THREE
Bumukas ang pinto. Isang babaeng naka-maid uniform ang pumasok. Maraming dala ‘tong paper bags at pinila sa harapan ko.
“Ma’am Rylie…”
Nagulat ako dahil alam nila ang pangalan ko. “P-Paano n’yo nalaman pangalan ko?”
Nilabas nito ang isang envelop at kinuha ko ‘yun. Binuksan ko ‘to at nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko ang sarili ko dito. Nakangiti ako habang nakaharap sa aking Diyos, nakapikit at halatang nagdadasal ako.
Ang iba pa ay nakikipaglaro ako sa mga bata na nasa ampunan.
Iba’t ibang klase ang picture doon, hindi ko alam bakit ganito. Bakit may mga picture ako dito.
“Kailangan n’yo na po maligo para masabayan n’yo po si Master sa pagkain.”
“A-Ayoko. H-Hindi ako kakain!” sagot ko sa kanila pero parang wala silang narinig.
Sabay sabay sila sa aking lumapit. Nagulat ako na pilit nilang hinuhubad ang damit ko kaya naman napaiyak ako.
“W-Wag po! G-gusto ko na po umalis!”
“Ija…” may pumasok na isang matandang babae. “Gumayak ka dahil nand’yan ang pamilya mo sa baba.”
“A-Andyan po sila?” tumango ‘to.
Kaya naman hindi na ako pumalag nang kunin ako ng isang kasambahay saka pinasok sa cr. Nagulat ako sa laki ng Cr. Sa bathtub ay may gatas doon, hindi ko alam kung bakit kailangan pa 'yun. Kakaiba ang amoy at napakasarap sa pakiramdam nang amoy. Inalalayan nila akong maupo doon, at ang sarap sa pakiramdam.
Hindi nila hinayaan na sabunin ko ang katawan ko. Sila mismo nagsabon nito, halos sampong minuto ako nagbabad at pinatayo nila ako para pumunta ako sa shower.
Sa paglabas ko nang Cr ay nakalatag doon ang susuotin ko. Isang magandang dress ang nandoon at hanggang ilalim na tuhod ang haba. Sinuot ko muna ang underwear ko, may lumapit sa akin at pinaupo ako sa isang upuan.
Sinuklay ng isa ang mahabang buhok ko. Pinapatuyo n'ya ‘to habang nakaupo ako. Nilagyan nila ako ng isang pampapula sa labi. Pinatayo ako at sila mismo nagsuot sa akin nang isang pulang dress.
“Tara na sa ibaba, Ma’am Rylie.”
“T-Tulungan n’yo po ako makatakas. Ayoko po dito.” nanginginig na sabi ko. “H-Hindi ko po gusto dito. N-Natatakot po ako…” bumuhos muli ang luha ko dahil sa pagmamakaawa ko.
Huminto sila at pinunasan ang mukha ko. “Wag po kayo umiyak. Wala naman pong gagawin sa in’yo nang masama si Master.”
Umiling ako. “Gusto n’ya kunin ang puri ko. H-Hindi pwede dahil isa akong---”
“Miss Rylie, kung magmamatigas ka ay baka mapaano ka. Hindi mo alam kung paano magalit si Master kaya sundin mo na lang kung ano gusto n’ya.”
Nanginginig ang labi ko. Wala na akong magawa kung hindi sumama sa kanila. Pinunasan muli nila ang aking mukha bago kami pumasok sa kusina.
Nandoon ang mama kasama si Reine at ang aking amain. Nakangiti ‘to habang nakaharap sa isang lalaking nakakatakot.
“Rylie!” napatingin ‘to sa akin at umiling ako.
Tumayo ang lalaking ‘yun at saka ginaya ako paupo sa isang upuan. “Ija, s’ya ay isang Montemayor, s’ya ang may-ari ng mga mall dito sa bansa natin at ibang mga hotel. Isa sa pinakamayaman buong Asya.” pagpapakilala nito sa akin.
“W-Wala akong pakialam.” madiin na sagot ko at mukhang hindi nito nagustuhan ang sinagot ko.
“Pagpasensyahan mo na, Sir. Sadyang matigas lang ang ulo nito---”
“Gusto ko na umuwi.”
Tumulo ang mga luha ko. “Magtratrabaho na ako. B-Basta gusto ko na umuwi.” nanginginig ang boses ko. “A-Ayoko dito---”
“Napakaarte mo! Salamat ka maganda buhay mo! Edi sana ako na lang pinagbayad ni mama!” umiling ako dito. “Sarap mo sabunutan! Sobrang iyakin mo---”
“Shut up!”
Isang malamig na sigaw ni Sir. Montemayor at nangibabaw sa buong paligid at natahimik si Reina. “Pasensyahan n’yo na po ang bunso ko---”
“Binigay ko na sa in’yo ang pera hindi ba? Umalis na kayo.” malamig na sabi nito kaya napatingin ako sa kan’ya.
“O-Opo.”
Nanginginig na tumayo si Mama at tumayo ako pero hindi ako hinayaan ng mga kalalakihan na ‘yun na lumapit dito. “Mama! Sama ako! Mama!”
May humawak sa baywang ko at napatingin ako do’n. “Akin ka na. Nabili na kita. Akin ka, sa akin ka na.” nanginginig ang ako sa takot at unti-unti ako nanghihina. “Wala na silang magagawa, unless? Gusto nila mamatay.”
Mas lalo akong natakot sa narinig ko. Lumapit ang labi nito sa aking pisnge at hindi na ako napalag dahil sa takot ko.
Hinila ako nito paupo sa isang upuan at agad ako binigayan ng pagkain nang mga kasambahay. Tulala ako habang tumutulo ang luha ko, hindi ko alam ano gagawin ko. Tuluyan na ako binenta at hindi na ako may-ari ng pagkatao ko.
“Eat, baby…”
Umiling ako dito.
Dahan-dahan akong tumayo at naglakad palayo doon. Wala akong kalakas-lakas habang naglalakad. Tumutulo pa rin ang luha ko, gusto ko na umalis.
Ayoko dito.
Lord, tulungan mo ako.
Muling may pumalibot sa baywang ko. May humalik sa pisnge ko pababa sa leeg ko. Nanginginig ang katawan ko. “Ikakasal tayo bukas na bukas at wala ka na magagawa do’n.”
Umiling ako at humarap sa kan’ya. “Tagapagsilbi ako ng Diyos kaya hindi pwede---”
“Ako ang masusunod. Wala ka na magagawa pa sa gusto ko.” napakapit ako sa kanyang braso.
“H-Hindi pwede…”
Ngumisi ‘to sa akin at muli nanghina ang buong katawan ko.
Wala na akong kawala pa.