindi ko nakikita ang mukha mo." huminga ako ng malalim.
Nilapit n'ya ang kan'yang muka sa akin kaya inantras ko ang ulo ko.
Nang hihina ang katawan ko dahil sa init ng kan'yang katawan. Ang bilis pa ng t***k ng puso ko na para bang gustong gusto lumabas sa dibdib ko.
Tumama ang ilong nito sa ilong ko. Halos maduling ako dahil sa nang yayari.
"G-Gugutom ba ako--"
My body frozed when I feel his lips against mine. Hindi ko magawang makagalaw dahil sa gulat. Hindi ko alam ano gagawin ko dahil halos t***k ng puso ko na lang ang naririnig ko.
Hindi n'ya pa nilalayo ang labi n'ya sa labi ko. Kinagat n'ya 'to kaya naman napaawang ang labi ko dahil bakit nakapasok ang kan'yang dila sa loob.
Agad ko s'yang tinulak at lumayo sa kan'ya.
Napailing ako sa sarili ko. Bakit ko hinayaan na gawin sa akin 'yun. Tumingin ako kay Kurt na dinidilaan ang kan'yang labi.
"B-Bakit mo ginagawa sa akin 'to?" ngumisi 'to sa akin.
"Why not?"
"Ano ba talaga intensyon mo sa akin?" madiin na tanong ko dito.
Gusto na tumulo ng luha ko dahil sa nang yari pero pinigilan ko. Sumeryoso ang kan'yang muka.
"Do you think I am a fool? I know what do you want, Keithryn. Nag papaawa ka sa pamilya ko para makapasok sa buhay namin. Hindi ako gano'n katanga," tumulo ang luha ko dahil sa narinig ko.
I am not that kind of person. I have a dreams pero hindi o kailanman ako gumamit ng tao para lang matupad 'yun.
"Gusto mo mahulog ako sa'yo para ano? Maging Nievez ka at makaahon sa buhay na meron ka? Mauuto mo ang pamilya ko pero ako hindi," tinakpan ko ang bibig ko para hindi ako mapahikbi.
Parang may bumara sa lalamunan ko na kung ano dahil sa narinig ko. Nahusgahan ako kahit wala naman akong ginagawang mali. Nahusgahan ako sa buhay na meron ako.
Hindi ko ginusto ang nang yayari sa akin.
"Tama ako hindi ba? Nag paawa ka pa sa mga pinsan ko? Ang kapalit lang naman ng lahat ng 'yun ay punan mo ang pangangailangan ko," nanginginig ang katawan ko sa naririnig ko.
Ang lalaking ginusto ko na hindi ko aakalain na ganito ang pagkatao. Hindi ko ibababa ang dignidad ko para dito.
"Kung hindi mo lang din naman kaya ibigay? Bumalik ka na kung san ka galing---"
Mabilis akong tumakbo paalis doon at saka pumasok sa kwartong tinutuluyan ko.
Nanginginig ang katawan ko sa sakit. Hindi ko maiwasan matulala sa nang yari.
Grabi ang insultong natanggap ko sa kan'ya. Hindi dapat ako nahuhulog sa gano'ng tao. Hindi dapat. Pero gustong gusto ko s'ya noon pa man.
Niyakap ko ang katawan ko at pumasok sa isipan ko ang kan'yang gusto.
Hindi ako gano'ng babae.
Gusto ko lang naman gumanda at umayos ang buhay ko. Gusto ko lang naman malayo sa impyernong bahay na 'yun.
Akala ko magiging maayos na pero hindi ko aakalain na ganito. Kilala ang pamilya nila na mababait pero hindi ko aakalain na makakarinig ako ng gano'ng salita.
Nagulat ako ng mag ring ang cellphone na binigay sa akin ni Kurt. Pinunasan ko ang luha ko at saka huminga ng malalim.
Parang gusto ko na lang tumira sa bahay na 'yun kaysa dito.
Sinagot ko na ang tawag saka tinapat sa tenga ko.
"How's my son, Keithryn?"
"M-Ma'am---"
"Tita, Keithryn. And what was that voice?" napapikit ako.
"S-Sorry po pero ayoko na po, ma'am. I-Ibabalik ko na lang po 'yung pera na binigay n'yo kay Tit--"
"What? Wait! Binigyan ko ng Sixty thousand ang Tita mo! Kaya paano mo agad agad mababalik 'yun?" napahikbi ako.
For sure nagastos na nagastos 'yun. Lalo na timawa sa sugal ang step mom.
"M-Magtra- trabaho po ako sa bukid n'yo! Kahit ano po! B-Basta wag lang po malapit kay S-Sir. Kurt." nang hihinang sabi ko.
"Uuwi kami ngayon d'yan!" mabilis namatay ang tawag.
Pinunasan ko ang luha ko at saka nag simula na mag ayos ng gamit.
Kinuha ko ang iba. Wala akong kinuha sa mga binili n'ya at saka lumabas sa kwartong 'yun. Siguro babalikan ko na lang ang bukas.
Nakasalubong ko pa ang Secretary ni Kurt pero hindi ko pinansin. Tuloy tuloy ako sa pag alis hanggang sa makalabas ng bahay.
Nakahinga ako ng maluwag at saka tumawid. Andoon ang mga kaibigan ni Ate Gellie pati ang mga nag tatangka sa akin.
Papatunayan ko sa kan'ya na wala akong pakielam sa mga sinasabi n'ya. Hindi ako gano'ng tao dahil pinalaki ako ng parents ko ng mabuting tao.
"Anong sinabi mo sa ama mo ha?" nagulat ako sa salubong ni Tita sa akin.
Isang malakas na sampal agad ang binigay nito sa akin.
Bakit kahit saan ako mag punta ganito ang nang yayari? Wala na ba akong karapatan sumaya?
"Anong sinabi mo?!"
Kinulong nito ang muka ko sa isang kamay n'ya.
Hinang hina na ako. Gusto ko na sumuko sa walang kwentang buhay na 'to. Bakit na ganito? Bakit ang hirap hirap.
"W-Wala po."
Bumitaw 'to sa akin at muling isang sampal na malakas ang binigay sa akin.
Nalasahan ko na ang sariling dugo ko. "Saka bakit ka nandito? Bumalik ka doon! Tapusin mo ang trabaho mo!"
"D-Dito po muna ako---"
"Edi mag luto ka!" agad akong tinulak nito at tumama ang ulo ko sa isang matigas na kaho.
Napapikit ako dahil sa tama. Nahihilo ako at masakit ang noo ko. Hinawakan ko 'to at saka ko lang napansin na may dugo.
Nagulat ako ng hilahin pa ako nito sa braso kung nasaan ang malalim na sugat ko.
"M-Mag luluto na po ako. Tama na po, pakiusap!"
"Oh sige! Bilisan mo! Nakakairita pag mumuka mo!"
Kahit hirap na hirap ako ay tumayo ako. Pumunta ako sa kusina para makapag luto na ng maayos. Mabilis ba luto ang ginawa ko at saka nag saing. Natapos 'yun ay pumunta na ako sa kwarto ko.
Inayos ko ang bintana ng kwarto ko. Hindi naman siguro nila 'to nakita 'no?
Binuksan ko 'to.
Hindi ko hinayaan ang sarili ko matulog dahil nandito na naman ang barkada ni Ate Gellie. Baka mapano ako.
Nanginginig ang katawan ko. Walang humpay ang pag tulo ng luha ko.
Alam kong hating gabi na dahil wala na ako naririnig pa sa labas. Sakto naman non ay ang pag galaw ng doorknob ng pinto ko. Agad akong dumaan sa bintana.
Dahan dahan ang lakad ko pero nagulat ako ng makita ko ang kaibigan ni Ate.
Takot agad ang namuo sa dibdib ko.
"Hindi ka na makakatakas sa amin," napalunok ako sa takot.
"Ano nand'yan ba?" natatawang sabi pa ng isa.
Napaantras ako pero agad nito hinulinang braso ko at tinakpan ang bibig ko.
"Tangina ka! Ang tagal ko na nag lalaway sa'yo!"
"Hmmm! Hmmm!"
Bumuhos ang luha ko. Nararamdaman ko ang hawak nila sa maseselan parte ng katawan ko.
Narinig ko na lang ang pag kapunit ng tee shirt ko.
Kinagat ko ang kamay nito at saka sinipa ang isa.
Hinang hina akong tumatakbo.
"Tulong! Tulong!" malakas na sigaw ko.
"Hulihin mo gago! Baka makawala 'yan!"
Bigla akong nadapa. Wala na, eto na.
"Sige! Subukan n'yo galawin 'yan?" napaangat ako ng ulo ko.
Tuloy tuloy bumuhos ang luha ko. Dahan dahan akong naupo at dinaluhan ako ni Sir. Scott.
"Hulihin n'yo 'yan at dalin sa presinto!"
Hindi ko alam na may kasama pala s'ya. Binaba nito ang kan'yang baril at saka nilagay ang coat sa katawan ko.
Sabay non ang pag buhat sa akin. "S-Salamat po," nanginginig pa rin ang katawan ko.
"W-What's happening to her?!"
'Yun ang huling narinig ko bago ako tuluyan mawalan ng malay.