TWO

3203 Words
Patuloy ang aming patagong relasyon ni Saimon na sinusuportahan naman ng pamilya pwera lang kay Daddy. Madalas kong makausap si Mommy tungkol sa meron kami ni Saimon at sinasabi ko sa kanya ang bawat lakad ko. Lagi nya kong pinapahalahanan ng kumapit lang at basta wag ko daw sasaktan si Daddy... kahit sa ginagawa kong 'to ay maaring masaktan si Daddy. Nag paalam ako kay Mommy na aalis kami at sya na daw ang bahala kay Daddy. Pumunta kami nila Saimon sa isang resort sa Batangas, kay mommy ako nag paalam at ng nalaman ni daddy ay agad sya sa aking tumawag at sakto non ay naka check in na kami sa La Luz. "Sa mommy mo lang ikaw nag paalam? Pano ako?" Kinagat ko ang ilalim ng labi ko at tumingin kay Saimon. Nasa iisang kwarto kaming dalawa habang sa kabilang kwarto naman ay sila Raj, Davin at Simon. Ako lang ang babae sa aming lima at kami lang talaga ang pumunta, ayaw sumama ni Anjoe o ni Angelo at miski si Lander kung hindi naman daw kasama si Sakenah. "D-Daddy, biglaan kasi." "Kahit na. You should inform me first!" sigaw nito at napayuko ako habang nasa tenga ko ang cellphone. "Ka se seventeen mo pa lang noong isang araw! Tapos umaalis ka ng walang paalam sa akin, Angel!" "D-Daddy, sila Simon naman po kasama ko." sagot ko. "Lyricko, stop it. Let her, kasama nya lang naman sila Saimon." rinig kong boses ni Mommy. "Sweetheart, dapat di mo pinayagan." "Manahimik ka, Lyricko." naiinis na sabi ni Mommy. "Okay, ilang araw kayo d'yan?" Hindi ko maiwasan ngumiti sa sobrang saya. "One night lang, Daddy." "Okay, Good. Text me kung anong oras kayo uuwi?" "Opo! I love you!" "I love you too." Mabilis kong binaba ang cellphone ko at saka dinamba si Saimon ng isang mahigpit na yakap. Hinalikan nya agad ako sa noo, bumaba ang dalawang kamay nya sa maliit kong bewang at saka inayos ako. "Buti na lang pumayag si Daddy, at buti na lang under s'ya ni Mommy." masayang sabi ko. "Ang saya saya ko!" Nilihis nya ang buhok ko sa leeg ko at saka hinipo n'ya 'yon. Nakangiti sya habang nakatingin sa leeg ko kung nasan ang kwintas na binigay nya. Pero agad kong hinubad 'yon. "Bakit mo tinanggal?" "Mag swi swimming tayo sa dagat baka mawala." Mabilis akong tumayo at saka kinuha ang bag na dala ko. Nilagay ko sa bulsa ng aking bag 'yon at hinanda ko na din ang susuotin ko. Nilabas ko ang swimsuit ko at saka isang manipis na dress. Biglang tumabi sa akin si Saimon at tinignan ang aking swim suit, hindi ko maiwasan mamula sa ginagawa n'ya. "Hindi mo 'to susuotin." "H-Huh? Bakit?" "Dahil sinabi ko." "Eh pinag handaan ko 'to, wala na kong dala kundi 'yan." sagot ko sa kanya. Hinila nya ang dala nyang malaking bag at saka may nilabas don. Isang manipis na itim na longsleeve top at isang hapit na hapit na short na hanggang kalahating hita ko. "Mas gusto ko pa 'to." "Saimon naman." Hinawakan nya ang baba ko at saka ngumuso ako. Hinalikan n'ya ang labi ko ng dahan dahan at nilipat nya sa pisnge ko hanggang sa tenga ko. "Choose, mag swi-swimming ka ng ganyan ang suot mo o mag two-two piece ka ng dito lang sa suite natin." napairap ako sa kanya. Wala na kong nagawa kundi sundin ang gusto n'ya, tumayo kaming pareho at kinuha ko ang two piece ko para ipailalim na lang sa longsleeve na itim at isang hapit na hapit na short. Tumalikod ako sa kanya at saka ako nag hubad, pati ang panloob ko ay tuluyan ko ng hinubad at sinuot ang two piece na binili at saka ko pinatungan ng longsleeve na itim at saka short na pula. Humarap ako sa kanya na ngayon ay naka sando at isang swimming trunks. Sinuklay n'ya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri at saka tumingin sa akin. Lumapit s'ya agad sa akin at ngumiti ako. Napaantras ako sa ginawa nyang pag suot sa akin ng isang sunglasses at nag suot din sya. Saktong tapaos kami ay biglang may malakas na kumatok sa kwarto namin. "Ano na?! Nag s*x ba kayo?" Napahawak ako sa pisnge ko dahil sa malakas na sigaw ni Davin. Narinig ko ang mahihinang mura ni Saimon at saka hinatak na ang aking kamay papunta sa pinto at agad nya binuksan. Pabiro nyang sinuntok si Davin na ginawa namin ni Simon at Raj sa likod nito. Pare Pareho sila ng suot at saka nauna silang nag lakad. Lumapat ang kamay ni Saimon sa bewang ko at nag simula na kaming mag lakad papunta sa tapat ng Elevator. Pumipito si Davin na parang may balak na masama habang si Raj naman ay tahimik, si Simon naman ay panay ang ayos sa kanyang buhok. "Wag mo silang tignan. Nandito ako." Mabilis akong tumingin kay Saimon at hinalikan ako sa labi pero sandali lang 'yon. Bumukas ang Elevator at biglang nag tilian ang mga babae ng makita nila ang mga kasama kong kalakakihan. Tumingin ako kay Davin na ngayon ay nakangisi habang si Simon naman ay seryoso pero si Raj ganon pa rin mukang walang pakielam. Humigpit ang hawak ni Saimon sa bewang ko at sya ang huli kong tinitigan. Tinakpan ko ang mata nya at nakita ko ang pag ngiti ng kanyang labi. "Hey, stop it." Mabilis kong inalis ang kamay ko sa kanyang mga mata at napailing sya sa akin. "Hindi ako tumitingin sa kanila." Ngumuso ako at di sumagot. Hindi ko alam kung kailan akong hindi masasanay. Hinalikan nya ang ulo ko sa harapan ng apat na babaeng kasama namin sa loob. "Shet, wala taken." "Meron pa naman tatlo." biro ng isa. Pumito muli si Davin at sinabayan na ni Simon. Pero sure ako wala pa rin pakielam si Raj. Wala naman kasing pinapansin na babae 'yan dahil may Alysa'ng hinihintay sa buhay n'ya. Bumukas na ang elevator ay nauna kami ni Saimon lumabas at sumunod si Raj. Hindi namin alam kung ano ang gagawin ng dalawa pero sanay na kami. Nang makalabas kami ay agad kami pumunta sa isang resto. Tanghaling na at dapat na kami mag simulang kumain. Nakasunod lang sa amin si Raj hanggang makapasok kami don. Nang nakahanap kami ng upuan ay saka namin namataan ang dalawa na parehong may suot na glasses. "Pag kinarma ang mga 'yan, nako." bulong ni Saimon. "Buti na lang ikaw, ako lang mahal mo." nakangiting sabi ko sa kanya. "Wala na kong balak mag mahal ng iba dahil simula pa lang noon sa'yo na ko nakatitig." ngumuso ako at pinisil ang kanyang pisnge. Umupo ang dalawa sa harapan namin habang si Raj naman ay nasa kanan ko. Nakagitna kasi ako kay Saimon at Raj na utos ni Saimon dahil maraming lalake sa loob ng resto na nakatingin daw sa akin. Dumating na ang isang waiter at agad naman binigyan kami ng Menu, binigyan nya ko pero di ko tinanggap. Alam na ni Saimon ang mga gusto ko kaya naman hindi na kailangan tumingin pa para umorder. Nang makaorder na sila ay agad naman lumapat ang kamay ni Saimon sa balikat ko para mas lumapit pa sa kanya. "Inorder kita Green Mango Shake, favorite mo 'yun 'diba?" "Oo." tipid na sagot ko. "Simon, maganda 'yung naka red kanina." "Mas maganda ang naka blue tanga. Kaya nga 'yon ang kinuha kong number eh." "Kaya nga kinuha ko 'yung red kasi 'yun ang maganda." Napailing kaming dalawa ni Saimon sa kapatid nya at pinsan n'ya. Si Raj naman ay nilabas nalang cellphone. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Saimon at hinaplos nya ang pisnge ko. "Wag kang titingin sa ibang babae ah." nakangiting sabi ko. "Wag ka sa kanila tutulad." turo ko sa dalawa. "Muka ba kong ganon?" nakakunot noong tanong nya. Ngumuso lang ako para pigilan ang pag ngiti. "Hindi ako tutulad sa kanya, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko." Tumikhim si Simon at Davin at napatakip ako ng muka dahil sa hiya. Natawa si Saimon sa reaksyon ko kaya wala akong nagawa kundi isubsob ang aking muka sa dibdib nya na mas lalong kinasaya nya. Dumating ang order namin at nag simula na kaming kumain. Tulad ng nang yayare sa tuwing mag kakasabay kaming kumain ni Saimon, pag naubos ko ng mabilis ang pag kain ko, mabilis nya din lalagyan 'yon. Hanggang sa matapos na din s'ya. Kahit naman ayoko na ay hindi mag papaawat si Saimon, sya lagi nasusunod sa pag kain na hindi naman ako nag rereklamo. Nang maubos na ni Saimon ang pag kain nya ay tumigil na sya sa pag lalagay sa plato ko. Inabot nya sa akin ang isang basong tubig na mabilis kong inubos. Sunod naman ang Green Mango Shake. "Excited na kong maligo." nakangiting sabi ni Davin. "Paano nung isang araw ka pa hindi naligo." natatawang sabi ni Simon. "Nakakadiri ka." "Kaliligo ko lang kahapon!" pag mamayabang nya pa at hindi na nahiya sa lakas ng boses nya. Ininom ko ang shake at nauna ng tumayo ang dalawa. Mabilis din sumunod si Raj at naiwan kaming dalawa ni Saimon. Dumapo ang kanyang kamay ko hita ko na hindi ko naman binawal. Ininom ko ang Shake ko ng tahimik at tuloy tuloy. "Wag kang mag madali. Hindi ako aalis." "Hindi ako nag mamadali." sagot ko sa kanya. "Akala ko." i just smiled. Nang maubos ko ang mango shake ay nag stay pa kaming dalawa na halos bente minutos. Saka lang ako nag aya dahil sa babaeng nag tatangkang pumunta sa pwesto namin, mabuti na lang ay sumunod agad si Saimon sa akin. Pinulupot nya ang kanyang kamay sa bewang ko at mukang dismayado naman ang mga babaeng nag tatangka kanina. Nag lakad na kami palabas at dumiretso sa dalampasigan. Nakita ko agad si Simon, Davin at Raj na pinalilibutan ng mga babae. Habang ang dalawa ay sayang saya, si Raj naman ay mukang binagbagsakan ng langit at lupa. "P-Pwede kong hubarin ang top ko?" i asked him. "No." isang matinas na sagot nya. "Saimon, ikaw naman kasama ko. Saka hindi naman ako bibitaw sa'yo." sagot ko sa kanya. "Please, Saimon." "Still No, Angel." Umirap ako sa kanya at saka tumingin sa mga babaeng nag papacute. Pumasok kami sa isang cottage at nakita ko ang iba't ibang gamit don na sa tingin ko ay kela Davin. May pag kain din don na hindi ko alam kung san galing. Umupo ako don at lumayo kay Saimon para ipakita sa kanya na nag tatampo ako. Tumingin ako sa mga babaeng naka two piece habang nag lalakad. "Fine!" Napangiti ako at tumingin kay Saimon na medyo iritado. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinalikan ang labi nya. Hinubad ko na ang pang taas ko at ganon din s'ya. "Tara na!" masayang sabi ko. Hinila ko sya papunta sa tubig hanggang sa hanggang dibdib ang tubig. Mabilis nya kong niyakap sa likod, humarap ako sa kanya at mabilis nya kong siniil ng halik sa labi. Bumaba ang kamay nya sa bewang ko, gumanti ako sa kanyang halik na puno ng pag mamahal. Kahit nasa tabig ako, ramdam na ramdam ko parin ang pang hihina at panginginig ng tuhod ko. Kinuha nya ang isang kamay ko at nilagay nya sa balikat nya. Napaantras ako ng kaunti pero agad din nya kong hinila palapit sa kanya. Bumaba ang labi nya sa panga ko hanggang sa leeg ko. Nakapikit lang ako habang lumalabas ang haling hing saking bibig. Nanginginig at nang hihina pa rin ang tuhod ko na nasa ilalim ng tubig habang patuloy pa rin sya sa kanyang halik. Bumaba pa ito hanggang sa balikat ko at napahawak na ko sa ulo n'ya. "S-Saimon, a-asa public tayo." nang hihinang tawag ko. Nagulat ako ng buhatin n'ya ko at dalin sa mas malalim. Natawa kaming pareho at lumangoy ako palayo sa kanya pero agad nya naman hinuli ang paa ko at napunta kami sa ilalim ng dagat. Naramdaman ko nalang labi nya na nasa labi ko, hindi ko maiwasan mapangiti sa kanyang ginawa kaya naman gumanti nalang ako ng halik kahit nalalasahan namin ang dagat. Mabilis din kaming umahon at natawa. "Nakakagulat ka!" sigaw ko sa kanya. Hinuli nya ang kamay ko at nilagay nya sa balikat nya. "You're so beautiful." napatingin ako sa kanya. Titig na titig s'ya sakin na para bang ako lang nakikita. Ngumiti ako sa kanya ng pag katamis tamis. "Ang layo na natin oh." turo ko sa pwesto nila Davin na may kasama ngayong mga babae. "Hayaan mo. Kesa nandon tayo, mahihiya ka lang." Inalis ko ang kamay ko sa balikat nya at pinunasan ang muka ko. Nilihis nya ang balikat ko ang buhok at naramdaman ko na lang ang kanyang labi don. Humawako sa kanyang buhok habang hinahalik halikan nya ang balikat ko pataas sa king leeg. "Anong oras ba tayo aalis bukas?" "Maaga lang din. Okay lang kahit mauna sila, may sasakyan naman akong dala." nagulat ako sa sinabi nya. "Sasakyan mo na 'yon?" tumingin sya sakin at tumango. "Nung birthday ko pa binigay sa akin ni Daddy 'yon. Tapos ang sinakyan ng tatlo kanina kotse ni Simon 'yon." "Alam kong kay Simon 'yun kasi naiinggit si Davin. Pero bakit eighteen pa lang kayo may kotse na. Si Raj, wala pa ata." "Meron na si Raj pero di nya ginagamit. Si Davin lang wala." napatango ako sa kanya. "So, hindi na tayo mag tataxi pag may de date tayo?" nakangiting tanong ko. "Hindi na po." Mabilis ko syang dinamba ng yakap. Nang unti unting lumalakas ang alon ay napag pasyahan na naming umahon. Mabilis kaming binigyan ni Raj ng isang puting tuwalya. Binalot ko ang aking katawan sa puting tuwalya at saka nag lakad kami papuntang cottage. Nagulat ako ng may kalandian na ang dalawa sa cottage, napatingin sila sa amin at ngumiti lang ako ng kaunti. Inalalayan na ko ni Saimon papunta sa kabilang upuan at saka binigyan ako ng isang plastic cup na may laman na tubig. "Sino nag ayos nito?" tanong ko. "Kami ni Davin. Alam mo naman tamad 'yang boyfriend mo, saka lang yan sisipagin pag ikaw na ang aasikasuhin." Nag init ang pisnge ko sa sinabi ni Simon. "Kuya, ano ba." "Oh, inaano kita?" "Stop teasing her. Nahihiya s'ya e." may halong inis na sabi nito. Natawa si Davin at hinawakan ko nalang kamay ni Saimon para kumalma. Ngumiti ako sa kanya kahit nahihiya pa rin ako at saka sya napa buntong hininga. Inayos nya ang letchong manok na nasa gitna. Nilagyan nya ng maraming kanin ang paper plate ko at saka nya ko pinakain. Iisang paper plate lang gamit namin. Sinusubuan nya ako gamit ng kanyang kamay. Tumingin ako sa dalawang babae na nakatitig sakin, umiwas agad ako ng tingin sa kanila at saka tumingin ulit kay Saimon. "Pag katapos anong gagawin natin?" i asked him. "Rest, tapos lalabas tayo ng gabi dahil may beach party mamaya inimbitahan tayo." "Iinom ka?" "Gusto mo ba?" "Ayos lang." nakangiting sagot ko. Tumango sya sa akin at sinubuan n'ya ulit ako. Nang matapos kaming kumain ay saka kami bumalik. Nauna akong maligo kay Saimon at sya naman ay hinanda ang susuotin ko. Nang lumabas ako na nakatapis ang tuwalya ay agad syang pumasok sa loob ng Cr. Pinunasan ko ang sarili ko at saka kinuha ko ang isang boxer short nya at sando. Hindi na ko ang suot ng panloob dahil aalis naman kami mamaya. Humiga ako sa kama kahit basa pa ang buhok ko, nakaramdam ako ng antok , ngayon ko lang naramdaman ang pagod kaya naman mabilis lang ako nakatulog habang hinihintay si Saimon lumabas ng Cr. Nagising ako wala na si Saimon sa loob ng suite namin. Pumasok ako sa Cr upang tignan kung nandon sya pero wala. Nag palit ako ng damit dahil pumasok sa isipan ko ang beach party na pinag uusapan kanina. Kumuha ako ng isangshort at sandong kulay itim, kumuha din akong blazer na mahaba at sinuot ko 'yun. Kinuha ko ang cellphone ko at nag simula na kong tawagan sya pero nandito ang kanyang cellphone. Wala na kong nagawa kundi lumabas para hanapin sya. Sa pag bukas ng elevator ay may dalawang lalake don na naka swimming trunks, gusto ko man wag sumabay ay wala na kong nagawa kundi pumasok. Sinubukan kong tawagan si Davin, Si Simon o Raj pero walang sumasagot. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko. Bumukas na ang elevator at saka ako mabilis na lumabas. Pumunta agad ako sa dalampasigan at napangiti ako ng namataan ko ang isang lugar na maraming tao. "Miss mag isa ka lang?" napatalon ako sa gulat dahil sa lalakeng nag salita sa likod ko. "H-Hindi. N-Nandon ang kasama ko." turo ko sa maraming tao. "Huh? Ako ang nag paparty nyan. Gusto mo sabay na tayong pumunta don?" mabilis akong tumango. Nag simula na kaming mag lakad na dalawa pero hindi ako nag sasalita. "Anong pangalan mo?" "A-Angel Mendez." nahihiyang sagot ko. "You know Lyricko Mendez?" "My father." sagot ko sa kanya na kinagulat nya. "Really? My mom is a fan, well until now. Meron syang poster ni Lyricko Mendez sa kwarto kahit nga ayaw ni daddy e. Pero wala syang nagawa kundi sundin si Mommy." natatawang sabi nya. "Wala ka bang balak maging tulad nya? I'm sure maganda boses mo." "That's not my thing." sagot ko. "Gusto ko tuparin pangarap ni Mommy." sagot ko sa kanya. "I see." Nang makarating kami sa Party ay nagulat ako ng hindi pa sya lumalayo sa akin. Binilisan ko ang lakad ko at inikot ikot ko ang mata ko para hanapin sila Saimon. "May hinahanap ka ba?" "Oo." tipid na sagot ko. Hindi na ulit sya sumagot pero sa pag lingon ko sa isang lugar ay di ko maiwasan mangiwi sa sakit na naramdaman ko sa kaliwang dibdib ko. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko habang nakatingin kay Saimon na may kausap na babae habang hinahaplos haplos nito ang kanyang hubad na dibdib. Dumapo pa ang kamay nito sa bewang at tumalikod ako para hindi ko masaksihan 'yon. Naramdaman ko ang mainit na likod sa pisnge ko at tumingin ako sa lalakeng kanina pa nakasunod sa akin. "Ayos ka lang? Namumutla ka." "A-Ayos lang." Nag tuloy tuloy ang luha ko at saka tumingin muli sa pwestong 'yon. Nakahawak na ang kamay ni Saimon sa bewang nito habang ang babae naman ay nakalapat na ang kamay sa dibdib ko. Napatingin ako kay Simon na mukang gulat. Mabilis akong tumalikod at tumakbo paalis don. Tuloy tuloy ang buhos ng luha ko at parang dinudurog ang puso ko ng paulit ulit dahil sa sakit. Nang makalayo ako don ay agad kong pinunasan ang luha ko at saka huminga ng malalim. "Ayos ka lang ba?" nagulat ako sa lalakeng kanina pa nakasunod sa akin. "O-Oo." "Boyfriend mo ba si Saimon Funtabella?" umiwas ako ng tingin sa kanya. "I see, kaya ka umiiyak." Tumakbo ako palayo don, mabilis ang takbo ko at di ko alam kung nakasunod parin sya sakin. Hinihingal akong naupo sa tubig habang patuloy pa rin ang pag tulo ng luha ko. "Shit." Humilata ako sa tubig at tumingin sa langit. Patuloy na bumabagsak ang luha ko habang paulit ulit ang eksenang 'yon sa isip ko. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD