Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa suite ng umiiyak. Basta natagpuan ko na lang ang sarili ko na papasok sa loob. Hindi ko alam kung san ko nailagay ang cellphone ko pero baka nabitawan ko kung san san at wala na kong balak balikan. Sa pag pasok ko sa suite ay nakita ko si Saimon na namumutla habang hawak ang cellphone, kasama nya si Simon, Davin at Raj.
"A-Angel." ngumiti lang ako ng tipid sa kanila.
Kinuha ko ang bag ko at kumuha ako ng isang tshirt at isang short, buti na lang may dala akong extrang panloob. Pumasok ako sa loob ng cr at binanlaw ang sarili ko. Hindi ako nag tagal sa loob at lumabas na ko na naka bihis. Hindi ko tinignan si Saimon dahil naalala ko ang eksenang kanina ko lang nakita. Pinatuyo ko ang buhok ko at saka humiga sa tabi n'ya.
"A-Angel..."
Tumagilid akong patalikod sa kanya at saka ko pinikit ang mata ko. Nasaktan ako sa nakita ko kanina lang at hindi n'ya pa ko hinanap. Nakatulog ako na sobrang bigat ng aking nararamdaman.
Nagising ako at bumungad sa akin ang muka ni Saimon. Kinusot ko ang aking mga mata at saka bumaba sa kama. Pumasok ako sa Cr upang mag hilamos at saka mag toothbrush, nang lumabas ako ay maayos na ang mga gamit namin.
"N-Nauna na sila Davin umuwi." tumango lang ako sa kanya.
Kinuha ko ang bag ko at nauna akong lumabas ng suite namin at hindi ko na sya hinintay. Sumakay ako sa elevator ng bumukas 'to at agad sya pumasok. Ramdam ko ang titig nya sa akin pero hindi ko sya tinapunan ng tingin.
"Kumain muna tayo bago umalis."
"Hindi ako gutom." malamig na tugon ko sa kanya at narinig ko ang pag buntong hininga nya.
Bumukas ang elevator at saka ako naunang lumabas sa kanya. Pumunta agad ako sa pinaradahan nyang sasakyan, umilaw ito at saka ako mabilis na pumasok sa loob sabay pikit ng aking mga mata.
"Angel..."
Naramdaman ko ang kamay nya sa kamay ko pero mabilis kong inalis 'yon. "I'm sorry, okay." naramdaman kong tumulo ang luha ko pero agad kong pinunasan 'yon.
Nag simula ng umandar ang sasakyan n'ya at ako naman ay pumikit lang. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakatulog sa dalawang oras mahigit na byahe namin. Walang nag salita sa aming dalawa habang nasa byahe kami at pakiramdam ko sobrang bagal ng dalawang oras ngayon.
Ganon ba talaga? Pag masaya ka mabilis ang oras pero pag nasasaktan ka bumabagal?
Nang makarating kami sa harapan ng bahay namin ay mabilis kong tinanggal ang seatbelt ko.
"Angel, please. I'm sorry."
"M-Mag hiwalay na tayo."
Nagulat sya sa sinabi ko. Tumulo ang luha ko pero agad kong pinunasan. "Angel, y-you're just joking right?"
"N-No."
"Damn it! Ano ba nang yayare?"
"I saw you! I saw you last night! M-May kasama kang babae, y-you touched her." umiiyak na sabi ko.
"Hinawakan ko lang s'ya sa bewang! Wala kaming ginawa."
"What if may humawak sa aking lalake sa bewang ko? Ano mararamdaman mo? Humawak ako sa dibdib ng ibang lalake?"
"Don't you dare!"
"That's my point! Nasaktan ako kagabi! Alam kong sinasabi sa'yo ni Simon bakit hindi mo man ako sinundan?!"
"A-Angel..."
"Oh shut the f**k! Let's break up!"
Mabilis kong pinunasan ang luha ko at saka lumabas ng kotse nya. Inayos ko ang sarili ko bago ako pumasok sa gate. Huminga ako ng malalim saka nag tuloy tuloy papasok sa loob.
"I'M HOME!" Masayang sigaw ko sa loob ng bahay kahit kabaligtaran na 'yon ang nararamdaman ko.
Walang lumabas kahit san sa pag uwi ko. Kaya naman pumasok ako sa kusina at nakita ko silang lahat don na tahimik na kumakain.
"Sumigaw ako nandito na ko pero bakit walang sumalubong?"
"We're busy." sagot ni Lander habang kumakain.
"Daddy!" masaya akong humalik sa pisnge ni daddy at sumunod naman kay Mommy. Tinitigan ako ni Mommy at nag iwas ako ng tingin.
"Kumain ka na ba?"
"Hi Ate, asan kiss ko?"
"Hindi pa po daddy."
Mabilis akong lumapit kay Lana para halikan ito sa pisnge at pinang gigilan ang kanyang leeg. "Bumyahe kayo ng hindi pa kumakain?"
"Inaya ko na kasi agad dahil gusto ng umuwi." pang sisinungaling ko. "Saka daddy alam mo bang may nakilala ako, fan daw mo daw ang Mommy n'ya sobra. Hanggang ngayon daw may poster daw sila ng mga muka mo." pag mamayabang ko. "See? Kahit laos ka na, sikat ka pa rin sa mga totoong humahanga sa'yo. Pero ako parin ang number one fan mo!" pag mamayabang ko pa at natawa ito.
"Hay nako. Ano ba gusto mo? Alam ko ang ganyang galawan e."
"Daddy, nawala cellphone ko."
Natawa ng malakas ang mga kapatid ko at kahit si Mommy ay natawa din. Lumapit ako kay Daddy at niyakap ito. "Please, daddy. Hindi ko alam kung san nalag lag kasi sobrang saya don."
"Okay, Okay. Order tayo later. Eat first." hinalikan ko ulit sya sa pisnge bago pumunta sa tabi ni Lander.
Tumayo na si Mommy para bigyan ako ng pag kain. Nag pasubo ako kay Lander pero tumayo lang sya at lumipat kay Lana. Napairap ako sa kanya at saka hinintay ko nalang ang pag kain na hinahanda ni Mommy.
Kahit anong pilit kong ngiti ay nasasaktan pa rin ako. Pumapasok sa isipan ko ang eksenang nadatnan ko kagabi. Kung paano haplosin ang babaeng 'yon ang kanyang hubad na dibdib, ang pag lapat ng kanyang kamay sa bewang nito.
"Anak ayos ka lang?" napatingin ako kay Mommy na nakaupo na pala.
Tumingin ako sa harapan ko kung nasan ang nakahanda kong pag kain. Mabilis ko itong ginalaw at naka isang subo ako ng biglang nag salita si Daddy.
"May nakaaway ka ba sa mag pipinsan?" napatingin ako kay Daddy dahil don.
"M-Mag kakaayos din po kami." kahit hindi.
"Mabuti na lang. Simulan mo ng kumain, isasama kita sa mall para makapamili ka cellphone."
Mabilis kong sinimulan ang pag kain habang nakangiti. Kaya naman ng maubos ay uminom ako ng isang basong tubig saka umakyat papunta sa taas. Binuksan ko ang kwarto ko at saka mabilis pumasok sa CR. Mabilisan lang ang pag ligong ginawa ko, sinuot ko ang isang dress na niregalo sa akin ni Ninong Rj na gawa ni Ninang Kyla.
Isa syang dress na hanggang hita, sobrang simple pero makikita mo ang ganda. Sleeveless sya pero kita ang pusod ko. Isa syang kulay asul na bestida.
Mabilis ko kinuha ang isang regalong natanggap ko galing kay Ninang Gabriella, isang sandals 'yon na kulay itim na may three inches na taas. Kinuha ko din ang isang bag na galing kay Ninang Mel, isang itim na bag din 'yon na bagay sa suot ko. Inayos ko ang sarili ko at nag lagay ako ng manipis na make up.
"Ate! Matagal ka pa daw ba dyan sabi ni daddy?"
Mabilis kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at nawala ang ngiti ko ng makita ko pareho kaming suot. "San mo nabili yan?" naiinis na tanong ko.
"Gift sakin 'to nila Tita Gabriella, nong birthday mo." sagot nya sa akin.
Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto ko at bumaba ng hagdan. Agad ako lumapit sa telepono at tinype ang number ni Ninang Kyla.
"This Rhaine Smith, What can i do for you?"
"Si Mommy mo Rhaine?" i asked her.
"MOMMYY! SI ANGEL, HANAP KA." malakas na sigaw nito.
"What is it, Ija?"
"Tita, niregaluhan mo din si Lana ng same dress sa akin? Bakit same kami? Ayoko ng may kapareho." naiinis na sabi ko at narinig ko ang tawa nya.
"Kasama ko sya non na nag dedesign ako ang sabi nya gawa ko din sya."
"Eh! Dapat ibang color na lang eh." nakangusong sabi ko.
"Next time, Okay? I have to go na."
"Okay po. I love you."
"I love you too."
Mabilis kong binaba ang tawag at sunod naman ay kay Ninang Mel. Mabilis kong tinawagan ang landline nila at mabilis naman ito sumagot. "Yes, This is Mel Parker."
"Ninang! Ni gift mo din si Lana ng same bag tulad ng sakin? Why? Bakit hindi ibang kulay?" mabilis na sabi ko. "Ayoko na."
Narinig ko ang mahinhin nyang tawa. "Kasama ko sya non sa mall, silang dalawa ni Riella. Gusto nya din, kahit si Riella meron non."
"Ninang naman e."
"Let her okay? Kapatid mo 'yan. Next time iibahin ko, don't worry. I love you."
"Okay! I love you too."
Mabilis kong pinatay ang tawag at sunod naman ay si tita Gabriella. Naka ilang tawag pa ko bago ito sumagot.
"Ninang!" nauna ko ng tawag. "Bakit pareho kaming heels ni Lana? I hate it! Dapat di mo na sya binili, ako lang dapat. Or dapat binili mo sya ibang color, Pareho tuloy kami. Pupunta kaming mall nila daddy tapos pareho kami ng suot."
"My mon is not here, umalis na sya kani kanina lang."
Nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang boses ni Saimon. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko at napabuntong hininga ako. "Ah thanks."
"A-Angel sor---"
Mabilis kong pinatay ang tawag at humarap kay Lana na nakangiti. Umirap ako sa kanya, si daddy naman ay mahinang natawa sakin. Humawak na ko sa braso nya at sabay sabay kaming pumunta ng kusina para humalik kay Mommy.
"Mommy! Ba't ikaw pa nag huhugas n'yan? May kasambahay po tayo." sabi ko sa kanya.
"Kaya ko naman anak e. Mag iingat kayo ah."
Humalik ako sa pisnge ni Mommy at si Mommy ay yumuko kay Lana para halikan din ito. Ang huli naman ay si daddy sa labi. Kinilig pa ko sa kanila bago kami umalis na tatlo. "Dad, bili mo kong chuckie ah." sabi ni Lander na nakasalubong namin.
"Maraming chuckie sa ref, Lander." sigaw ni Mommy kaya naman mabilis syang tumakbo don.
Lumabas na kami sa bahay at sumakay si Lana sa backseat. Ako naman ay sa frontseat, mabilis sumakay si Daddy sa kanyang kotse at ako naman ay inayos ang ipod. Pinatugtog ko ang kanyang kanta noong Dec 24, gabi ng kinantahan nya si Mommy pero sinaktan nya lang din.
"Enough, Angel."
Natawa ako ng mahina at mabilis pinalitan ang kanta. "Daddy, noong nakita ni Mommy na may kasama kang babae? Ano ginawa nya?"
"Hindi naman nya ko nakita... I mean hindi naman ako humahawak sa babae pag off cam. Lumalayo ako dahil alam kong magagalit ang mommy mo. Kahit kasal na kami non ay pinag patuloy ko ang pagiging singer ko pero wala na kong tinatanggap na project sa mga aktingan. Ayoko ng may ka loveteam dahil ayokong nakikitang malungkot ang mommy mo." napatango ako.
Inisip ko ang ginawa ni Saimon kagabi, bakit di nya inisip na pag ginawa nya 'yon ay masasaktan ako? Sa tuwing nakatalikod ba ko ganon ang ginagawa nya? Nambabae s'ya? Pero ang sabi n'ya hindi s'ya ganon.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit na naman ng nararamdaman ko. Ilang beses nya ginawa sa akin yung ng hindi ko alam? Bakit di sa akin sinasabi nila Simon? Bakit kailangan nilang gawin sa akin 'yon?
"Ate are you okay? Why are you sad?" napatingin ako kay Lana na kanina pa pala nakatingin sa akin.
"Wala wala. Kasi yung phone ko madaming pictures natin 'yon. Hindi ko pa na se save sa laptop." kinagat ko ang ilalim ng labi ko dahil sa ginawa kong pag sisinungaling sa kapatid ko.
"Picture lang 'yon, Anak. Gusto mo pagbili natin mag picture tayo ng marami. "
"Really daddy? Public place?" natatawang sabi ko.
"Pag dating sa bahay."
Nang makarating kami sa Mall ay agad syang nag suot ng facemask and also cap at isang itim na jacket. Kahit hindi na kumakanta si Daddy ay sikat pa rin s'ya, even sa mga kabataan kilala sya dahil sa mga mommy nila na humahanga dito na kasing edad ni daddy. Hinawakan namin si Lana at sabay sabay kaming pumasok sa loob.
Mabilis namin inuna ang pag bili ng phone. Tumingin ako ng mga latest at isa isa kong tinignan 'yon. "Daddy, i want phone po like ate."
"Ayaw!" sagot ko sa kanya. "Hindi, iba dapat tayo."
"Hey, Baby girl. She's Lana not other." ngumuso ako.
"Daddy kasi e."
"Saka bawal pa, Lana." dumila ako kay Lana at pumunta ako sa dulo. Napangiti ako ng makita ko ang isang itim na iphone . Mabilis kong tinuro ito kay daddy , binuhat nya si Lana at sakat lumapit sa akin.
"Okay."
"Ma'am, bagong dating 'yan."
"Yan po bibilin namin." nakangiting sagot ko sa nag babantay. Nicheck ko muna at ganon din ang ginawa ni Daddy. Bumili din kaming Sim na Globe at nag pakabit na. Pinatempered glass na at saka nya ito binayaran.
"Daddy, i want too. Kahit na small lang ayon oh." turo nya sa iphone five s. "Please, daddy. Small lang s'ya, saka para diba pag tapos na class namin i can call you na po para sunduin ako." napairap ako sa kapatid ko.
"Okay, Okay."
Pumalakpak si Lana at binili sya ni daddy ng iphone 5s. Nag pabili na din akong isang case na color Red at si Lana naman ay pink ang binili.
"Ate! Si Kuya Saimon oh."
Tumingin ako sa tinuro nya and i saw Saimon with his brother also Davin. Umiwas ako ng tingin at saka pinag patuloy ang pag check ng bagong phone ko.
"KUYA SAIMON! KUYA SIMON! KUYA DAVIN!"
Napapikit ako sa malakas na boses ng kapatid ko. Ngayon nakita na nila kami kaya naman ay wala akong nagawa kundi tumingin sa kanila. Napaawang ang labi ni Saimon ng nag tama ang paningin namin. Tumingin ako kay Daddy na buhat buhat pa rin si Lana. "Hey, enough. Lower your voice."
"Daddy, where's next?" i asked him.
"Arcade."
"No!" malakas na sigaw ko. "Ayoko don. Crowded, mabubunggo lang tayo, right dad?"
"Ate is right, Lana. Bumili na lang tayo ng gusto nyong kainin." mabilis akong ngumiti.
"Magandang umaga po Ninong Lyricko." magalang na bati ni Saimon.
"Morning." humihikab na bati ni Simon.
"Bakit kayo nandito? Diba kauuwi nyo lang, hindi ba kayo pagod?" nakakunot na tanong daddy sa mag kapatid.
"Natulog po ako ng konti." sagot ni Simon. Umiwas ako ng tingin kay Saimon at saka inikot ang aking mata sa loob ng mall.
"Nawala ang phone mo?" napatingin ako kay Saimon dahil sa tanong nya.
"Yeah. Sa batangas, di ko alam kung san ko nalagay." sagot ko sa kanya.
"Dapat sinabi mo sa akin." umiling ako.
"Phone lang 'yon. Kaya naman ako ibili ni daddy kahit ilan." normal na sabi ko.
"You shoul---"
"It's fine, Saimon. Kaya din hindi hinanap ni Angel 'yung phone nya dahil gusto na naman nya ng bago." napabuntong hininga ito.
"I have phone too." Pag mamayabang ni Lana dito.
"You're so cute, Lana."
"Thank you, Kuya Simon. You're handsome too. Pero mas handsome si Daddy."
Napadako ang tingin ko sa s**o at mabilis kong hinila si Daddy. "Daddy, Zagu tayo." nakangiting sabi ko. "Please, Daddy."
"Wala ka bang pera?" Daddy asked.
"Daddy, natatamad ako. Bili na tayo." pilit na hila ko sa kanya para lang makalayo ako kay Saimon.
"I can come with you, Angel."
Inosenteng pumito si Simon dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. "Daddy, Arcade please."
"Lana, ako nauna." sagot ko sa kanya.
"We will go there, Angel. And you Saimon be with my Daugther tapos akyat na lang kayo."
"Daddy, sama na lang pala ako sa inyo." narinig ko ang pag buntong hininga nito pero di ko sya tinignan.
"I see. Si Saimon ang kaaway mo sa mga mag pipinsan, ano nang yare?" nagulat ako sa tanong ni Daddy at mabilis na umiling. "Mag ayos kayong dalawa. Hindi ka sasama sa akin, mag usap kayo." humigpit ang hawak ko kay daddy at wala na kong nagawa kundi bumitaw.
Nag lakad sila palayo sa amin at umiba naman ang daan ni Simon. Tumingin ako kay Saimon na ngayon ay nakatingin sa akin. "Can we just pretend that we're okay or---"
"Angel, we can't. We should talk about what happened last night."
"N-No. W-We're over." i looked away.
Mabilis nyang hinawakan ang braso ko para mapatingin ulit sa kanya. Hinila nya ko papunta sa s**o at pumila don. Mabilis nabaling sa amin ang tingin ng mga kababaihan na tumingin don. Pero s'ya ay nakatitig pa rin sa akin.
"That girl last night... she's nothing." humarap ako sa kanya.
"Wala naman akong pakielam." malamig na sabi ko. "Ayos lang."
Hinila ko ang braso ko pero hinuli nya ulit 'to at tumama na ang katawan ko sa kanya. "S-Saimon please."
"Do you still love me?" nagulat ako sa tanong nya. "M-Mahal mo pa ba ako?" pumagak ang boses nya dahil sa tanong na 'yon.
"S-Saimon, please."
"BULLSHIT! I'M ASKING YOU IF YOU STILL LOVE ME!" nagulat ako sa malakas na sigaw nya. Tumulo ang luha ko sa takot, ang kanyang mata na namumula na para bang iiyak na galit na galit. Humawak pa sya sa akin ng mahigpit. "P-Please, Angel. I'm begging you."
"Y-You cheated on me." nanginginig na sabi ko.
"I'm not, damn it! That girl last night! You know her, okay? She's your friend!"
"You touched her!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
"Muntik na syang mabuwal, dahil lasing na lasing sya. Nahawakan ko lang ang bewang nya, nakahawak ako sa bewang nya dahil mabubuwal sya."
"Naka hawak sya sa dibdib mo!"
"Please, Angel. Binawal ko naman pero ayaw nyang tanggalin." mabilis akong umiling sa kanya at pinunasan ang luha ko. "My beautiful Angel, please."
"I-I hate you."
"Please, hindi ko na uulitin. Hindi na ko lalapit sa ibang babae kahit nadapa sya sa harapan ko, kahit matalisod s'ya... just come back."
Mabilis akong lumapit sa akin at sinubsob ko ang muka ko sa dibdib nya. Hinagod hagod nya ang likod ko sabay halik saking noo.
"Shh, sorry na."
Narinig ko ang sigawan at komento ng mga taong nanonood sa paligid namin. Bigla ako nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa ko, nakalimutan ko panandalian na nasa pilahan pala kami ng Zagu. Sinubsob ko lalo ang muka ko sa dibdib nya.
"My beautiful Angel, don't be shy."
"I'm so shy." bulong ko.
"Hey, let's buy now."
Mabilis kong nilayo ang muka ko sa kanyang dibdib at saka tumango. Nag lakad kaming dalawa papunta sa harapan at saka kami bumili.
"Large po Zagu."
"Ilan po?" nakangiting tanong samin ng babae.
"Isa lang. Hindi naman nya mauubos 'yun." sagot ni Saimon dito na kinapula nito.
Nag labas ito ng pera at mabilis na nag bayad. Pumunta kami sa gilid at kumuha sya ng straw para saa kin. Lumapat ang kanyang kamay sa bewang ko at hinalikan ang sintido ko na kinainit ng pisnge ko.
"Dapat hindi ka na nahihiya. Normal lang sating dalawa ang ganito." mabilis akong tumango.
"H-hindi kasi ako sanay."
"Ilang taon na hindi ka pa rin sanay?" nahihiya akong tumango sa kanya. "Disisais anyos ka pa lang iba na ginagawa natin."
Mabilis ko syang sinapak na kinatawa nya ng malakas.
"Shut up, Funtabella."
"Opo, Mrs. Funtabella."
Nang tumingin ulit ako sa pila at bigla nanaman ako nahiya. Nanonood pala sila sa amin ng hindi ko alam.
~
Hoooy! HAAHAAHHAHAHAHA exam bukas. I goodluck nyo ko saka ipag pray na makapasa!!! :))