Kabanata 1

1113 Words
Dumating ang order ko na kinangiti ko. “Hala, thank you po! I will give you a five star po! May f*******: page po ba ang store n’yo?” “Yes po, Ms. Lailana!” my eyes widened. “You know me?” I asked, sadly. “Sino po ba hindi nakakakilala sa in’yo?” nahihiyang sabi nang babae kaya naman nalungkot ako. Akala ko hindi nila ako kilala. Kilala din pala ako. Kaya naman tumingin ako sa pagkain ko. Mainit pa at talagang makikita mo ang usok ng init. “Sige, I will find na lang later, once I get home.” she nodded to me. Napansin n’ya siguro na malungkot ako kaya hindi na s’ya nagtanong. Kaya naman tahimik na ako kumakain. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa sobrang sarap ng steak nila! Oh gosh! For only one hundred fifty pesos! Eto na ‘yong lasa! Mas gusto ko pa ‘to kaysa sa mamahaling steak doon sa kinakainan namin. Grabe! Sa bibig pa lang ay nanunuot na ang sarap. Nagulat ako nang biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko ‘yon sa wallet kong malaki saka sinagot ko. “LAILANA!” Halos mapatalon ako sa gulat sa sigaw ni Kuya Jm. Napatingin sila sa akin dahil doon. “I am sorry.” mahinang sabi ko sa kanila. “Kuya Jm, please? Lower your voice. I am eating kaya!” naiinis na sabi ko dito. “Napatingin na sila sa akin dahil sa lakas ng voice mo.” sumubo ako after ko magsalita. “Susunduin na kita d’yan, Lailana! Napakatigas ng ulo mo kahit kailan! Hindi ka na talaga nagtatanda ha!” I didn’t say anything. Basta kumakain na lang ako. “Wag kang aalis d’yan.” “Okay.” Baliwalang sagot ko. Kumain pa ako nang kumain hanggang sa naubos ko na ang isa. Ininom ko ang tubig ko, kinuha ko ang isang inorder ko. Hindi na masyadong mainit at kaya naman sinimulan ko na kainin. Tuwang tuwa ako habang nilalasap ko ang pagkain. Tinawag ko pa ang naghatid ng pagkain dito sa taas para umorder pa ako nang isa. Binigay ko agad ang bayad ko at saka nagsimula pa kumain. Tuwang tuwa ako dahil sa sarap. I heard some blockmates before. Masasarap daw ang pagkain sa mga street foods. I want to try the street foods also, pero hindi ko alam saan pwedeng bumili noon. Napanood ko naman sila sa youtube, sa mga mayayaman na vlogger. They are eating bituka and dugo? Kitang kita ko kung paano nila kainin at masarapan doon. May balot pa at pinapakita nila ang sisiw, it’s so kadiri pero sarap na sarap sila. May mga chicken feet pa! But I know chicken feet in sinampalukan! Ate Ellie cooked us and Adobong chicken feet! Yummy and spicy, kaya alam ko ‘yon. Pero hindi ko alam na street foods din pala ‘yon. Dumating na ang order ko, ubos na ulit ang pagkain ko. “Thank you, po!” masayang sabi ko dito. Maya maya ay may naupo sa harapan ko. Nagulat ako dahil nandito na si Kuya Jm. I smiled at him pero inirapan lang ako nito at mukhang inis na inis. “Naubos mo ang dalawang ‘to?” Agad akong tumango habang kumakain. Hindi s’ya makapaniwala dahil doon. Bakit? Hindi naman kasi ako malakas kumain sa bahay, minsan lang naman. Depende siguro sa mood ko. One rice lang ako always pero ngayon? Pang-three ko na ‘to kaya naman mukhang hindi makapaniwala si Kuya Jm. Sinubuan ko s’ya at tinignan ko ang itsura n’ya. “Kuya Jm, ‘yung steak nila is mura lang tapos super sarap! Take out mo ko!” “Tsk!” Binigay ko ang maraming sukli ko at agad n’ya kinuha ‘yon. Umalis na s’ya at naiwan ako mag- isa sa table ko. Masaya akong kumakain hanggang sa naubos ko. Umakyat na si Kuya Jm, nakasimangot ang mukha nito. “Kuya Jm, ten minutes lang ha? I am so full na talaga.” Nilabas n’ya ang cellphone n’ya at agad tinawagan ang asawa n’ya. Si Ate Ellie, nakangiti agad ‘to nang marinig n’ya ang boses ng asawa n’ya. “Yes, I am with Lailana. Tumakas na naman.” ngumuso ako. Hindi ko maiwasan malungkot. There’s a time na pakiramdam ko pabigat ako, may mga times na para bang nakakaistorbo na ako sa kanila. Sa bawat takas ko? Isa sa kanila lagi sumusundo sa akin at pinapagalitan ako. Si Kuya Daddy Landon lang ang tatawa at ngingiti sa akin pag nakita ako. Pero si Kuya Jm? Hindi s’ya ngingiti sa akin. Iirapan ako at may times na papagalitan pa ako. Si Kuya Lander naman? Hahaplusin buhok ko. Natapos usapan nila at tumayo na ako. Inaya ko na s’ya umuwi. Nauuna akong bumaba sa kan’ya at pumunta agad ako sa kan’yang kotse. Pumasok ako sa loob noon at agad n’ya binigay sa akin ang kan’yang take out. Umikot s’ya pakabila para sumakay sa driver seat. “Lailana, wag ka na tumatakas. Nasa gitna ako nang meeting noong tumawag si Tita.” napatingin ako sa kan’ya. “Nahinto ang meeting ko dahil sa ‘yo, alam mo ba ‘yon?” “Sorry sa istorbo.” mahinang sabi ko sa kan’ya. “Next time wag mo na ulitin. Hindi na ako natutuwa, Lailana. Hindi mo iniisip ang mga taong naiistorbo mo sa ginagawa mo.” Hindi ko alam bakit nasaktan ako sa sinabi n’ya. Para sa kan’ya siguro? Normal word ang istorbo pero sa akin? Nasasaktan ako. Istorbo? Gano’n na lang ba ako sa buhay nila? I should not disturb them. Pero paano naman ako? Ang gusto ko? I don’t want a bodyguards and maid. “Paalisin mo na kasi bodyguards at maid ko.” sabi ko sa kan’ya na malungkot ang boses ko. “I don’t need them. I can take care of myself---” “Hindi mo pa kaya, Lailana. Hindi ko nakikita sa sarili mo na hindi mo pa kaya dahil sa ginagawa mo!” ramdam ko ang inis sa boses n’ya kaya naman napayuko ako. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko. Hindi ako dapat umiyak sa harapan n’ya. Why is he always like this? Why is he always mad at me? Wala na ba ako nagagawang tama sa kan’ya? Dapat hindi na lang ako lumaki kung ganito na lang. Noong bata pa ako? Lagi n’ya ako baby, kahit na magastos ako ay baby n’ya pa rin ako. Pero iba na ngayon… Nakarating ako sa bahay namin. Inalis ko ang seatbelt ko at binuksan ang pinto sa gilid ko. “I am sorry for disturbing you.” mahinang sabi ko at saka bumaba na nang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD