Kabanata 2

1590 Words
Agad akong naglakad papasok sa loob at sinalubong ako nang Maid namin. Agad ako pumunta sa harapan ni Mama na ngayon ay may hawak na nang isang magazine. “What is this, Lailana?” madiin na tanong n’ya sa akin. “Mama…” “Hindi mo ba talaga kami naiintindihan nang mga kapatid mo?!” nagulat ako dahil sa tumaas ang boses n’ya. Huminga ako nang malalim at hindi ko alam ano sasabihin ko. “You are grounded, Lailana!” “Mama!” sigaw ko din dito dahil doon. “Ayoko po nang bodyguards! Ayoko po nang maid! Hindi na ako bata!” naiinis na sabi ko. “Bakit ba kasi kailangan sila---” “Lailana, hindi mo ba naiintindihan ang mayro’n sa pamilya na ‘tin!” bumagsak ang balikat ko habang nakatingin sa kan’ya. “Lailana, kilala ka nang marami. You are the youngest of our family? Kaya bakit? Nag- aalala mga kapatid mo sa ‘yo---” “Ayoko dito.” nagulat s’ya sa pag putol ko sa kan’ya. “Mom, ayoko naman dito. Gusto ko lang naman magkaroon nang normal na buhay gaya nang nakikita ko. ‘Yung wala po akong limitasyon sa bawat galaw ko.” napatitig s’ya sa akin. “Mom, pwede po ba?” Alam ko naman hindi n’ya ako kayang tiisin, alam ko naman na mahal na mahal n’ya ako. Si Daddy at Papa. Mahal nila akong lahat at hindi nila ako natitiis. “Sa walang nakakakilala po sa akin. Mama, kahit wala na bodyguards doon. Gusto ko po tumayo sa sariling paa ko.” “Are you freaking serious, Lailana?” tumango ako dito. “Mom, may alam ba kayo? Graduation gift n’yo na lang po sa akin. Basta always ako tatawag sa ‘yo, or kahit may isang bodyguards po ako! Gano’n!” tumitig s’ya sa akin. “Okay, kakausapin ko ang papa at daddy mo.” napangiti ako sa narinig ko at mabilis akong pumunta sa kan’ya. Niyakap ko s’ya nang mahigpit at narinig ko ang kanyang tawa. “Thank you, Mama! You are the best, po! I promise! I will be good girl po! Basta po may Farm ang pupuntahan ko ha!” ngumisi ako dito at hindi s’ya makapaniwala sa request ko. “Oo! Ako na bahala!” Masayang masaya akong umaakyat sa taas dahil doon. Pakembot kembot pa akong pumasok sa kwarto ko. Inayos ko ang kwarto ko para naman mas very good ako kay Papa at Daddy, malamang nandito na sila mamaya! Mamimiss ako nang magaganda kong pamangkin! Lalo na si Leianna! Kambal pa naman kami dahil magkamukha kami. Anak ni Kuya Lander at Ate Rylie na babae. Tapos si Landen, mamimiss n’ya ako dahil wala na s’ya sasabihang panget! Natapos kong linisin ang mga gamit ko ay naghanap ako nang magandang damit sa closet ko. Hindi ko alam ano pipiliin ko dahil mararaming maganda. Pero dapat hindi ako mukhang mayaman hindi ba? Pero kailangan ko pa rin nang magagandang damit! Paano kung may mga party doon? Ang saya siguro! Pumasok sa closet ko. Kinuha ko ang mga pambahay kong plain. Kailangan maraming dalin dahil hindi ko alam kung ilang araw ako. If thirty days? Edi dapat thirty din na pairs dalin ko na damit tapos except pa ang mga pantulog ko? Hindi naman siguro nila malalaman na mamahalin ‘tong mga kinuha ko dahil plain lang ang color? Iba’t ibang kulay ng shorts at damit? May mga dress din akong dala. Inayos ko ‘yon sa aking maleta. Dalawang maleta ang dadalin ko. Sa isang maleta ay dress. Bumukas ang pinto at nagulat si Mommy dahil sa mga damit ko. “Ano ba ‘yan! Isang maleta lang! Nakontak ko na si Tasha!” “Tasha! Mama! Si Yaya ko?!” tumango sa akin ‘to at natawa pa. “Mama! Miss ko na s’ya!” “Oo, sa kan’ya ka pupunta. Namamahala kasi s’ya ngayon nang isang Farm kasama ang kanyang anak na lalaki. Namatay na kasi asawa n’ya kaya eto na lang pinagkakaabalahan n’ya. Mayordoma s’ya doon sa mansion.” nanlaki ang mga mata ko. “Doon ako titira?” she nodded. “ Magpapanggap kang anak n’ya.” napangiti ako at saka tumango tango. “Isang maleta lang.” tumango ako muli dito. Sobrang saya ko! Makakasama ko ulit si Tasha! Ang paborito kong Yaya na laging galit sa akin dahil sa kakulitan ko! Pero love na love pa rin ako dahil pinagtatakpan n’ya ako kay Mama sa mga kasalanan ko. Nang bandang dinner ay dumating sila Papa at daddy. Nandito din sila Kuya Landon kasama si Ate Bella. Lumapit sa akin si Landen para halikan ako sa pisnge. Grade Seven na s’ya susunod na pasukan sila ni Leianna! “Tita ko!” lumapit sa akin ang panganay ni Kuya Lander saka hinalikan ako. Huling pumasok ay ang mga bunso nilang anak. Kapatid ni Landen si Rhiyanna, pitong taon. Tapos ang kambal ni Kuya Lander na si Kaia at Kandem! Parehong anim na taon at may hawak na tag-isang iPad. “Nasa room lang kayo maghapon kambal?” I asked them. “Opo.” sabay pa nilang sagot. Humalik sila sa akin. Grade two na sila sa pasukan at super excited sila. Kahit ako din naman. Kumain kami lahat sabay sabay sa gitna nang hapagkainan. Kaya naman nang matapos ay tinawag ni Mama ang dalawa sa study room. Alam ko na pag-uusapan na nila ‘yon at super saya ko dahil doon. “Pinainit mo na naman ulo ni Jm.” napatingin ako kay Kuya Lander. “Kailan ba malamig ulo sa akin no’n.” I joked, pero totoo naman. Hindi naman lumamig ulo no’n sa akin. Hindi ko maintindihan pero binaliwala ko na lang dahil wala naman ako magagawa. Patingin tingin ako sa hagdan dahil baka bumaba na sila Mama, Papa at Daddy. Pero wala pa rin bumaba sa kanila, halos kalahating oras na sila doon. Napanguso ako dahil mukhang nahirapan si Mama sa dalawa. Lumapit sa akin si Leianna at naupo sa kandungan ko. Pinakita n’ya sa akin ang mga magagandang damit na inorder n’ya kaya naman natuwa ako. Pinindot ko ‘yon at nilagay ang card number ko. Panay ang halik nito sa akin. “Young Lady, pinapatawag ka po ni Madame.” Napatayo agad ako at muntik na masubsob si Leianna dahil doon. Kaya natawa kami pareho at saka inalalaya kong maupo. Huminga ako nang malalim at saka umakyat na sa taas at dumiretso sa study room. Mama is smiling also daddy but papa? Hindi maganda ang ngiti n’ya. I hugged my real daddy, yes. Hirap I-explain kung paano nangyari. Pero ilang taon na din kasi nakalipas at parang wala na sa amin ang lahat. “You said yes, daddy?” “Of course! For my princess!” agad ko hinalikan ang pisnge n’ya dahil doon. Humiwalay na ako saka tumingin kay Papa. “I don’t have a choice.” Kumandong ako dito at natatawa s’yang yumakap sa akin. Hindi ko alam paano ako magpapasalamat dahil sa buhay kong ‘to. Sobrang laki nang pasasalamat ko dahil dalawa ang pamilyang nag mamahal sa akin. Kumindat si Mama sa akin and I didn’t know na kinabukasan na pala flight ko. Kaya naman bangaga na bangag ako sa airport, alas singko nang madaling araw. Antok na antok akong bumaba nang airplane. Sabi ni Mama ay nandoon lang sa labas si Tasha at naghihintay sa akin. Napahikab akong lumabas at doon nakita ko s’ya. Nasa Visayas ako! “Tasha!” masayang tawag ko dito nang makita ko s’ya. Nanlaki ang kan’yang mga mata at sinalubong ako. “Hala! Miss na miss kita!” “Halata nga, Young Lady!” niyakap ko s’ya nang mahigpit. “Pero hindi dapat Tasha! Nanay!” ngumuso ako. “Okay? Ako masusunod dito! Hindi kita amo!” niyakap ko pa rin s’ya nang mahigpit. “Hay nako! Miss na miss na kita!” “Ako din, Nanay! Miss na miss kita, sobra!” niyakap ako nito mahigpit. Isang pantalon lang suot ko at isang plain na damit. Sobrang simple para daw hindi ako pagkamalan na mayaman. Ewan ko ba sa sinasabi ni Mommy. “Tasha, nand’yan na ba ang anak mo?” napatingin kami sa isang lalaki. Hindi ko maiwasan mapatitig sa kan’ya. Damn! Ang gwapo n’ya! Sino s’ya? Wag mo sabihin na anak s’ya ni Tasha. “Opo, Senyorito. Lai, anak. Si Senyorito, amo ko.” napalunok ako at ngumiti dito. “Hello po, Senyorito.” nakangiting sabi ko dito sabay yuko nang sandali. Eto kasi pinag-aralan ko kagabi kung paano maging anak nang isang mayordoma! Hihi! Magagamit ko pala talaga s’ya at ang saya. “Lai…” tumingin ako dito. Hindi ko alam bakit ang sarap pakinggan no’n pag sa bibig n’ya galing. He’s moreno, malaki ang katawan at matangos ang ilong. Halatang may lahi pero hindi ko matukoy o ano. Clean cut ang kan’yang gupit, ang kan’yang mga mata na malalim. Bakit ganito? Bakit parang kakaiba ang kan’yang mga mata. “Contact lens ang isang mata mo.” nagulat s’ya sa sinabi ko at mukhang hindi n’ya inaasahan ang sasabihin ko. “Anak, ano ka ba! Amo na ‘tin ‘yan!” ngumuso ako kay Tasha at saka tumango. Hindi ako pwedeng magkamali. My both brother are has green eyes, kahit ang mga anak nila ay nakuha din. Kaya alam ko na contact lens lang. Alam ko ang itsura no’n kaya naman tumitig ako sa kan’ya. “Magandang-araw, Senyorito.” nakangiting bati ko dito. “Let’s go.” malamig na sabi n’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD