CHAPTER O2: TRANSFER STUDENT

1259 Words
Liahna’s POV” Nakaupo lang ako sa gilid at nakatuon ang aking atensyon sa labas habang nagkakagulo ang mga kaklase ko. Naka-earphone lang ako dahil ayuko marinig ang mga ingay nila mga nagsisigawan na akala mo ang lalayo ng kausap pero katabi lang naman. Wala ngayon si Klea dahil may family bonding daw sila ngayon. Nagpaalam na siya sa akin kahapon. Sana all buo ang pamilya. May kumalabit sa akin kaya lumingon ako para tingnan kung sino ‘yun tinanggal ko na din ang earphone na nakapasak sa aking tenga. “Hi Liah” sabi ng kaklase kong babae na si Trixie at biglang hinatak ang phone ko. “Get it.” Ustos niya sa akin at tinaas ang cellphone ko. Pilit kong inaabot ang cellphone ko at siya tuwang tuwa pa na nakikitang nahihirapan ako. She is taller than me and also a model plus nakatakong pa siya ng 4 inch kaya hindi ko talaga maabot ang cellphone ko sa kamay nya kasi ang taas niya na sobra. “Para kayong mga bata magsiupo nga kayong lahat and you balik mo na yang hawak mo sa classmate mo.” Sabi ng teacher namin na kakapasok lang. Elementary pa lang kaklase ko na yan si Trixie at ganyan talaga ang ugali niya gustong gusto niyang sinisira ang araw ko. Para sa kanya naman ay happiness 'yun. Pinanganak kasing bruha 'yan. “So we are having a report and I need you to have a partner 1 topic for 2 person. Now you can go and pick your partner.” Sabi ni Miss, kaya naghanap naman ang mga kaklase ko ng kani kanilang mga partner at syempre pumunta sila sa kanilang mga kabigan. Wala si Klea kaya wala akong mapupuntahan para maging partner. After 2 minutes. “Guys are you done?” Tanong ng teacher namin. “Miss 38 po kami kaso may absent, kaya 37 lang kami ngayon may sobra pong isa.” Sabi ng president namin sa room. “Strikto ako kapag absent ka magiindividual ka kaya sino pa ang isang mag sa-sacrifice na mag-iindividual?” Tanong ni Miss sa aming lahat. Hindi pa man ako nagsasalita ay may nauna na sa aking nagsalita. “Si Liah po, isa na nga lang kaibigan niya absent pa.” Sabi ni Michaella ang muse namin sa room. Kompleto na ang officer namin nang magbotohan kahapon at siya ang nakalaban ko bilang muse dahil may nag-nominate sa akin for that position at napagtripan na naman ako ng mga kaklase ko kaya ako nasali do’n. “So poor.” Dagdag nya at nagtawanan ang lahat. “Guys quite.” Suway ni Miss sa amin. “Miss Percival right? So are you okay with it? Na ikaw lang ang mag-isang magrereport?” Tanong ni Miss sa akin at tumango lang ako bilang sagot. “Don’t worry mas mataas ang points na makukuha ng individual compare sa by partner.” Sabi ni miss at ngumiti sa akin. “Okay guys write your name in a ¼ sheet of paper.” Dugtong niya pa. Nahinto ang lahat ng may kumatok sa pinto binuksan naman ito ni Miss at lumabas. Mga ilang minuto pa ang lumipas ay bumalik na rin siya na may kasamang isang estudyante. Narinig ko naman ang nakakabinging tilian ng mga kaklase kong babae. “So we have a transfer student, okay Mr. Concepcion please introduce yourself.” Sabi ni Miss sa lalaki. Tumingin naman ako sa labas dahil wala naman akong pakialam sa ibang tao. “Hello everyone, my name is Yril (E-ril) Concepcion kinuha ko ang strand na ito dahil balang araw gusto ko maging psychologist.” Sabi niya at lahat naman ay nagtilian. “Is there any vacant seat?” Tanong ni Miss at tumingin na ako sa harapan para makita kung ano ang nagyayari. “Yes Miss meron pa po sa dulo.” Sabi ng president namin. “You may take your seat Mr. Concepcion.” Sabi ni Miss. Napatingin naman ako sa katabi kong bakanteng upuan. “Dito ka na lang Yril oh.” Sabi ni Trixie tiningnan naman siya ng masama ng kaibigan niya. “Sorry pero kasi may katabi ka, remind ko lang kung 'di mo nakikita.” Sabi nito at nilagpasan lang si Trixie. Umupo sya do’n sa bakanteng upuan na katabi ko. Umiwas ako ng tingin at tinuon na lang sa labas ang atensyon. May naramdaman naman ako na may kumalabit sa akin. “Hi!” sabi niya. Lahat naman ng tao sa room ay nakatingin sa akin maliban sa teacher namin na may sinulat sa board para sa rubrics ng report. Hindi ko siya pinansin at nagkibitbalikat na lang na kunwari walang narinig. “Okay lang naman if you didn’t say hi and I hope we can be friends.” Sabi nito na hindi ko man lang binigyan ng pansin. Patuloy lang akong nakinig habang nag-didiscuss si miss sa harapan. “Hi classmate, pwede manghiram ng ballpen?”Tanong nito sa akin. Inaabot ko naman ang hawak kong ballpen sa kanya. “Thank you.” Sabi nya at dinugtungan pa. “And welcome na din tutal wala kang balak kausapin ako.” Sabi nito sa akin. “Ang cute.” Bulong niya at pinaglalaruan ang bunny sa taas ng ballpen ko. “Masira dahan-dahan naman.” Sabi ko, halata naman nagulat sya ng marinig akong magsalita. “So nagsasalita ka pala, akala ko kasi hindi. Don’t worry hindi naman ako nangangagat mabait akong seatmate so I hope we can be friends ha.” Sabi niya at ngumiti pagtapos no’n ay nagsulat na ulit siya ng notes. 30 minutes later.. “Pass you ¼ sheet of paper.” Sabi ni miss sa amin. “May partner kana sabi nila by pair daw yan?” Tanong ni Yril sa akin. Umiling naman ako at bigla niyang hinila ang papel na hawak ko. At sinulat ang pangalan niya. “Thank you ulit ako na magpapasa.” Sabi nya at inabot sa harapan ang papel. “Nandito na ba ang lahat ng papel? Bukas ko ‘to ibibigay nakalagay na din ang mga topic niyo.” Sabi ni Miss sa amin at naglakad na siya papalapit sa pinto ng bigla naman itong huminto. “I forgot something, Mr. Concepcion wala ka papalang partner, hmm kayo na lang pa lang dalawa ni Miss Percival.” Sabi ni Miss. “Okay na po Miss nalagay ko na yung name ko sa ¼ nya.” Sabi niya. “Okay so goodbye class see you tomorrow.” Sabi ni Miss at lumabas na. “Thank you ng marami, by the way eto pala yung ballpen mo.” Sabi nito sa akin at inaabot ang ballpen na hiniram. “I will treat you later if it is okay to you?” Tanong niya sa akin at hinihintay kung anong isasagot ko. “Hi Yril, h‘wag ka makipagusap d’yan weird ang babaeng 'yan, come and join us.” Alok ni Trixie kay Yril. Pinagkaguluhan na siya ng mga babae at ako naman ay tumayo para umalis ng room. Free time naman kaya okay lang umalis. Lalo’t na madaming tao ang nakapaligid sa upuan ko dahil kay Yril. Bigla naman may humawak sa akin tiningnan ko kung sino ‘yun “Lumayo ka sa kanya kung ayaw mo malagay sa alanganin.” Sabi ni Trixie at binitiwan ako, muli na siyang bumalik sa kanyang mga kaibigan na nakikikumpol doon kung nasan ang transfer student.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD