“Hindi ka pa ba titigil sa kakaiyak mo?”
Napatingin ako sa isang babaeng nasa dulo nang kama ko. S’ya ang nagsisilbi sa akin, laging nakasunod at para bang sa bawat galaw ko ay lagi s’yang nakabantay sa akin. Hindi mawala wala sa isipan ko ang sinabi ni Sir. Montemayor kanina na kinabukasan din ay ikakasal kami.
Parang ayoko na matulog dahil doon.
“Inuubos mo lang ang luha mo, Ija…”
“G-Gusto ko lang naman po umuwi. Ayoko po dito.” nanginginig ang boses ko habang sinasambit ko ‘yun.
“Ija, walang nakakalabas dito ng buhay.”
Mas lalong nilukob ng takot ang puso ko sa narinig ko.
God, please. Help me. Ayoko pa mamatay, gusto ko pa magsilbi sa’yo, God. Ayoko masayang ang buhay ko.
“M-Mamatay po ako?”
“Hindi ka n’ya sasaktan basta sundin mo lang ang gusto n’ya.” napatitig ako sa kan’ya at pinunasan ang luha ko. “Ikakasal ka sa kan’ya bukas, kaya kailangan mo maghanda.”
Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam anong oras na pero gutom na gutom na ako. Pagkatapos ng nangyari kanina sa ibaba ay tumakbo ako palayo dito. Hindi ko kabisado ang bahay kaya hindi ko alam saan ako napupunta. May kumuha lang sa aking kasambahay at dinala sa loob ng kwarto na ‘to.
“Ayaw mo ba makaahon ka sa buhay? Parang hindi maganda ang trato nang pamilya mo sa’yo? Narinig ko lang usapan nila na nanghingi pa nang sampong milyon ang mama mo kay Master.”
Bumuhos muli ang luha ko dahil sa narinig ko.
“Kung ako sa’yo? Dito ka na lang. Sa totoo lang mas maganda ang buhay mo kung nandito ka---”
“Pero gusto ko po magsilbi sa diyos.” nagulat s’ya sa sinabi ko at para bang hindi makapaniwala na lumabas ‘yun sa bibig ko. “Sa kan’ya ko lang po gusto ibigay ang buhay ko.”
“Seryoso ka ba d’yan?” tumango ako dito at pinunasan ko ang luha ko. “Hindi biro kalaban si Master, at kung sakaling tatakas ka? Baka hindi mo rin makita ang pamilya mo na buhay.”
Gano’n ba s’yang tao? Nakakatakot s’ya. Hindi ko aakalain na makakilala ako nang gano’n tao sa buong buhay ko. Alam ko wala akong karaptang manghusga pero marinig ang bagay na ‘yon ay sobrang nakakatakot at alam ko agad saan ang bagsak n’ya pagnawalan na s’ya nang buhay.
Bumukas ang pinto at may muling pumasok.
“Hindi ka ba kakain?” Napaantras ako sa kama ko.
Yumuko ang babaeng kausap ko kanina at saka lumabas ng kwarto kung nasaan ako.
“Mamamatay ka sa gutom kung hindi ka kakain.”
Hindi ako sumagot dito. Takot ang nararamdaman ko at napayakap ako sa sarili ko. Huminga ako nang malalim at pilit ko sinasalubong ang kanyang mga tingin sa akin pero hindi ko magawa. Lumapit s’ya sa akin at naupo sa kama kaya naman muli akong napaantras.
“I won’t hurt you. You heard me?”
“P-Paano ako makakasiguro?”
Tinaas nito ang kan’yang kamay para sana haplusin ako pero agad ako napalayo sa kan’ya. Huminga s’ya nang malalim at saka nilahad sa akin ang kanyang kamay.
“Promise…”
Tumitig ako sa kanyang mga kamay. “Hindi kita sasaktan. Hindi ko hahayaan na saktan ka nila dahil kaya kitang protektahan kahit saan…”
Tinaas ko ang tingin ko sa kanyang mga mata. Hindi ko alam bakit pakiramdam ko nagsasabi s’ya nang totoo? Bakit parang nakukuha n’ya ang loob ko. Dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko pero agad kong binawi ‘yun. Tumulo muli ang luha ko at agad s’yang lumapit sa akin.
“N-Natatakot ako…”
Napahinto s’ya sa sinabi ko. “A-Ayoko, n-nakakatakot ka.”
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. “Hindi naman kita sasaktan. Basta sundin mo ang gusto ko at susundin ko ang gusto mo.”
“A-Ayokong pakasalan ka.”
Nakita ko agad ang galit ng kan’yang mga mata dahil sa sinabi ko. Kaya naman mabilis akong kumilos at bumaba sa kama. Lalabas sana ako nang kwarto pero agad n’ya hinuli ang aking braso at saka hinagis sa kama.
Lumapit s’ya sa akin at akala ko sasaktan n’ya ako pero nagulat ako nang pawiin nito ang luha ko gamit ang kanyang daliri.
“Hindi kita sasaktan pero kaya kong patayin ang pamilya mo.”
Natulala ako sa binulong n’ya. Naramdaman ko ang kan’yang kamay sa kamay ko at dinala sa kanyang labi. Hindi ako makakilos dahil sa kanyang sinabi. Natatakot ako na baka mawala ang pamilyang iningatan ko.
“Do you heard me, baby? You will marry me. Kumain ka sa ibaba at samahan mo ako o gusto mong papuntahin ko ang mga tauhan ko sa bahay n’yo para patayin silang lahat.”
Sunod-sunod tumulo ang mga luha ko. Binangon ako nito at saka inalalayan na tumayo. Lumabas kami nang kwarto habang hawak hawak nito ang baywang ko.
"Wipe your tears.”
Agad kong sinunod ang gusto n’ya. Bumaba kami nang hagdan at saka dumiretso kami papunta sa kusina. Hindi ko maiwasan iikot ang aking mga mata sa buong lugar. Sobrang laki nito, kahit dalawang palapag lang ay sobrang luwang. Maraming kwarto kami nadaanan kanina sa taas baho makapunta sa hagdan.
Sobrang laki at lawak din nang hagdan n’ya.
Pumasok kami sa kusina at agad pinaupo. Umupo s’ya sa gilid ko at agad nilagyan nang pagkain ang plato ko.
“Eat more, ang payat mo.”
Nanonood lang sa amin ang mga kasambahay. Hindi ko na rin natiis ang sarili ko na tahimik akong kumain. Hindi ko pinansin ang titig n’ya habang tahimik akong kumakain.
“Ano ‘to?” nagulat ako nang hawakan n’ya ang braso ko. “Bakit may pasa ka?” nilayo ko sa kan’ya ‘yun at tahimik na lang ako na kumain.
Nang mabusog ako at hindi ako gumalaw. Tapos na din s’ya kumain at may binigay sa akin ang isang kasambahay.
"Drink it.”
Agad ko sinunod ang gusto n’ya. Nang maubos ko ‘to ay nagulat ako nang bigla akong nahilo. Napahawak ako sa gilid ko at saka tumingin kay Sir. Montemayor. Nakangiti lang ‘to habang nakatingin sa akin. Dahan dahan dumilim ang paningin ko.
.
Nagising ako dahil sa lamig. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko, hindi ‘to ang kwartong kanina na tinulugan ko.
Nagulat ako nang may gumalaw sa tabi ko kaya naman napabangon ako. Saka ko lang napansin na wala akong saplot. Hindi lang ‘yun, masakit ang buong katawan ko lalo na ang pagitan nang hita ko.
Alam ko kung ano nangyari sa akin. Alam na alam ko.
Tahimik akong umiiyak sa tabi n’ya. Hindi ko pinansin na nilalamig ako, basta na lang tumutulo ang luha ko. Masakit ang buong katawan ko at sobrang lamig nang pakiramdam ko. Dahan dahan akong kumilos para makababa pero nalaglag lang ako sa kama.
Hindi ko maiwasan mapadaing.
“Rylie!” hindi ko pinansin ang tawag n’ya.
Naramdaman ko ang hawak n’ya sa akin pero tinulak ko s’ya. Tahimik lang tumutulo ang luha ko pero hindi s’ya napatigil. Binuhat ako nito at saka dinala sa kama. “Ang init mo.”
“Y-You raped me.” nanginginig ang boses ko habang kinakapa n’ya ang leeg ko. “H-Hayop ka.”
Hindi ko maiwasan murahin s’ya dahil sa ginawa n’ya sa akin. Napatigil s’ya at saka tumawa na parang demonyo.
“Sa akin lang din naman ang punta mo? Kaya bakit pa natin patatagalin.”
Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na umiyak nang umiyak. Wala na akong magagawa dahil nakuha n’ya na ang puri ko, ang puri ko na iniingatan ko. Hindi na ako birhen, nawala na lang ‘to bigla.
Patawad.
Hindi ko iningatan masyado ang sarili ko kaya nakuha na lang ‘to bigla.
“Oo, eto ako. Demonyo ako at sa akin ka mapupunta. Naiintindihan mo ba?” hindi ako sumagot.
Naramdaman ko ang halik n’ya sa labi ko. Kahit na iiwas ko ang mukha ko pero pilit n’yang hinahabol ‘to nang kan’yang labi. Wala akong magawa dahil nanghihina ako, masakit ang buong katawan ko at wala akong laban sa malakas na katawan n’ya.
“Baby…”
Bawat balat ko at dinaanan ng kan’yang labi. Pakiramdam ko ay isa na akong maruming babae. Wala man ako magawan para sa sarili ko, hindi ko alam anong ginawa ko para mapunta sa ganitong kalagyan. Wala akong magawa para mapunta pa dito, ang hirap hirap at ang sakit sakit.
Binuhat na ako nito.
Hindi ko alam saan n’ya ako dadalin, pero pakiramdam ko? Hindi ko na pag mamay-ari pa ang katawan ko na ‘to.
Naramdaman ko na lang ang sarili ko sa isang warm water. Hindi ko maiwasan mapadaing dahil sa sobrang sarap. Hindi ko maigalaw ang katawan ko pero alam kong nand’yan s’ya at nakaalalay sa akin. Naramdaman ko din ang pagsampa n’ya sa Bathtub at saka pinatong ang likod ko sa kan’yang dibdib.
Sinimulan nito hawakan ang buong parte nang katawan ko. Kahit pilit ako umiiwas ay wala na akong magawa pa. Huminga ako nang malalim at dinilat ang aking mga mata. Tinaas ko ang ulo ko para tignan s’ya at nanlaki ang mga mata ko.
Bakit nag- iba ang kulay ng kan’yang mga mata. Hindi ko makalimutan ang kan’yang itim na itim na mga mata kanina na ngayon ay kulay berde na. Pilit akong gumagalaw, ibig sabihin? Ibang tao s’ya.
“S-Sino ka?” hindi ko mapigilan itanong.
“Hmmm. Montemayor.”
Iisa sila, pareho sila nang boses. Dahan-dahan kong hiniwalay ang katawan ko sa kan’ya at hinayaan n’ya ako. Muntik na tumama ang ulo ko sa gilid kung hindi n’ya ‘to nasalo. Med’yo maayos na ang pakiramdam ko nang iahon n’ya ako.
Nakatulog ako at nagising ako na maganda na pakiramdam ko. Bumaba ako sa kama pero napadaing ako sa sakit. Hindi pa rin ako makakalakad dahil sa sakit. Bumukas ang pinto nang kwarto at nakita ko s’ya.
Itim na muli ang kan’yang mga mata.
“Y-Your eyes…”
Hindi s’ya nag salita. Tinulungan ako nito tumayo habang ako ay nakatingin sa kan’yang mga mata. “B-Bakit iba mga mata mo?”
“You are just dreaming…” umiling ako dito.
“Hindi…” sagot ko dito. “Napaka ganda ng mga matq mo kagabi.” napatingin sa akin ‘to dahil sa sinabi ko. “Hindi ko makalimutan ‘yun.”
Binuhat na ako nito.
Isang maluwag na damit ang suot ko habang buhat-buhat n’ya ako. Hindi ko maiwasan mapatingin sa kanyang mga mata.
Ang nangyari kagabi, nakuha n’ya ako. Ginawang pambayad sa utang at ngayon? Wala na. Huminga ako nang malalim at napangiti na lang ng mapait.
God, alam kong binigay mo sa akin ‘to. Alam ko na hindi mo sa akin ibibigay ‘to kung hindi ko kaya. Sayo lang ako maniniwala, kung ‘to ang binigay mo ay wala na akong magagawa pa kung hindi tanggapin ‘to.
Binaba n’ya ako sa hapag kainan. Agad akong binigyan nang pag kain at gano’n din s’ya. Nag dasal ako nang mahina bago pa ako kumain, natapos ako kumain ay may gustong ipainom sa akin ‘to.
“N-No…”
“This is anti- biotic. Kaya hindi ka makalakad dahil may sugat ka sa loob.”
Napatitig ako sa kan’ya at umiling. Kinuha n’ya ang cellphone n’ya saka may tinype dito. Pinakita sa akin at binasa ko ‘yun, napatango ako at saka ko bigla ko ‘tong ininom. Binigyan muli ako nito nang gatas pero agad kong tinabig ‘yun.
“Rylie…”
“A-Ayoko! Alam ko ano gusto mong gawin.” huminga s’ya nang malalim at may sinenyas sa mga kasambahay.
Binigyan muli ako nang gatas at nagulat ako na s’ya uminom no’n. Walang nangyari sa kan’ya kaya naman ininom ko ang natira. Pinainom din ako nito nang tubig at saka may lumapit sa aking kasambahay.
“B-Bakit?”
“It’s your wedding day, Madame.” the woman said while staring at me using her cold eyes.