Chapter 7

1867 Words
Nagising ako ay kulay abo na kisame ang bumungad sa akin. Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto at dahan dahan bumangon. Nasaan ako? Hospital? Biglang pumasok sa akin ang nang yari kagabi. Mabilis ako napayakap sa sarili ko, nag simulang manginig ang buong katawan ko. Nararamdaman ko pa rin ang kanilang kamay sa maseselang parte ng katawan ko. Bumuhos ang luha ko. Muntik na, muntik na. Hindi ko alam ano gagawin kung sakaling mang yari 'yun. Sirang sira na ang buhay ko at hindi ko alam kung makakabangon pa ba ako. Kahit saan ako nag punta ay ang gusto nila ay katawan ko. Si Kurt... Kaysa naman ibang tao hindi ba? At least magiging okay ako sa kan'ya. Hindi n'ya ako pinilit. Kaysa iba pa ang mag tangka sa akin. Niyakap ko na mas mahigpit ang katawan ko. Bakit nang yayari sa akin 'to? Dapat sinama na lang ako ni Mommy sa kan'ya. Bakit naging ganito ang buhay ko simula ng umalis s'ya? Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nagulat ako ng makita ko si Tita Stevie. Biglang pumasok sa isipan ko ang ala- ala. Si Sir. Scott ang nag ligtas sa akin sa pangalawang pag kakataon. Iniwas ko ang tingin ko dito. Pagod ako not physically but emotionally. "Keithryn..." tumingin ako dito, "You must be shock. B-But you need to cooperate to police, okay?" tumango ako dito bilang pag sang- ayon ko. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nakita ko si ate Gellie na galit na galit sa akin kasama si Tita Antonette. May nakasunod ditong dalawang lalaki na mukang pinipigilan sila. "Ikaw! Nilandi mo ang boyfriend ko saka ang kaibigan n'ga kaya gano'n! Malandi ka! Ilang beses mo sila inaaya sa kwarto mo tapos---" "You shut up!" malamig na sabi ni Tita Stevie dito. "We are going to talk her father. We will sue you for hurting her physically---" "Hoy! Wala kang ebidensya---" "Neighbors will be her witness." Natahimik ang mag ina dahil sa sinabi ni Tita Stevie. "Palamunin lang kayo ni Keithryn. Kaya wala kayong karapatan na saktan s'ya." pinunasan ko ang luha ko. Umalis na silang lahat at kaming dalawa ni Tita Stevie ang natira. Agad 'tong lumapit sa akin at hinawakan ang pisnge ko. "Dapat hinintay mo kami makabalik, ija." Ang mga insulto ni Kurt sa akin ang nag dala dito. Ang nga masasakit na salita kay bumalik ako sa bahay. Ayokong iniinsulto ako. Hindi ako gano'ng tao. Pero kailangan ko maging safe. Ibibigay ko ang pangangailangan n'ya kapalit ng tahimik na buhay ko sa kanila. "Eto na, madame." May pumasok na isang lalaki at binigay kay Tita Stevie ang cellphone. Inabot nito sa akin at saka nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Daddy. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kan'ya. "It is true? You seduce your step sister's boyfriend and friend?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi man n'ya ako tinanong kung ayos lang ako? Hindi man n'ya ako tinanong kung ano kalagayan ko at ganon talaga agad ang bungad? Tumulo ang luha ko. "'Yun ang sinabi nila sa'yo---" "Just answer my question, Keith! Bakit mo ginawa 'yun?" umiling ako dito. Hindi na ako nakapag salita dahil sa judgment ni Daddy sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba sabihin ang totoo? Mas naniniwala sya sa kabila kaysa sa side ko. Mabilis ko pinatay ang tawag at saka bumalik sa pag kahiga. "Keithryn?" Hindi ko pinansin ang tawag nito sa akin. Ayokong makausap si daddy, kahit kailan. Ayoko na din makita pa s'ya. Dahil pakiramdam ko mas pinili n'ya pa ang mga taong 'yun kaysa sa akin. Ako na lang talaga mag isa. "We will sue them, okay? We are going to help you," huminga ako ng malalim. Ilang test ang ginawa sa akin bago kami makauwi sa bahay ng mga Nievez. Sa sala ay nandoon ko si Kurt na tahimik na nakaupo sa sala. Gagawin ko ang gusto n'ya kapalit ng kaligtasan ko. Kapalit ng matitirhan at makakain. Ngayon? Wala na ako kakampi. Dahil para na akong tinapon ni Daddy at pinili ang dalawang 'yun. Kakayanin mo mag isa kahit wala s'ya. Hindi ko na kailangan s'ya sa buhay ko. "Keithryn, pumunta ka muna sa kwarto mo. Mag pahinga ka muna." huminga ako ng malalim saka dumiretso sa hagdan. Agad akong pumunta sa kwarto at pumasok doon. Binagsak ko ang katawan ko doon at saka pinikit ang mga mata ko. Pagod na pagod na ako. Niyakap ko ang sarili ko para maibsan ang takot. Tumutulo ang luha ko habang nilalabanan ko ang takot. Parang isang masamamg panaginip na ayaw mo na muling maalala o mang yari pa. Nanginginig pa rin ang katawan ko. Mabilis akong bumaba ng kama at kinuha ang kumot. Agad akong pumunta sa sulok ng kwarto at saka kinumutan ang sarili ko. Pinikit ko ang mga mata ko. "Wala na sila. Kaya mo 'to, Keith. Kayanin mo." huminga ako ng malalim. Napatingin ako sa pinto dahil nakita ko ang pag galaw ng door knob. "Wag! Ahhhh!" Mabilis akong tumayo at saka pumunta sa bintana. Mataas ang babagsakan ko. Ilang katok pa ang narinig ko. "Hindi! Wag! Ayoko!" sigaw ko dito. Pumasok ako sa closet at ni- lock ang sarili ko. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi ako makalikha ng tunog. Nanginginig ang katawan ko sa takot. "Keithryn?" "N-No." nanginginig ang boses ko. Bumukas ang closet. "WAG! PLEASE! WAG!" "Keithryn! Tita Stevie 'to!" mabilis akong umiling. Hindi ko makalimutan kung paano nila pinunit ang damit ko. Hawakan ang maseselan na parte ng katawan ko. "N-No..." "Call the doctor now!" sigaw ni Tita Stevie. "P-Please, w-wag." Halos hindi ako makahinga dahil sa takot. Hanggang sa mawalan ako ng malay. Nagising ako ay mag isa na lang ako sa kwarto. Bumaba ako sa kama at saka dumiretso sa pinto. Binuksan ko 'yun ng malaki at saka nilagyan ng harang para hindi mag sara. Nag lakad ako palayo doon at saka bumaba ng hagdan. "W-What?" "Panic heart attack ang nang yari sa kan'ya. Siguro dahil sa nang yari. Nasa isip n'ya 'yun at mukang hindi lang isang beses nang yari 'yun." Dumiretso ako sa pababa at napatingin sila sa akin. Lumapit sa akin si Tita Stevie at saka hinawakan ang kamay ko. Dinala ako nito sa sofa. "Kailangan n'ya ng psychiatrist. She's traumatized. Kaya siguro natakot s'ya sa pag bukas ng pinto at katok dahil..." hindi nito natuloy ang nasabi n'ya. "Naiintindihan namin." si Tita Stevie na ang sumagot. Kaya naman kinabukasan ay dapat ako pumasok sa school pero hindi ko ginawa. Sinabi ko na din kay Tita Stevie na ayoko mag aral. Narinig ko na tuluyan na nakulong ang dalawang lalaking nag tangka sa akin. May nakakita daw sa nang yari at si Tito Scott ang isa sa mga witness kaya naman statement ko na lang hinintay. Tahimik akong nasa kwarto ni Kurt. "Bakit nandito ka? Hindi ba dapay pumapasok ka ngayon?" "Hindi na po ako mag- aaral." normal na sagot ko dito. Kahit kumpleto ang tulog ko ay pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Dumating ang break fast nito at ako na nag pag kain dito. Agad naman nito tinanggap ang mga sinusubo ko. "Hindi ka dito natulog kagabi?" "And'yan po sila Ma'am and Sir. Ayoko po may isipin sila." agad nito tinabig ang kamay ko. "Aalis na sila mamaya. Kaya matutulog ka na sa tabi ko." "Opo." diretsong sagot ko dito. Wala na akong choice. Dito ligtas ako, kahit sira na ang buhay ko? Walang mananakit sa akin dito. Tinanggap n'ya na ang sinusubo ko. Pinainom ko 'to ng gamot at saka lumabas na ng kan'yang kwarto. Bumaba ako sa kusina at saka doon ako kumain. Hindi ko alam nasaan sila Tita Stevie. Iilang guards ang nandito at ang dalawang kasambahay. Uminom na ako ng tubig at saka umakyat sa taas. Pumunta ako sa kwarto nito. Nakahiga na 'to at nakapikit ang mga mata. Umupo ako sa sofa at saka doon nahiga. Tinignan ko lang s'ya habang nakapikit. Ano kaya iniisip n'ya? Wala s'yang alam sa nang yari sa akin. Siguro okay 'yun, ayokong maawa s'ya sa akin. Dahil kaya n'ya lang naman ako tinanggap dahil naawa s'ya sa akin. Kaya ayokong malaman n'ya pa. Bumukas ang pinto ni Kurt at agad akong napaupo. Pumasok sila Tita Stevie na ngayon ay nakaayos na at isang Doctor. "Keithryn, can we talk for a while?" tumango ako dito at agad sumunod sa palabas ng kwarto. "You need to attend in your session. You were trauma---" "Hindi na po. Kaya ko naman po ang sarili ko," tinitigan ako nito. "Sobra sobra na po naitulong n'yo sa akin. Ayoko na po tumanggap pa dahil baka hindi ko na mabayaran pa---" "Keithryn, hindi kita sinisingil sa mga binibigay ko sa'yo." "Kasi po naaawa kayo sa akin." napayuko ako sa kan'ya. "Okay na po. H-Hindi na po talaga kailangan." hinaplos nito ang pisnge ko. "Naiintindihan ko, Ija. If you are having a hard time? Just tell me, okay?" tumulo ang luha ko saka tumango dito. Si Daddy, kahit isang beses hindi ako tinanong kung magiging okay ba ako dito. Hindi n'ya hiningi ang desisyon ko sa bawat desisyon n'ya. Iniwan n'ya ako sa pamilyang 'yun walang ginawa kung hindi saktan ako. Napahagulgol ako sa harapan ni Tita Stevie. "I miss my mom..." nanginginig ang boses kong niyakap 'to. Hinaplos nito ang buhok ko habang tahimik akong umiiyak sa dibdib n'ya. "Hindi ka na nila masasaktan." Pag katapos n'ya ako patahanin ay pumasok na ulit kami sa kwarto. Kinausap naman ni Tita Stevie ang Pyschiatrist. Umalis sila sabay sabay hanggang sa maiwan na lang kami ni Kurt sa kwarto n'ya. "Pupunta lang ako sa cr," paalam ko dito at agad ma lumabas ng kwarto. Pumasok ako sa kwartong tinutuluyan ko at saka nag hilamos. Pinusot ko na ang mahabang buhok ko at saka nag punas. Bumalik ako sa kwarto ni Kurt at umupo sa sofa. "Umalis na sila Mommy?" "Siguro. Hindi ko alam dahil nandito ako," normal na sagot ko dito. Nakinig lang s'ya ng music habang nasa loob s'ya ng kan'yang kwarto. Ako naman ay tahimik lang s'ya pinag mamasdan at nag hihintay na mag utos. Dumating na ang lunch namin pareho at saka kami kumain. Sabay kami kumain tulad ng ginagawa ko noong isang araw. Nang ginabihan ay inayos ko s'ya. Nilinis ko ang kan'yang katawan at saka pinalitan ng damit. "Ayoko mag damit." pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan s'ya, "Pumasok ka bukas ng umaga. Sayang mga binili ko---" "Hindi ko kailangan ng mga binili mo," agad na putol ko sa kan'ya. Malamig ang boses ko at sana alam n'ya ang gusto ko iparating sa kan'ya. "Gagawin ko lahat ng gusto mo pero sana wala na akong maririnig sa'yo na masasakit na salita. Saka? Hindi ko kailangan ng pera o ano galing sa 'yo," malamig ang boses ko habang nag sasalita. "Then, good. Matulog ka na dito sa tabi ko." Alam ko naman na wala na akong magagawa pa. Nilagyan ko ng unan ang gitna namin at saka humiga. Tumalikod ako sa kan'ya. "Mag- aral ka and I am sorry." pinikit ko ang mga mata ko at saka tahimik na umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD