Chapter 1

1069 Words
Tulala ako sa loob ng kotse. Ako lang mag-isa sa backseat. Patuloy pa rin tumutulo ang luha ko at nanginginig ang katawan ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na kami sa byahe dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa akin. Ganito ba ang kapalaran ko, Lord? Ganito po ba? Ano pong problema ang haharapin ko? Sasamahan n’yo po ba ako? “Paniguradong bibigyan tayo ng bonus ni Sir dahil sa dala natin! Napakaganda at mukhang birhen pa!” narinig ko ang kanilang tawanan. Gusto ko bumalik sa in’yo panginoon na walang humahawak sa akin. Gusto ko po kayong makita para makita n’yo na sinusunod ko ang in’yong utos. Lord, tulungan mo ako. Alam kong nakikita mo ako ngayon, tulungan mo ako. Hindi ko alam paano ako makakaligtas dito, Lord. Pero alam kong nasa tabi ko lang ikaw. Patawarin n’yo po ang aking ina sa kanyang nagawa. Naipit lang po s’ya, natakot lang po s’ya. Huminto ang sasakyan sa isang malaking gate. Nalulula ako sa sobrang ganda nito. Pumasok ang sasakyan sa loob at ako naman ay napuno nang takot. Hindi ko alam paano ako makakatakas dito. Sobrang daming tao, mga armado sila. Legal ba ang kanilang trabaho? “Bumaba ka na, Miss beautiful.” Nanginginig ang katawan ko habang bumababa nang sasakyan. Akmang hahawakan ako nang isa ay agad ako umiwas. Nagtawanan silang lahat habang ako ay natatakot. “Wag ka manginig. Mamaya ay masasarapan ka kay Boss.” Napahikbi ako at nagsimula na maglakad. Hindi ko alam saan ako pwedeng tumakbo. Kahit saan ako tumingin ay maraming lalaki at nakatingin sa akin. Nadapa bigla ako at dahan-dahan akong bumangon. Masakit ang mga tuhod ko pero pilit pa rin akong bumangon at saka naglakad papasok sa loob. “Anong mayro’n?” napatingin ako sa isang lalaki. Napatingin sa akin ‘to. “Sino ‘to? Bakit may babae?” tanong pa nito. “Utos ni Bosing. Pag wala raw naibayad ang babaeng ‘yun? Kunin daw ang anak.” paliwanag ng isa. Napatitig s’ya sa akin. Nagulat ako nang hawakan nito ang kamay ko pero agad kong binawi ang kamay ko. Umantras ako dito at muli silang nagtawanan. “Tignan natin kung matakot ka pa kung makikita mo si Boss.” kumunot ang noo ko. Pinapasok nila ako sa loob. Pinaupo ako sofa at yumuko ako. Para akong batang pinupunasan ang luha ko. Hindi mawala sa isipan ko ang ginawa sa akin ni Mama. Hindi ko aakalain na magagawa n’ya sa akin ‘to. Hindi ko aakalain na magagawa n’yang ipambayad ang sarili n’yang anak. Ang papa ko, namatay sa gera. Wala kaming naging balita sa kan’ya simula noon at wala pang isang taon ay agad nag-asawa si mama at halos mawalan s’ya sa akin ng pakialam. “Ano nangyari sa pinuntahan n’yo?” napaangat ako nang tingin. Isang lalaking nakaputing tee-shirt ang nakita ko, maayos ang buhok nito, maputi. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Masasabi ko na ito ang lalaking ‘to, ang pinakagwapong nakita ko sa buong buhay ko. “Boss, ‘yan po nakuha naming bayad. Nanghihingi pa sila nang kulang.” Nakakatakot s’yang tumingin. Dahan-dahan lumapit sa akin ‘to kaya napaantras ako. Hinaplos nito ang mukha ko at bumaba ang daliri nito sa labi ko. “Ilang taon ka na?” Kahit ang kanyang boses at nakakatakot. Sino ba s’ya? Bakit wala akong marinig na kahit anong ingay sa paligid? “Ilang taon ka na?” isang tanong pa nito at agad kong pinalo ang kanyang kamay sa mukha ko. “W-Wag mo akong hahawakan.” madiin na sabi ko kahit na tumutulo ang luha ko. Dinilaan n’ya ang kan’yang ibabang labi at saka ngumisi sa akin. “Binayad ka sa akin ng mama mo tapos bakit hindi kita hahawakan? Pag-aari na kita.” umiling ako dito bilang sagot ko. “M-Magbabayad ako! Maghahanap ako ng trabaho! Basta pakawalan mo lang ako.” ngumisi s’ya. Bumaba ang kanyang tingin sa aking katawan kaya napatakip ako sa katawan ko. “Sagutin mo ang tanong ko.” Umupo ‘to sa tabi ko at saka hinawakan ang mukha ko para mapalingon sa kan’ya. “Ilang taon ka na?” “N-Nineteen po.” tinaasan ako nito ng kilay. “Virgin?” dahan-dahan akong tumango dito at saka s’ya ngumisi. “Tanungin mo ang magulang ng babae na ‘to kung magkano pa kailangan nila.” tumulo ang luha ko sa narinig ko at mabilis s’yang tinulak. Mabilis akong tumakbo palayo doon. Masyadong malaki ang bahay at hindi ko alam saan ako pupunta. Naghahanap ako sa pwedeng daanan pero wala akong makita. Kailangan ko makaalis dito. “Where are you going?” napatingin ako sa lalaking ‘yun. “P-Pakawalan mo na po ako. M-Maghahanap po ako nang trabaho para po mabayaran namin kayo---” “Five hundred thousands ang utang sa akin ng mama mo. Wala pa ang interest doon.Wala kayong inaasahan kung hindi ang amain mo.” nagulat ako sa sinabi nito. “Kung isasama ko ang interest ay baka umabot pa nang isang milyon ang utang nito. Kaya paano mo mababayaran?” Umantras ako nang makita ko s’ya palapit sa akin. “Marry me.” nagulat ako sa sinabi n’ya at umiling ako. “N-Nagmamakaawa po ako.” nanginginig ang boses ko. “Your mom doesn’t care about you. Kung uuwi ka ngayon? Baka hindi ka n’ya tanggapin.” dahan-dahan akong nang hihina at napaupo sa sahig. Totoo naman ang sinasabi n’ya. Walang pakialam sa akin ang mama ko. Simula nag-asawa s’ya muli ay hindi ko na naramdaman ang pagmamahal n’ya sa akin. Dahan-dahan nagdidilim ang paningin ko pero pilit ko nilalabanan ‘to. May kung ano akong naamoy na hindi ko maintindihan. “Marry me…” Naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa isang matigas na bagay. Nagising ako na nasa isang malaking kwarto ako. Dahan-dahan akong bumangon at inikot ang paningin ko. Malaki ang buong kwarto, malinis at mabango. Ibang iba sa kwartong tinitirhan ko sa sobrang sikip, nakakalat lagi ang gamit ko. Dahil wala akong lalagyan ng damit, madalas nasa isang sulok lang at nakatupi. Pero ito? May malaking cabinet dito. Puti ang mga paligid, cream ang kumot at ang kama. Ang kisame ay kulay abo. Kung tutuusin ang laki ng paligid nito ay ang laki ng ibabang bahay namin. Wala akong alam kung paano makakatakas. Hindi ko alam kung makakatakas pa ba ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD