bc

The Billionaire's Possession (Billionaire's Series #1)

book_age18+
459
FOLLOW
1.6K
READ
billionaire
possessive
forced
badgirl
billionairess
drama
bxg
mystery
passionate
villain
like
intro-logo
Blurb

Sa buhay ni Rylie ang gusto n'ya lang makapagtapos ng pag-aaral at magsilbi sa diyos. Para sa kan'ya ang buhay n'ya ay para sa Diyos lamang. Dito n'ya lang iaalay ang buhay n'ya dahil ito mismo nagbigay ng buhay sa kan'ya kahit malupit ang mundo.

Pero paano kung gawin s'yang pangbayad ng ina n'ya sa utang? At isang araw ay ikasal s'ya at mawala ang pinakaiingatan n'ya?

Landen Montemayor, her husband. Sa unang tingin alam mong masamang tao pero pag nakilala mo ay kabaligtaran pala. Paano kung mahulog ang loob n'ya rito? At malaman n'ya na ang kasal nila ay hindi pala totoo? Anong gagawin n'ya?

chap-preview
Free preview
SIMULA
Ang ating diyos ang lumikha sa atin. Kaya dapat natin sundin ang kanyang simpleng pinag-uutos. Walang masama kung magdadasal at mananampalataya tayo. ‘Yun lang ang tanging gusto n’ya kabayaran mula sa atin. Ang maniwala sa kan’ya at taos pusong ginagawa. Hindi dahil lang sa sinabi mo. Ang kanyang salita ay makapangyarihan pa na kahit sino dito sa mundong ‘to. Kaya dapat sa kanyang salita lamang ang atin paniniwalaan. Gaano man kapait ang mundong ‘to? Nand’yan pa rin ang diyos para sa atin, para maging maliwanag ng madilim na buhay natin. Napangiti ako habang hawak hawak ko ang rosaryo na bigay sa akin ni Sister Marj. Tahimik kaming nagdadasal para sa katawan na nawala. Pinagdadasal namin ang katawan ni Sister Marjorie, sa sobrang katandaan nito ay kusa na sumuko ang kanyang katawan. Alam naming lahat na si Sister Marjorie ay kasama na nag aming Diyos na sinasamba. Alam namin na masaya s’ya kasama ‘to. “Rylie, mag-iingat ka sa pag-uwi ha? Alam namin papagalitan ka kaya pinauuwi ka na namin pero ikaw ‘tong matigas ang ulo para mag-stay dito.” “Wala pong problema, Sister Jo.” Isang puting masikip na palda ang aking suot, puting kamiseta naman sa itaas. Isa akong tagapaglingkod ng ating Diyos, ang ama ng lahat. Dito ko nakikita ang sarili ko, ang magsilbi sa kan’ya habang ako ay may buhay. Tahimik ako naglalakad pauwi sa bahay. Maingay ang buong paligid, maraming tao at mausok. Kahit gabi na ganito pa rin ang nangyayari sa buong Metro Manila. Mausok at ang sakit sa ilong. Puro mura ang aking naririnig, masakit sa tainga at kaya naman hinahayaan ko na lang. “Lord, sana mapatawad mo sila sa kanilang ginawa.” mahinang bulong ko . “RYLIE!” nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ng aking ina. Galit na galit ang mga mata nito habang papunta sa akin. “Ikaw talagang bata ka! Hindi ba sinabi ko na maghanap ka nang trabaho ha?!” “M-Mama!” mabilis na tawag ko dito. Agad nitong hinablot ang buhok ko papunta sa loob ng bahay namin. Hindi ko mapigilan umiyak dahil sa sakit at pakiramdam ko makakalbo ako sa sobrang sakit. “Mama, nasa simabahan naman ‘yan panigurado! Tignan mo ang suot oh?” napatingin ako sa kababata kong kapatid na nakangisi sa akin, ang anak ng pangalawang asawa ni mama. Ang ama ko ay namatay sa isang gera, pinaglalaban ang aming bansa. Dahil bata pa si mama ay nag-asawa muli ‘to. Simula nanirahan kami dito ay naiba na ang turing n’ya sa akin. Para bang ako ang pahirap sa buhay n’ya. “Mahiya ka naman sa amain mo, Rylie! Pinapakain ka na n’ya tapos magtrabaho lang hindi mo magawa?” tahimik lang ako sa isang sulok at hindi makatingin sa kan’ya. “May sweldo ba ‘yang ginagawa mo ha?!” sigaw nito sa akin. Ang kanyang pangalawang asawa ay isang company driver ng isang Lopez. Mayayaman ang mga Lopez at maganda ang naging buhay ni mama. Pero ako? Dumidilim ang buhay ko kahit na nakakakain ako sa tatlong beses. “Mama, galing lang po ako sa Simbahan. Pinagdasal lang naman po namin si Sister Marjorie---” “Mapapalamon ba tayo nang pagdadasal mo?!” galit na putol nito sa akin. Diyos ko, tulungan mo po ang aking ina na maging mabuting tao. Hindi n’ya lang po alam ang sinasabi n’ya. Patawarin n’yo po s’ya sa mga salitang binibitawan n’ya. “M-Mama…” tumutulo ang luha ko. “Hindi ko na alam ang gagawin sa’yo! Kaya ayoko kitang pag-aralin dahil sayang lang ang pera sa’yo!” Tumalikod sa akin ‘to, tumutulo ang luha ko habang pinanonood ‘tong tumalikod sa akin. Habang ang kapatid ko ay nakangisi sa akin na para bang nasisiyahan sa pananakit sa akin ni Mama. Huminga ako nang malalim at umakyat na lang sa taas. Pumasok agad ako sa kwarto ko. Binaba ko ang rosaryo sa isang maliit na Sto. Nino. Kahit papaano ay napapangiti ako dahil alam ko ang Diyos ko ay nasa tabi ko lang at binabantayan ako. Kaya naman kinabukasan ay nagluto ako, maaga akong nagluto para hindi ako sermunan ni mama. Sakto naman na lumabas na ang kapatid ko at nakapagbihis na. Agad ko binigay ang kanyang gatas at naupo sa isang upuan. Lumabas ang aking amain na ngayon ay naka-uniporme, ang huling dumating ay si Mama. “Alam mo, Rylie? Maganda ka ‘e. Dahil may lahing banyaga ang ama mo. Bakit hindi na lang natin pagkakitaan ang ganda mo?” natahimik ako sa sinabi ni mama. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanyang sinasabi. “M-Maghahanap na ako, nang trabaho.” natawa sa akin ‘to at alam n’yang nakakaramdam na ako nang takot. Natapos silang kumain ay agad akong kumain. Ayaw nila ako kasabay kumain at wala akong magagawa dahil doon. Pakiramdam ko isa akong kasambahay sa bahay na ‘to. Umakyat ako sa taas at saka ginayak ang gamit ko. Nagulat ako nang makita ko ang amain ko sa pinto nang kwarto ko habang malagkit na nakatingin sa akin. “T-Tito?” “Alam mo? Hindi ka na maghihirap ng gan’yan kung ibabahay kita.” Nakaramdam ako nang takot sa sinabi n’ya. Ilang beses na s’ya sa akin nagpaparamdam ng ganyang bagay. Ang mga tingin n’ya sa akin na halos hubaran ako. Nakakatakot s’ya, sobra. Ayoko sa kan’ya. “H-Hindi na po. Naghahanap na po ako nang trabaho.” sagot ko dito. “Anong makukuha mo? Eh hindi ka nga naka-graduate ng highschool.” napayuko ako dahil doon. Pinagkait sa akin ang isang bagay na inaasam ko. Hindi ko alam paano kong makukuha ang bagay na ‘yun eh wala naman akong pera. Nakarinig kami nang malakas na basag sa ibaba. Kaya naman agad akong lumabas ng kwarto ko, alam kong nakasunod sa akin ang amain ko. Nakita ko si Mama na pinapalibutan ng mga kalalakihan at may mga hawak ‘tong baril. Nanginginig ang tuhod ko sa takot habang nakatingin sa mga ‘to. “Kailan ka daw magbabayad sabi ni Boss? Umabot na nang kalahating milyon ang utang mo! Hindi pa kasama ang interest!” “M-Mama!” napatingin sa akin sila at agad binaba ng isang lalaki ang baril at binulungan ang isa. Lumapit ako kay Mama para yakapin ‘to pero hinila ako ng isang lalaki. “Hindi mo makukuha ang batang ‘to hanggang hindi mo binabayaran ang utang mo.” nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. “M-Magbabayad kami! Bitawan n’yo ko!” sigaw ko. Pilit akong pumapalag pero sadyang malakas sila. “Nagmamakaawa ako! Bitawan n’yo ko!” “P-Pwede ba s’ya na lang ipambayad namin?” napahinto ako sa pagpapalag dahil sa sinabi ni Mama. Napatingin ako sa kan’ya, bumuhos ang luha ko. Ang katawan ko ay hindi na nanginginig sa takot kung hindi sa sakit. “M-May makukuha pa kami kung sakaling ibigay namin s’ya?” “Makakausap mo si Boss. Kailangan ngayon ng babae ni Boss.” Nanginginig ang buong katawan ko. Wala akong lakas na pumalag dahil sa naririnig ko. “E-Edi k-kunin n’yo na s’ya!” Tuloy tuloy bumubuhos ang luha ko habang nakatingin kay Mama. Ganito ba? Ganito ba ang gusto n’yang gawin ko? Bakit kailangan n’ya ako gawing ipambayad sa pinagkakautangan n’ya? Ang buhay ng tao ay hindi nababayaran, kahit ang dignidad at naniniwala ako sa bagay na ‘yon. Pero ano ‘to? Ginawa n’ya ako pambayad sa kanyang pinagkakautangan? Paano n’ya nagagawa sa akin ‘to? Masakit dahil sinasaktan ako ni Mama ng ganito? Anak n’ya n'ya ako pero bakit ganito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook