CHAPTER 01: HER LIFE

1212 Words
Liahna's POV" Unang araw ko bilang senior high school student, but nothing changed ako pa rin yung tipo ng estudyante na introvert hindi mahilig makisalamuha sa maraming tao, hindi madaling ma-attached sa isang tao dahil in the end iiwan ka lang din naman, I wanted to be alone all the time. But then I still have only one friend she is Klea, hindi ko alam kung paano siya nakakatagal sa ugali ko. Kahit minsan hindi ko siya kinakausap. Ewan ko lang din kung bakit lagi ako pinagiinitan ng ibang estudyante. Kaya laging na bubully. "Excuse me." Bulong ko sa mga nagkukumpulan na tao sa corridor. Ilang minuto nalang male-late na ako at kailangan ko maabutan ang first class ko. Nag-stop ako sa pintuan namin at tumingin naman ang lahat sa akin. "Miss sorry I'm late." Sabi ko at naghintay ng sagot galing sa kanya bago ako pumasok sa loob. "Being a scholar student of this school kailangan hindi ka nale-late Miss Percival sayang naman ang pagpapaaral saiyo ng eskwelahan, by the way come in and take your seat." Sabi nito at nilapag ang kanyang pamaypay na hawak. "Sorry po." Sabi ko bago pumasok sa room. Nakita kong kumaway sa akin si Klea sa bandang likuran. Napasimangot naman siya ng wala man lang akong naging reaksyon sa ginawa niya. Dumeretso ako sa likod niya dahil doon na lang ang may available na upuan. Dalawa pa ang bakanteng upuan sa likod at doon ako umupo sa katabi ng bintana. Yes I'm a scholar student hindi naman kami gano'n kayaman para makapagbayad sa mga private school at kilala na rin ako ng mga tao dito dahil simula elementary ay scholar na ko at tinuloy ko na rin hanggang senior high school sayang din kasi 'yung opportunity at ito lang ang pinaka malapit na school saamin. Pwedeng naman lakarin kaya mas makakatipid. At itong si Klea hindi lumipat ng school para daw masamahan niya ako dahil siya lang daw ang nakakatiis sa ugali ko. Mayaman naman siya at pwedeng pwedeng makahanap ng ibang eskwelahan pero ito siya nag-stay pa rin sa tabi ko. "Miss Percival come here in front and introduce yourself." Sabi ng teacher namin kaya tumayo na ako para pumunta sa harapan. "Huwag kang mahihiya ah."sabi ni Klea sa akin bago ako pumunta sa harapan, tumango naman ako bilang sagot sa kanya. "Good morning I'm Liahna Percival, Liah na lang for short." Maikli kong pagpapakilala. Naglakad ako pabalik sa aking upuan. Bigla naman silang nagtawanan. "Ang panget ko, ay sorry let me correct ang pangit niya." Tumingin ako sa nagsalita at tinuro niya ang nasa likod ko at tinuloy ang pagtawa na naudlot. Kinuha ko naman 'yun at binasa nang mahina ang nakasulat sa papel "ANG PANGIT KO." "Throw that in trash can, miss Percival nagiging destruction 'yan sa klase ko." Sabi ng teacher ko kaya tinapon ko na lang din ito. Hinayaan ko nalang sila, masaya sila d'yan eh gustong gusto nila makakita ng mga napapahiya. Naramdaman ko na 'yun kanina nang may humawak sa likod ko ang sabi niya lang kasi ay may dumi kaya 'di ko na pinansin pero may dinikit pala siya. "Hayst lagot sa akin ang gumawa no'n saiyo makakatikim siya sa akin ng kaliwa't kanan na sampal hindi ko kasi nakita dahil busy ako sa pag-rereply sa boyfriend ko, sorry." sabi ni Klea sa akin at nag peace sign. "Hayaan mo na wal 'yon."sabi ko, napailing na lang sya sa akin. I have a normal story in my life, mapagkakamalang mo nga itong "boring" ay mali pala dahil boring talaga. Iba ako sa bahay, iba din ako sa school mga nakasanayang routine ko na at paulit-ulit ko lang ginagawa at mukhang wala ng pagbabago doon. Halos mababasa mo na ata sa bawat libro ang katulad sa storya ng buhay ko, yung laging nabu-bully pero may kaibahan nga lang dahil sa kanila may knight and shining amor sila, pero ako? Syempre wala, sa fairytale o kaya s romance book lang naman nag-eexist ang mga ganyan bagay. Gawa ng malilikot na imahinasyon na mga author ng libro. Kung isa lang din akong fictional character siguro maniniwala pa ko sa gano'n. For me love only exists in a fairy tale book where there is a Prince and a Princess who love each other and in the end they will live happily ever after. "So everyone in this room are taking the strand of Humanities and Social Science or in short HUMSS, pinapaalala ko lang na kailangan hindi mahiyain ang mga nandito, because you need to socialist and communicate with other people to share your thoughts and opinion on them. 'Yan ang mga basic needs sa strand na ito." Pagpapaliwanag ng aming teacher sa harapan. So opposite ako ng pinili kong strand sa senior high, hindi ako mahilig makipag-socialize sa iba mistulang kausapin sila ng matagal ay ako na ang mismong umaayaw. Pero sa kabila no'n nadito ako at nakikinig sa kanya bilang estudyante at HUMANISTA. ---- 6:30 pm naabutan ko si mama na nagsasara ng carinderia nagmano ako pagtapos ay tinulungan ko s'ya maglipit ng mga plato at baso na naiwan sa labas. Nakita ko naman ang mabilis na pag ngiti ni mama at mukhang nawala ang pagod niya ng makita niya ako. " Anak ako na d'yan magpahinga ka na lang sa taas." sabi ni mama at akmang kukunin ang mga hawak kong plato at baso pero nilayo ko lang ito sa kanya. "Ma ako na po, pagod na kayo magtrabaho buong maghapon." sabi ko at pinasok na sa loob ang mga hawak ko. Inumpisahan ko na rin hugasan ang iba pang nakatambak sa lababo para matapos na. "Napaka kulit talaga ng anak ko." sabi ni mama at umiling-iling pa. "Sige pagkatapos mo d'yan kumain kana hahandaan na kita ng makakain mo." sabi ni mama sa akin at umalis sa tabi ko. I'm so lucky to have her in my life s'ya na kasi ang tumayong ama at ina ko sa buhay. Kung wala s'ya hindi ko alam kung saan ako pupulutin ginawa n'ya ang best n'ya para makapag-aral ako at gusto kong suklian ang lahat ng 'yun. Sa simpleng tulong ko sa kanya kahit papaano napapagaan ko ang gawain niya. Lumaki ako na walang ama sa tabi ko at sanay na ako kahit kaming dalawa lang ni mama. Hindi ko kailangan ng ama ilan taon na ang lumipas at wala s'yang paramdam sa amin ni hindi niya inisip na may pamilya pa siya. Hindi niya inisip na nahihirapan si mama sa pagpapalaki sa akin noong bata pa ako. Nang matapos ako ay umupo na ako sa lamesa at parang excited na bata dahil kakain na."Halatang gutom na ang maganda kong anak hala sige kumain kana." sabi ni mama sa akin. "Hindi n'yo po ba ko sasabayan sa pagkain?" malungkot kong tanong kay mama ka-agad naman itong tumayo at kumuha ng isa pang plato. "Huwag ka nang sumimangot d'yan, kumain na tayo." sabi ni mama at nilagyan ako ng ulam at kanin sa aking plato. Palagi pa rin ginagawa ni mama ang gano'n bagay feel ko tuloy para pa rin akong bata. Lahat nang nangyari sa akin kanina ay napawi dahil nand'yan si mama never kong mai-imagine na meron pang madadagdag sa buhay ko at magiging sobrang lapit sa akin.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD